KaDyo

Monday, March 27, 2006

He is weeping...




The story is about a father, Walter Wagerin, and his little fireball of a son named Matthew. Matthew would just go into action without thinking about what he was doing or the consequences of his actions. If he set his mind to something, it was done even if he might have to pay dearly for it later.

Now, it seems that when Matthew was about ten, he became a comic book junkie. The only thing is that Matthew used to steal the comics. One day his father, Walter, went into Matthew’s room and found him with a big stack of comic books. “Where did you get these?” his father asked, knowing that Matthew couldn’t have the money for them. “I took them from the library,” Matthew said. “You mean, you stole them,” his father replied. A call went to the library with great apologies from Walter, and then Matthew was marched down there to return the books, apologize and do whatever chores the librarian had in mind.

The next summer while on vacation in a little village in Vermont, Walter saw his son with another stack of comic books. “Where did you get these?” he asked. “From the corner store when the owner wasn’t looking,” Matthew answered. At least the kid was honest. Money for the comics was given to the store owner and the rest of Matthew’s summer was spent working for his father and mother, instead of fishing and playing with the other children. Walter also took the comics and burned them in front of Matthew one by one. As each one burned he had Matthew repeat after him, “Thou shall not steal.” He told him, “Matthew, if you ever he do this again, I am going to have no choice but to spank you.”

It didn’t deter the imp. A few months later, Matthew stole more comic books. This time, his father told him he had a spanking coming. So he went into Matthew’s room, put him over his knee and gave him five swats on the behind. When he finished, he could see that the boy wanted to cry, but was doing his best to hold it in. He didn’t want to cry in front of his dad. So his father said, “Matthew, I’m going to leave you alone for a little while, but then I’ll come back in a few minutes.” As soon as he closed the door behind him, the Walter himself began to cry, and cry very hard. After a while, he washed his face and went back to talk to his son.

Many years later, as a young man, Matthew was driving his Mom home from a shopping trip. They began reminiscing. Matthew brought up his stealing comic books. “You know, Mom, after Dad spanked me, I never stole anything again.” “I guess you were afraid he’d give you a worse spanking,” his mother said. “Oh no, Mom. I never stole again because when Dad stepped out of my room, I could hear him crying.”
*****
The image of Jesus weeping reminds us that He is someone who cares enough to be pained by what his friends do. He is someone who has allowed his love for us to reduce him to tears whenever we betray that love.
Jesus weeps over our own personal versions of stealing comic books. He doesn’t like what our sins have changed us into or the hurt we’ve given others. Like Walter in the story, he cries not from hatred of his son but from love.

Perhaps if we contemplate the weeping Jesus, we will turn from all that gives him pain. Perhaps we will really change our lives. Perhaps we will give up those elements of our lifestyle that are slowly killing us. If we contemplate the weeping Jesus, we can change.
And this won’t be because we fear a spanking. It will be because we can hear Jesus crying.

Saturday, March 25, 2006

A stiff apology is a second insult....


...the injured party does not want to be
compensated because he has been wronged; he wants to be healed because he has
been hurt.


Ang paghingi nang tawad sa isang taong nasaktan natin, maging siya man ay miyembro ng ating pamilya, kakilala o isang kaibigan ay dapat maging taos ito sa ating puso. Sapagkat kung hindi naman ito dalisay o bukal sa ating loob, lalo lang natin pinalalalim ang sugat na dinulot nito.

Ever heard the saying “adding insult to injury”? Parang ganito yun...sabihin natin na may dalawang mag-kaibigan; si Nida at si Martha. Sinamahan ni Nida ang kanyang kaibigang si Martha upang bumili ng mga gamit sa bahay. Bagong lipat kasi ng tirahan si Martha at wala pa silang kagamit-gamit. Nang magtatanghalian na, nakaramdam na ng gutom si Nida ngunit hindi man lamang siyang inanyayahan ni Martha na mananghalian. Nang hindi na makatiis si Nida ay kinausap niya ito, sinabi ni Nida na pakiramdam niya hindi siya appreciated. Sabi ni Martha, “I’m sorry Nida, sobrang excited lang kasi ako sa pamimili at nawala sa loob ko ang lahat". Nida did not feel better. In fact, she felt worse.

Ang paghingi kasi ng tawad ni Martha ay may kasama pang pangangatwiran. Pinapalabas niya na kahit ganoon ang kanyang ginawa hindi naman niya ito sinasadya- its beyond her control ika nga. Inaasahan din ni Martha na agad na tatanggapin ni Nida ang kanyang excuse, ngunit nakatuon pa rin ang kanyang focus sa sarili kasya sa nararamdaman ng kaibigan. Ang tawag dito ay “Sorry-Excuse”.

Kahit na sabihin natin na consciously ay hindi minamanipula ni Martha ang pangyayari, lumalabas na ang kanyang plano ay not to take responsibility ngunit para humanap ng paraan upang makalusot sa gusot na ginawa niya. Kapag hindi naman tinanggap ni Nida ang rason ni Martha, si Martha naman ang magagalit kay Nida at sasabihin na kulang ito sa understanding.

When we receive a counterfeit apology we often sense it and so rather than the hurt being healed, it is deepened.
Upang hindi tayong masaktang muli, dapat nating gamitin ang ating Gift of discernment. Sa pamamagitan nito malalaman natin kung tunay ba o tunayn-typayb lang ang paghingi ng tawad ng kabilang party.
If we can change how we give and receive apologies, we can become less defensive, gain insight, grow wiser, and strengthen all of our relationships. We can also, then, be a strong model for others, including our children, teaching them that real apologies show strength of character, gain the respect of others, and have great healing power.
Pero lahat ng mga ito ay magagawa lang natin kung pababayaan natin ang ating sarili na maging mapagkumbaba at maging totoong tao. At paano natin magagawa ito? Allow God to enter our lives, let him be the Captain of our Souls and accept him as our friend and saviour.

Monday, March 20, 2006

He who has health has hope; and he who has hope has everything.

Napag-alaman ko na kaya pala walang update ang blog ng aming kaibigan na si Ella ay dahil nagkasakit pala siya (sus, eh ako nga wala namang sakit pero wala din update eh, sensya na po hehe).
Okay na siya ngayon pero, tatlong araw daw siyang nasa ospital dahil sa matinding tonsilitis (mahilig sigurong mag-Karaoke hanggang madaling araw itong si ella hehe). Sabi niya "Oy, bawal magkasakit ngayon" kasi pagkamamahal ang gamot at bayad sa ospital. Ang naging kunsuwelo na lang daw nya ay pogi yung doktor na tumitingin sa kanya hehe, Ikaw talaga ella puro biro.

Pero totoo ang sinasabi ni ella, napatunayan namin yan noong magkasakit iyong isa naming anak na si Justin. It happened 5 years ago during one of our vacations sa pinas .
Dito kasi sa gitnang silanagan, for health reasons, ang tubig na iniinom namin ay bottled mineral water. Isang litro ng mineral water is SR. 1.50 (P22.5) samantalang yung isang litro ng gasolina naman ay SR. 0.90 (P13.5). Ang tubig naman sa tap kahit na "sweet water" ay ginagamit lang namin na pangligo, panlaba, panghugas ng plato. Ito rin ang tubig na ginagamit namin panghugas ng pwet (sosyal namang pwet yan kung mineral water pa gagamitin namin hehe).

So kapag nagbakasyon kami sa pinas ay nagpapadeliver na lang kami mineral water sa bahay. Minsan, nirereklamo ni Justin na masakit daw ang tiyan nya at para siyang nahihilo. After few trips to the kubeta at pagsusuka, napansin namin na parang matamlay na ang pakiramdam ng bata kaya dinala namin siya sa hospital. Ayon sa g doktor na tumitingin sa kanya ay Diarrhea ang kanyang naging sakit. Tinanong ni Doc kung ano ang nakain nya o naimom ng bata. Wala naman kaming mapagsuspetsahan ni wisheart kasi wala naman kaming alam na nakain niya na makakapagdulot sa kanya nang ganoong sakit. Apat na araw siyang naospital, ang daming binigay na gamot sa kanya at may nakalagay pang dextrose sa braso. Nang maka recover na siya, sinabi ni Doc na pwede na namin syang ilabas. Nagulat ako ng kunin ko yung bill sa ospital. "Miss Diarrhea po ang sakit ng anak ko at di po nagpa ceasarian delivery ang misis ko" sabi ko sa ale na nagbigay ng bill sa akin. "Ganyan po talaga ang presyo ng nga gamot at charges ng ospital" sagot nya. Upang di na humaba ang aming pagtatalo, binayaran ko na ang bill. Bumalik ako sa kuwarto upang ipakita kay wisheart ang aming bill. Nagulat sya, "buti pala di mo nilagay na nagtatrabaho ka sa abroad, kundi...mas mataas pa dito babayaran natin". Sa aming pag-uusap ay di maiwasan na ikumpara ang kalagayan ng pilipinas sa ibang bansa. Dito kasi sa gitnang silangan bukod sa libre ang pagpapagamot dahil sagot ng kumpanya at ng gubyerno (magpunta ka nga lang sa doktor para manghingi ng kahit na anong gamot eh bibigyan ka, wag lang viagra--oy Darna di pa ako gumagamit nyan ha hehe) , malaki rin ang kamurahan ng mga gamot sa mga pharmacy dito. Ang tanging mahal lang dito ay ang magpagawa ng salamin sa mata, magpalinis at magpapustiso ng ngipin, magpa-lipo at iba pang pampaganda at pampa-sexy. Tanong nga ni wisheart (na sinabi din ni ella sa kanyang post) paano na yung mga kababayan nating walang perang pampagamot, paano na sila, baka pag nakita pa lang nila yung presyo ng gamot eh himatayin na sila. Albularyo at hilot na lang ba ang pag-asa nila?

Ang proper health at well being ay isa sa ating mga karapatang pantao, ibig sabihin tayong lahat mahirap man o mayaman ay dapat may access sa murang gamot, mura at magagandang ospital. Pero dahil sa mga &*((^%%(^)$@ na politiko at mga buwaya sa gubyerno sa atin na mas inaasikaso pa ang kanilang pagpapayaman, patuloy na magdurusa si juan dela cruz.

Ang lalo lang nakakapag-pakulo ng dugo ay kapag nakakarinig at makakakita ka ng balita sa atin tungkol sa ating mga kababayan na dumadanas ng matinding kahirapan at gutom samantalang ang mga namumuno sa atin ay nagpapakasasa sa kanilang naglalakihang mansyon at di mabilang na mga luxury vehicles. Dapat sila ang ipako ng patiwarik sa krus sa mahal na araw....mga buwiset!!!

**siyanga pala alam nyo ba kung bakit nag ka-Diarrhea si Justin? Pagkauwi namin galing sa ospital, sinabi ni wisheart sa katulong namin sa bahay na tumawag at magpadeliver ng mineral water doon sa aming suki. Sabi ba naman na di na raw kailangan, nakita ko mga na puno na nang tubig ang lahat ng mga plastic containers. Tinanong ni wisheart kung saan galing ang tubig, sa gripo daw, isang linggo na raw nyang sinasalinan ng tubig mula sa gripo ang mga containers. Nang sinabi ni wishert na huwag na nyang gagawin iyon , eh siya pa ang nagalit, hindi naman daw niya alam na binibili pala ang tubig na iniinom namin. Oo nga naman hehehe...sori po.

Sunday, March 12, 2006

Do you realize if it weren't for Edison we'd be watching TV by candlelight?

Isa sa mga gadget na talaga namang sumisikat ngayon ay ang iPod. Ito ang tinuturing ngayon na nangununa sa larangan ng portable media players (ano kaya sa tagalog ito hehe). Ayon sa reported sales ng Apple higit kumulang na 42 million na ang naibenta na iPod, at 14 million nito ay during the first quarter ng taong kasalukuyan. Ibig sabihin na bawat isang minuto isang daang (100) iPod unit ang nabebenta, Wowawi!!! At sa price range na 300 to 600 US Dollars (approx. 15,000~30,000 pesosesoses) may kamahalan pa rin ito. Pero dahil na rin sa galing nang marketing/advertising strategy ni fafa Steve Jobs na tulad nang kanilang silhouette commercials manatiling mabenta ang iPod.





Mga ilang taon pa siguro ay bababa na ang presyo nito sa market at pag nagkataon para itong cellphone na every member of the Pinoy household ay mayroong iPod.
Nakinikinita ko rin ang mga commercials na maglalabasan...tignan nyo itong naisip ko. Pwede na kaya yan?



Saturday, March 04, 2006

It is the land of perpetual pubescence, where cultural lag is mistaken for renaissance.

Kapag nauuwi kami ng Pilipinas, isa sa mga madalas pasyalan ng aking wisheart ay ang salon. Hindi po ito iyong salon na gustong-gusto naming puntahan nina fafa KU, atoy, tanggerz at flexJ ha. Ito po yung lugar upang lalong magpaganda at magrelax ang mga kababaihan. Actually, dito na rin ako nagpapaganda este nagpapapogi pala kasi unisex naman ang kine-cater ng mga salon sa atin diba. Paborit ni wisheart ang David's Salon at Ricky Reyes na mayroong branch sa aming munting bario (may plugging pa hehe). Bukod sa gupit, enjoy si wisheart sa Hair Spa, Foot Spa, Oil Treatment, Hair Coloring, Manicure at Pedicure. Ako? hanggang haircut lang at foot spa ang kaya ng powers ko hehe.

Dito naman sa gitnang silangan, exclusive lang para sa mga babae ang mga beauty salons. May guard sa may entrance ng salon at hindi pinapapasok ang mga lalake. Lahat ng empleyado ay mga babae.

Kahapon nagpahatid sa akin si wisheart at ang friend namin na si tita K sa paborito nilang salon. Sinama rin nila ang aming panganay na anak upang magpa-trim ng buhok. Matapos ng ilang oras ay tinawagan nila ako upang sunduin naman sila. Sa sasakyan pa lang ay kinuwento sa akin ng aming anak ang price difference ng salon dito at salon sa Pilipinas. Di hamak daw na malaki ang kamahalan ng serbisyo dito. Sabi ko naman sa kanya na mas mura pa nga dito kung tutuusin, kasi pag sa atin ka magpapagupit ngayon kailangan mo pang bumili ng ticket sa eroplano hehehe.

Pero sa totoo lang medyo mahal nga dito, eto nga pala ang price list. Ano masasabi nyo?

Hair trim: SR. 50 (@15 pesos to 1 SR....750 pesos)
Hair Color: SR. 400(P6,000)
Manicure: SR. 100 (P1,500)
Pedicure: SR. 100 (P1,500)

Hindi ko nadala ang aking digicam kaya ginamit ko na lang ang aking cellphone camera para kunan ang itsura ng labas ng salon, kaya lang medyo madilim na ng sinundo ko sila kaya sensya na kung malabo.