KaDyo

Friday, January 12, 2007

Bagong Bahay

Lumipat na po ako dito sa bago kong bahay...kita-kita tayo doon.

or http://www.kadyo[dot]com

Saturday, January 06, 2007

Beauty is not in the face; beauty is a light in the heart.

Bagong taon, Bagong Pag-asa. Nawa ay patuloy tayo na pagkalooban ng maykapal ng lahat ng kanyang mga biyaya. Happy New Year sa inyong lahat.

Siguro nagtataka kayo bakit ganyan ang title ng aking post ngayon. Hindi ko rin alam hehehe, pero ito po ang totoo, hindi ko ginege-generalize ang nilalaman ng aking sinulat. I truly believe na sa mata ng Diyos tayo ay pantay-pantay; pangit man o maganda, pandak man o matangkad, payat man o mataba.
Gusto ko lang ipaalam sa kinauukulan ito kasi pag pinigilan baka sumakit pa ang tyan at bumaho lalo ang utot ko hehehe. Kung sakaling may nasaktan sa sinabi ko, pasenysa na po, di ko sinasadya.
Pero sa "iyo", bagong taon na, magbago ka na.
***
ANG SALAMIN

Sinubukan mo na bang tumingin sa salamin? Sige nga subukan mo, ano nakita mo? Ang mukha mo? Ah ang iyong napakagandang mukha. Mala-birhen, Malasutla, makinis na inalagaan ng panahon, moisturizers, lotions at iba pa. Pero, yan nga lang ba ang nakikita mo? Hindi mo ba naiisip kung saan at paano ginawa ang isang salamin? Hindi? Malamang nga. Busy ka kasi sa pagmamatyag sa kahanga-hangang mala-diyosang likha ng Maykapal na nasa iyong sa iyong harapan at wala ka nang pakialam sa iba pang bagay. Hindi mo man lang tinitigang mabuti ang salamin. Malinaw ba ang reflection nito o kailangan mo munang linisin ito.
Kung sakali ba may tumabi sa iyo para maki-salamin din, mapapansin mo ba ang ngiti nya sa labi? Kung ang iyong kasagutan ay hindi, alalahanin mo na iyang minamasdan mo ay temporary lang at kahit na ilang Dr. Vicky Belo, Dr. Calayan o mga produkto ng siyensya ang dumampi diyan kukupas at kukupas din yan tulad ng sa aming lahat.
Ang tunay na kagandahan ay hindi lamang yung sa panlabas na kaanyuan kasama rin siyempre yung kanyang pag-uugali. Sabi nga ng kaibigan kong si Manny boy, ang babae di baleng kartada 5 lang pero mabait ang pag-uugali di na kailangang humirit pa kasi panalo ka. Pero kung sya naman ay kartada 8 nga pero di naman maganda ang ugali, talo ka kasi para ka na ring na-bokya.