KaDyo

Sunday, February 12, 2006

Isang kwento ng pag-ibig (Part1)

Araw ng biyernes, tanghali na nang magising si Caloy. Madaling-araw na kasi syang nakarating sa bahay nila mula sa tinutuluyang Bachelor's pad ng kumpanya nila. Kapag kasi day-off umuuwi siya sa bahay nila para naman makapagpahinga ng maayos at para din makakain ng masarap ng luto ng kanyang nanay. Nagsasawa na rin sya sa luto ni aling Simang sa canteen. Hindi naman kalayuan ang bahay nila sa pinapasukang planta bilang isang janitor este inhenyero pala, kaya lang maraming syang on-going projects na kailangang tutukan at on-call pa siya kaya tuwing day-off lang sya umuuwi sa kanila.

Nang tanghaling iyon, mag-isa syang kumain ng altang (almusal at tanghalian ata yun hehe) kasi may pinuntahan ang nanay nya. Matapos kumain at makapaghugas ng platong pinagkainan, kinuha nya ang kanyang walkman at lumabas sa may balkonahe para magpahangin. Nasa kasarapan na sya sa pakikinig sa kanta na “Saan na napunta ang panahon” ng kanyang paboritong APO Hikings Society, nang mapansin nya na medyo bumagal ang takbo ng kanyang walkman. Mahina na pala ang baterya. Dali-dali syang nagbihis para bumili ng bagong baterya.

Pinarada nya sa tapat ng suki nyang electrical shop ang dala nyang sasakyan. Pagkakita sa kanya ng babaeng may-ari, binati agad sya, “Uy Caloy kamusta na? lalo ka yatang pumopogi ah”. “Di naman po masyado, Tita Dulce” sabi nya na may halong ngiti. Mabait, masayahin at magaling pang mambola si Tita Dulce kaya doon sya laging bumibili. “Apat na double-A battery nga ho” sabi ni Caloy. Tinawag ni Tita Dulce yung isang tindera nya at pinakuha yung baterya sa lagayan. Habang nagkukuwentuhan sila ni Tita Dulce, napansin ni caloy ang isang babae na nakaupo malapit sa isang table sa loob ng tindahan. Mahaba ang buhok at maputi. Napatingin ang babae sa kanya kaya agad nyang nginitan. Ngunit yumuko lang ito at tuloy sa kanyang ginagawa. Sayang ang ganda pa naman, kaya lang masungit sabi tuloy nya sa sarili. Habang inaabot ni Caloy ang kanyang bayad, sinabi ni Tita dulce “sya nga pala Caloy, baka naman pwedeng ihatid mo itong pamangkin ko sa planta nyo, galing pa yan Capiz, sabay turo sa babaeng masungit este yung nakaupo sa may table pala. Natanggap kasi sya sa kumpanya ninyo at pinagrereport siya ngayon kaya lang hindi sya umabot sa service bus”. “Ganoon ho ba, pasensya na ho kasi ho me aasikasuhin pa ho ako sa bahay”. Sinabi lang ni Caloy yun , pero sa totoo lang kung nginitiian sya ng babae kanina siguradong pinaunlakan na nya ang request ni Tita Dulce. “Sige salamat na lang” sabi ni Tita Dulce. “Sige ho alis na ako” pagpapaalam ni Caloy.
Yan ang nakukuha ng masyadong masungit, nakangiting binubulong ni Caloy sa sarili habang sumasakay sa sasakyan.

Kinabukasan, sa opisina, nakatanggap si Caloy ng tawag mula sa Personnel office, may kailangan daw syang pirmahan na dokumento. Punta sya agad at pag pasok pa lang sa opisina ay binati sya ng kaibigang si Gigi; sekretarya ng personnel manager, “Caloy, pasok ka na sa kuwarto ni boss, lumabas lang sandali, babalik din agad yun.” Nasa loob na si Caloy ng kuwarto ng bumukas ang pinto ng opisina. Nakilala agad ni Caloy ang babae na pumasok sa loob. “Caloy, lika muna pakikila kita sa bago naming kasamahan sa personnel, si Sally” tawag ni gigi. “Caloy si Sally, Sally si Caloy” sabi ni Gigi. “Kilala ko na sya” tugon naman ni Caloy. Akmang iaabot ni Caloy ang kamay ng biglang sabi ni Sally, “di ko yan kilala! ”. Bah gumanti ang masungit, sabi ni Caloy sa sarili. Binaba na lang nya ang kamay at napakamot na lang ng ulo. Two stikes na si Caloy, namumuro na sya ika nga sa bingo.

to be continued....

***I made this entry Feb. 11 pa ngunit sa hindi inaasahang pangyayari hindi ko ma-post dahil dito. Anyways, highways Maligayang Araw ng mga puso sa inyong lahat.


24 comment(s):

^alles gute zum Valentinstag dada^

grabeeeh ha, CAPIZ??? may halong horror yata eto ah ...hehehe

kung di ko pa alam eh lab stowee mo yata ire?! di naman kalaban ni Darna si mama ann kaya cigurado, teka...baka naman istorya ito ng pirs lab mo? :D

(° I °)~ ich habe dich (euch) lieb ~ kahit ala kang inutusang arabo na ka-date ko ngayon :) tse!!!

By Blogger racky, at 7:36 AM  

ituloy ang kwento!!! nakakabitin ka naman eh.. o di kaya e-mail mo na lang sa akin he he he.. (papa-bookbind ko ng mapagkakitaan)

By Anonymous lukin4gf, at 8:03 AM  

aabangan ko yang kwentong yan...

By Anonymous manongbidoy, at 10:11 AM  

Hello Ann and Kadyo! Happy Valentine's sa inyo! Nakita ko yung "Return of the Comeback" post before this. Nangiti ako kasi just recently I watched again Janno Gibb's Pedro Penduko at yung quote na ito yung subtitle. :-) Funny movie

By Blogger watson, at 1:54 PM  

Sally the girl...

sino kya yan? nambitin ka na naman!!! Buti ok na posting... hahaha

By Blogger Mmy-Lei, at 2:06 PM  

Bitin! Soli bayad! Kung true story ito (nino?)puwede nang panlaban sa When Harry Met Sally. Pero ang sagwa naman kung When Caloy Met Sally hehehe

By Blogger Ella, at 11:58 AM  

kakapanabik naman ang kwento ni caloy. ilang parts ba yang kwento. kakabitin ah!

By Blogger Ka Uro, at 2:26 AM  

nkakabtin nmn kwento nyo.sna mtapos pra mgamit ko sa proj. ko,more power,God bless

By Blogger alexandriea, at 9:16 AM  

ANO B YAN BINITIN P OH.. SAN UNG CONTNUED NUN.. KBDTRIP NMN OH.. pero trhnks gandae.. bitin akooooooooooooooooooooooooooooooooooohhhhhhhh

By Anonymous randy, at 9:35 AM  

asan ung katuLoy?ang dya amn!kakabitin!ehehe....

By Blogger darlenemay12, at 7:48 PM  

wow ang galing naman sana magpost pa kau ng marami para marami kaung matulungan...

thnx,,,thnx,,,thnx,,,

By Anonymous melissa montimor, at 11:44 AM  

nakakabitin promise.........eeeeeeeeeeerrrr pa e-mail naman ng kasunod plsssssssssssssssssssssssssss....
lychee_rain@yahoo.com

By Anonymous Anonymous, at 11:46 AM  

gasan part 2 wahhh

By Anonymous Anonymous, at 5:59 PM  

pArt 2 . . . AabAnGAn Ko To .. WeeEww . .kA2 inloVE . . AgErrRRrr . .. .

By Anonymous nicka, at 11:53 AM  

anu bayan,,nka2bitin nmn ung kwento,,,hhhmmmpppp

By Anonymous Anonymous, at 3:45 PM  

ang ganda ng kwento mo caloyy.. idol! sibakin mo ha!

By Anonymous Anonymous, at 8:16 PM  

yon lang?wla yata kilig moment don...
meron vahhh?dva wala

By Anonymous jacy, at 7:37 AM  

wow
ang ganda
pero nakakabitin
babasahin ku na ang part2
hehehhe

By Blogger aspire28, at 2:19 PM  

wer na ang part2!!!
kakamiz
ang ganda namn

abang abang lag hahahaha

By Blogger aspire28, at 2:20 PM  

w0w.ang ganda.t0 be c0ntinue e.:p asan kasun0d??

By Anonymous Anonymous, at 5:22 PM  

my clsm8 ako since grade 2 until grade 6..d kmi mxad0ng cl0se kc focus lage aq sa study pero xa papancn ng papancn.,h0n0r student kc aq.
..then dumtng ung tym na graduati0n na.. Nag picture taking.nagbgayan ng gfts at nagbeso bes0,
.c guy naman n kulang sa pansin,lumapit sakn at nag fav0r qng pwd dw kmi magpic.remembrance lng dw..pumayag naman ako..^_^
.lumipas ang mga araw..ngng bnata n xa at mejo dalaga n dn aq.hehe..
.magkaiba kmi ng skul na pinapasukan..pero pg tym na ng uwian ngkakasby kmi kc isa lang l0cati0n namin..d q xa pnapancn pero xa laging papancn.ung bgla n lng xa mangungulbit tap0s bgla aq tatawanan..pero deadma p dn..ngng r0utine n nya un everytime na ngkakasby kmi.
.0ne time ngtxt sakn ung president namin ng elem. Magkta kta dw kmi sa park...
.et0h na tym n ng pgkkta.
Hal0s lahat na ng mga clsm8 q dti dumtng na xa lang ung wla pa,.na curi0us aq kc xa ung atat n atat n mgkta kta ang brkada..
mayamaya ayan na dumtng na c papancn.,nptngn aq s knya kc ang gwap0,ang tikas ng p0rma nya.hehe,n0ng nptngn xa skn(nahuli atang nkatingn aq)nahya aq..tap0z bc'bc epek.parang wlang nangyari..
.hal0s lahat cla nagkwekwentuhan na,aq lang at xa ang wlang kausap..
.nkaupo aq sa swing,,tap0z my bglang kumulbit xa n naman.!.aalis n sana aq pero bgla nya hnwakan buh0k q,nasaktan aq tap0z cnap0k q at gnulo q buh0k nya,.hanggang sa aun..nagkulitan n kmi.
.uwian na..sbay n kmi umuwi.,papunta nq smin ng bgla nya knuha f0ne q.knuha pla number q.^_^
.(summary na mejo hba e)
.nagtxttxt kmi.twagan..hanggang dumtng sa ligawan..
.niligawan nya aq mga 3yrs.kc 1styr p lng aq ng tym n un..
.et0h na 4th.yr n hyskul at kmi na.^_-.
.lagi'lagi kami lumalabas every wikend..wlang araw n nd aq naiinlab sa kanya,at wlang araw na hnd nya snasbi sakn na^IKAW LANG MAHAL KO HINDING HINDI KITA IIWAN^..
.march na at graduati0n na..nauna ung graduati0n nya kesa skn.sbi nya sasamahan dw nya aq sa pgraduate k0.pero tap0s na.picture taking na wla pa dn xa..
.mamya me kumulbit n naman pgharap k0h w0w c papancn nga..my dalang r0se at gft.
..june.nkta q c tita ung mama nya.tnan0ng q qng san mag enr0l c papancn para d0n dn aq.per0.malungk0t ung sag0t ni tita "Hindi raw makakapag aral c papancn kc magpapagam0t daw xa".nagulat aq kc wla xang nbbnggit skn b0ut sa sakit..
.pumunta aq s knla.knausap k0h xa..kaya pala lagi sya late sa mga lakaran kc inaatake sya ng sakt nya.
.dumtng ang time na nid nya q iwan para magpagam0t.
.pero d xa npgbgyan ng tadhana.knuha xa ni G0D.
.my regreat aq sa Buhay q.na sana kung nu0n q p xa pinansin sana mas matagal k0h xa nkLala at nakasama.
.AT UNTIL N0W HAWAK KO PA DIN PR0MISE NYA NA D NYA AKO IIWAN AT AKO LANG MAHAL NYA.
.MISS KO NA YUNG LAGI NYA PANGUNGULBIT.:(
.I BELEIVE D MAN KMI SA NGAY0N.ALAM KO SA KBLANG BUHAY.^Ikaw lang at ako ang magsasabi ng I Love you.^

By Anonymous Anonymous, at 7:05 AM  

This comment has been removed by the author.

By Blogger mz.bella, at 4:19 PM  

hello!asan poh an part 2..interesting poh kz an story,,d q lng mkita part 2,,:))tanx

By Blogger mz.bella, at 4:20 PM  

sayang bitin naman gagawin ko sana un na project ko eh,,,,hmm ganda kasi ng kwento ^_^

By Anonymous Francis, at 12:10 PM  

Post a comment

<< Home