KaDyo

Monday, March 20, 2006

He who has health has hope; and he who has hope has everything.

Napag-alaman ko na kaya pala walang update ang blog ng aming kaibigan na si Ella ay dahil nagkasakit pala siya (sus, eh ako nga wala namang sakit pero wala din update eh, sensya na po hehe).
Okay na siya ngayon pero, tatlong araw daw siyang nasa ospital dahil sa matinding tonsilitis (mahilig sigurong mag-Karaoke hanggang madaling araw itong si ella hehe). Sabi niya "Oy, bawal magkasakit ngayon" kasi pagkamamahal ang gamot at bayad sa ospital. Ang naging kunsuwelo na lang daw nya ay pogi yung doktor na tumitingin sa kanya hehe, Ikaw talaga ella puro biro.

Pero totoo ang sinasabi ni ella, napatunayan namin yan noong magkasakit iyong isa naming anak na si Justin. It happened 5 years ago during one of our vacations sa pinas .
Dito kasi sa gitnang silanagan, for health reasons, ang tubig na iniinom namin ay bottled mineral water. Isang litro ng mineral water is SR. 1.50 (P22.5) samantalang yung isang litro ng gasolina naman ay SR. 0.90 (P13.5). Ang tubig naman sa tap kahit na "sweet water" ay ginagamit lang namin na pangligo, panlaba, panghugas ng plato. Ito rin ang tubig na ginagamit namin panghugas ng pwet (sosyal namang pwet yan kung mineral water pa gagamitin namin hehe).

So kapag nagbakasyon kami sa pinas ay nagpapadeliver na lang kami mineral water sa bahay. Minsan, nirereklamo ni Justin na masakit daw ang tiyan nya at para siyang nahihilo. After few trips to the kubeta at pagsusuka, napansin namin na parang matamlay na ang pakiramdam ng bata kaya dinala namin siya sa hospital. Ayon sa g doktor na tumitingin sa kanya ay Diarrhea ang kanyang naging sakit. Tinanong ni Doc kung ano ang nakain nya o naimom ng bata. Wala naman kaming mapagsuspetsahan ni wisheart kasi wala naman kaming alam na nakain niya na makakapagdulot sa kanya nang ganoong sakit. Apat na araw siyang naospital, ang daming binigay na gamot sa kanya at may nakalagay pang dextrose sa braso. Nang maka recover na siya, sinabi ni Doc na pwede na namin syang ilabas. Nagulat ako ng kunin ko yung bill sa ospital. "Miss Diarrhea po ang sakit ng anak ko at di po nagpa ceasarian delivery ang misis ko" sabi ko sa ale na nagbigay ng bill sa akin. "Ganyan po talaga ang presyo ng nga gamot at charges ng ospital" sagot nya. Upang di na humaba ang aming pagtatalo, binayaran ko na ang bill. Bumalik ako sa kuwarto upang ipakita kay wisheart ang aming bill. Nagulat sya, "buti pala di mo nilagay na nagtatrabaho ka sa abroad, kundi...mas mataas pa dito babayaran natin". Sa aming pag-uusap ay di maiwasan na ikumpara ang kalagayan ng pilipinas sa ibang bansa. Dito kasi sa gitnang silangan bukod sa libre ang pagpapagamot dahil sagot ng kumpanya at ng gubyerno (magpunta ka nga lang sa doktor para manghingi ng kahit na anong gamot eh bibigyan ka, wag lang viagra--oy Darna di pa ako gumagamit nyan ha hehe) , malaki rin ang kamurahan ng mga gamot sa mga pharmacy dito. Ang tanging mahal lang dito ay ang magpagawa ng salamin sa mata, magpalinis at magpapustiso ng ngipin, magpa-lipo at iba pang pampaganda at pampa-sexy. Tanong nga ni wisheart (na sinabi din ni ella sa kanyang post) paano na yung mga kababayan nating walang perang pampagamot, paano na sila, baka pag nakita pa lang nila yung presyo ng gamot eh himatayin na sila. Albularyo at hilot na lang ba ang pag-asa nila?

Ang proper health at well being ay isa sa ating mga karapatang pantao, ibig sabihin tayong lahat mahirap man o mayaman ay dapat may access sa murang gamot, mura at magagandang ospital. Pero dahil sa mga &*((^%%(^)$@ na politiko at mga buwaya sa gubyerno sa atin na mas inaasikaso pa ang kanilang pagpapayaman, patuloy na magdurusa si juan dela cruz.

Ang lalo lang nakakapag-pakulo ng dugo ay kapag nakakarinig at makakakita ka ng balita sa atin tungkol sa ating mga kababayan na dumadanas ng matinding kahirapan at gutom samantalang ang mga namumuno sa atin ay nagpapakasasa sa kanilang naglalakihang mansyon at di mabilang na mga luxury vehicles. Dapat sila ang ipako ng patiwarik sa krus sa mahal na araw....mga buwiset!!!

**siyanga pala alam nyo ba kung bakit nag ka-Diarrhea si Justin? Pagkauwi namin galing sa ospital, sinabi ni wisheart sa katulong namin sa bahay na tumawag at magpadeliver ng mineral water doon sa aming suki. Sabi ba naman na di na raw kailangan, nakita ko mga na puno na nang tubig ang lahat ng mga plastic containers. Tinanong ni wisheart kung saan galing ang tubig, sa gripo daw, isang linggo na raw nyang sinasalinan ng tubig mula sa gripo ang mga containers. Nang sinabi ni wishert na huwag na nyang gagawin iyon , eh siya pa ang nagalit, hindi naman daw niya alam na binibili pala ang tubig na iniinom namin. Oo nga naman hehehe...sori po.

21 comment(s):

Would you believe that medicines in RP is among the most expensive in the world? Considering na Third World tayo, our medicines are like gold.

Blame this on our government's subservience to those multinational drug companies. Instead of protecting us, they are siding with them. In fact these drug companies often discourage drugstores from selling generic drugs or cheaper medicines that are imported from India.

Hawak nila tayo sa leeg....%$^%#@#$@$%^% Grrrr...

By Anonymous snglguy, at 12:08 PM  

Tama, mahirap magkasakit sa pinas.
jusko walang mga puso yang nakaupo sa &ç%ç*(&/( tsk..tsk..wala na yatang pag-asang umunlad ang pinas.

By Anonymous Ethel, at 10:53 PM  

mahirap talagang magkasakit sa atin. isang reason yan kung bakit naisipan kong mag-migrate sa ibang bansa. halos iilan na lang sa atin ang nakaka-afford ng medical insurance. yung iba bumibili na lang ng death/funeral insurance mas mura kasi kesa medical insurance. para sa kanila mas maginhawa pa ang mamatay na lang kesa sa magkasakit. bakit nga ba ganito ang siwasyon sa atin?

By Blogger Ka Uro, at 2:06 AM  

Very true!
Kawawa nga yung ibang di maka-afford ng health services. nagtitiis ng sakit.

Dyan sablay ang pamahalaan natin at ibang mga pulitiko....

HANGGANG KAILAN ITO!!!?????

Sigh.......

By Blogger Flex J!, at 7:44 AM  

snglguy, parang may nabasa nga ako na article regarding sa sinabi mo, kaya nga diba may plano ang goverment na bumili ng gamot sa India. Paano naman kaya tayo na makakasiguro sa quality ng gamot na ito???

Tama ka, nakakabanas na ang mga nasa Gubyerno mas ninanais panilang lalong magpayaman kaysa isipin ang kalagayan ng mga Pilipino.

By Blogger KaDyo, at 11:54 AM  

ninang ethel, tama ka at hindi lang puso ang wala sila, wla rin silang apdo, atay, bituka etc etc heehee

By Blogger KaDyo, at 12:07 PM  

fafa, alam mo nakikita kong dahilan ay nawawala na iyong nakaugalian nating bayanihan. Nagkakanya kanya na at nawawala na iyong concern sa isat'isa. At ang puno't dulo nito ay dahil sa ating mga past & present na lider. Nakikita natin (new generation) na mga mismong lider natin ay sarili nila ang iniintindi; binubusog ang kanilang mga bulsa at tiyan. At yun namang mga tao na gumawa nang pagkukulang sa ating bansa tulad ni erap ay hindi pa napaparusahan.
Kailangan natin ng lider na magbibigay ng inspirasyon at "drive" sa ating mga Pilipino...at isa sa mga nakikita ko na pwedeng pwede at ..ikaw fafiiii. Vote fafa KU for Ms. Pilipins 2007, ako mag-aayos ng buhok mo ha acheng hehehe

By Blogger KaDyo, at 12:23 PM  

fafa Flex, tama sabi mo puro tiis na lang ginagawa ng ating mga kababayan na walang pera. Pero hanggang saan at kailan ba ang kanilang pag-titiis.

Ikaw ang kukunin naming manicurista ni fafa KU ha hehe

By Blogger KaDyo, at 12:28 PM  

Ang sistemang ganito ay mananatili hanggat ang mga Pilipino ay di natutong magdemmand sa mga taong nasa gobyerno at kapitalista. Ang problema kasi masyadong mapagpasensya tayong mga Pinoy at ito ang inaabuso ng mga kapitalista at mga naghaharing uri.

Sa ganitong situation, napapanatili nila ang kanilang kapangyarihan kasi maraming tao walang edukasyon at kamalayan sa kanilang mga karapatan.

Pero hindi bale, darating din ang oras nila. Sana sa lalong madaling panahon na. Kawawa na ang ating mga kababayan. Talong talo na sa lahat ng bagay, ultimo pagkain sa basurahan na kinukuha. Pag nagkasakit, kay mang kepweng na lang tumatakbo.

By Anonymous myepinoy, at 11:47 PM  

Pareng KD, ang Pinas at dito ay pahero lang pagdating sa medical care (hospitalization), at sa presyo ng mga gamot. Pag wala kang medical insurance at na-ospital ka, ang bill mo eh para ka ng bumibili o nag-downpayment sa isang malaking bahay.

Ang presyo ng gamot, kailangan may isang supot ka ng ginto pag bili mo...

By Blogger Royce, at 4:40 AM  

manong kadyo, musta mo? "he who has hope has everything..." parang sinabi dati yan ni doogie howser sa kanyang journal. ala lang, napaghahalata ang edad ko,nyehehehe

- noringai

By Anonymous Anonymous, at 10:11 AM  

a few days ago, dinala ko din anak ko sa hospital! they took his urine and stool for test, i was charged P836 for each which means P1672 less pa dun yung ibang fees... sabi ko dun sa tao sa hospital, wala bang public c.r. dito, umihi at dumumi lang P1672 na agad! Buti na lang gumaling din agad yung baby ko kundi sunugin ko hospital nila...hehehe!!!

By Anonymous major, at 4:54 AM  

Medicines from India are as good as the ones sold here since they are also made by the same multinational drug companies like Schering Plough, Sanofi, Abbott, etc. The difference is that they are made in India.

The reason medicine there is cheap is because the government is strictly implementing the India first policy so that the medicines will be affordable to the masses. And the country also has a thriving generic drug industry which we here could have if the government will only support the program.

Drug companies claim the reason why meds here are expensive is because they also spent billions on research and development. They have to recoup their investment daw, which is totally bullshit. In India, the government remained firm and did not allow these MNC's to dictate their own price otherwise the prices of medicines will be ridiculously high and unaffordable.

Tayo na nga ang may isa sa pinakamataas na power rates, pati be naman gamot???? This is BS!!!

By Anonymous snglguy, at 10:03 AM  

myepinoy, in a way tama ang sinabi mo na dahil sa sobrang pasensyoso ang mga pinoy tuloy inaabuso na tayo. Pero I guess this is a good quality kasi pwede nating ihalintulad ang ating sarli sa kawayan..sa resilient quality nito. Ano mang unos na dumaan makakaya natin at malalampasan.

Naniniwala ako sa divine justice...siya na ang bahala sa mga umaapi sa kanila.

By Blogger KaDyo, at 1:51 PM  

royce, sa atin kahit na may insurance ka hindi ka pa rin siguro 100% na kampante na mabibigyan ng mabuting serbisyo pag nagkasakit ka.

Naalala ko tuloy yung mga pre-need educational plans like OCE, CAP etc etc

By Blogger KaDyo, at 1:56 PM  

tita noreen, eto okay naman hanggang ngayon di ako maka-access ng blog mo =( bakit kaya?

uy, Paborit ko ring panoorin si doogie howser m.d. hehehe - di naman masyadong halata =D

tama nga dapat laging may hope kasi pag walang hope edi mag-marlboro na lang ..korniiiii

By Blogger KaDyo, at 2:03 PM  

major, grabe namang fees yan anong ospital ba yan sobra naman silang maningil. dapat din kasing may nagmomonitor nyan from Dept of health or something...teka nga tatawagin ko lang si tulfo hehehe.
Easy lang..hehehe ang puso mo

By Blogger KaDyo, at 2:06 PM  

snglguy, you're right na same technology din naman ang ginagamit sa India kaya lang doon mababa ang labor cost, walang masyadong benefits ang mga workers, malaki ang tax incentives na binibigay ng govt sa mga drug companies etc kaya kaya nilang ibaba ang presyo ng gamot. Sa atin masyadong mataas ang operating cost, like kuryente, tubig, tax dito tax doon, evat dito extented evat doon, ebak dito ebak doon hehehe ..ano anong vat. sa bulsa lang naman ng mga buwaya sa govt napupunta ito..kakainis talaga.

By Blogger KaDyo, at 2:13 PM  

don't worry ...be happy faffi!!!

isasali kita sa foundation ko, para libre viagra mo pagsapit ng panahon! heheheh

By Blogger racky, at 2:56 PM  

darana, okay na foundation yan ah tumutulong sa pag-uplift ng pag-asa bwhahaha sinong pres ng foundation na ito si manong bwhahahaha

By Blogger KaDyo, at 1:50 PM  

bwahahahahha!!!

kaya naman lab na lab kita SAM! hehehe ...mwuahhh...mwuahhh...
mwuahhh!!! me reklamo???

By Blogger racky, at 10:20 PM  

Post a comment

<< Home