KaDyo

Saturday, March 04, 2006

It is the land of perpetual pubescence, where cultural lag is mistaken for renaissance.

Kapag nauuwi kami ng Pilipinas, isa sa mga madalas pasyalan ng aking wisheart ay ang salon. Hindi po ito iyong salon na gustong-gusto naming puntahan nina fafa KU, atoy, tanggerz at flexJ ha. Ito po yung lugar upang lalong magpaganda at magrelax ang mga kababaihan. Actually, dito na rin ako nagpapaganda este nagpapapogi pala kasi unisex naman ang kine-cater ng mga salon sa atin diba. Paborit ni wisheart ang David's Salon at Ricky Reyes na mayroong branch sa aming munting bario (may plugging pa hehe). Bukod sa gupit, enjoy si wisheart sa Hair Spa, Foot Spa, Oil Treatment, Hair Coloring, Manicure at Pedicure. Ako? hanggang haircut lang at foot spa ang kaya ng powers ko hehe.

Dito naman sa gitnang silangan, exclusive lang para sa mga babae ang mga beauty salons. May guard sa may entrance ng salon at hindi pinapapasok ang mga lalake. Lahat ng empleyado ay mga babae.

Kahapon nagpahatid sa akin si wisheart at ang friend namin na si tita K sa paborito nilang salon. Sinama rin nila ang aming panganay na anak upang magpa-trim ng buhok. Matapos ng ilang oras ay tinawagan nila ako upang sunduin naman sila. Sa sasakyan pa lang ay kinuwento sa akin ng aming anak ang price difference ng salon dito at salon sa Pilipinas. Di hamak daw na malaki ang kamahalan ng serbisyo dito. Sabi ko naman sa kanya na mas mura pa nga dito kung tutuusin, kasi pag sa atin ka magpapagupit ngayon kailangan mo pang bumili ng ticket sa eroplano hehehe.

Pero sa totoo lang medyo mahal nga dito, eto nga pala ang price list. Ano masasabi nyo?

Hair trim: SR. 50 (@15 pesos to 1 SR....750 pesos)
Hair Color: SR. 400(P6,000)
Manicure: SR. 100 (P1,500)
Pedicure: SR. 100 (P1,500)

Hindi ko nadala ang aking digicam kaya ginamit ko na lang ang aking cellphone camera para kunan ang itsura ng labas ng salon, kaya lang medyo madilim na ng sinundo ko sila kaya sensya na kung malabo.


37 comment(s):

ang mahal naman, ano ba gunting nila, ginto? hehehe

By Blogger majorkontrapelo, at 10:02 AM  

ang mahal naman ng mani/pedicure...dito 30dhs lang eh, which is 1dh = 14php..

heniways, aku din tuwing uuwe ako ng pinas d puedeng dko bibisitahin si pareng David's..eheh konswelo na un sa pgttrabaho dito noh..hihih

By Anonymous pobs, at 1:20 PM  

Hahha..tama ka fafi Kd ang mahal ng salon sa gitnang silangan :) pero mas mahal din dito sa europe jusmio 50 euro pataas, kaya di ko na isiping e convert sa peso.
Happy weekend sa inyong lahat.

By Blogger Ethel, at 2:32 PM  

faffi, punta ka na lang sa alemanya para ma-praktis naman 'yang kadalubhasaan mo! hehehe
sayang eh, di mo pala magamit jan.
mas malaki pa ang kita mo :D

pano nga pala sabihin ang labs u ng mga kaliwang arabo? hangang doon nangungulit ka ha! sumbong kita kay mama ann!

By Blogger racky, at 11:57 PM  

ang mamahal pala ng gupit sa inyo jan. akala ko mahal na dito sa singapore at SGD10. (P300)

have a nice weekend KD!

By Blogger Owen FV, at 8:26 AM  

Wow! That is expensive! Services are still cheaper here in RP.

Have a nice weekend kadyo. :D

By Blogger Screwed-Up AKA SnglGuy, at 5:07 PM  

yan pala magandang bisnes jan fafa. magtayo tayo ng salon, bakas tayo. ako taga-manicure, ikaw ang pedicure. hehehe

By Blogger Ka Uro, at 1:19 AM  

Kadyo! Yung misis ko medyo cost conscious kaya limited to haircuts lang ginagawa nya madalas sa salon. Tipid di ba? Hi to Ann! Thanks for visiting my blog!

By Blogger watson, at 10:49 AM  

ngiii, katakot naman ng presyo lalo na pag naconvert na sa pesos.

musta na, kadyo?

By Blogger bing, at 6:11 PM  

magpapalong-hair na lang ako! Di na baleng mapagkamalan akong babae at gasahain ng mga arabo ha ha ha.

Subra na yan dong! ang mahal!

By Anonymous lukin, at 3:56 AM  

majorkontrapelo, oo mahal talaga kasi nga ginto ang gunting nila hehee

By Blogger KaDyo, at 6:46 AM  

kabayang pObs, meron din na ganyang mura pero mga sideline lang nang mga kababayan natin, mahal talaga pag sa salon. Uy pareho pala kayo ni wisheart ng destinasyon...wala bang binigay na discount card si pareng david panay plugging natin eh hehe

By Blogger KaDyo, at 6:49 AM  

nang ethel, 50 euro!! mahal din pala dyan. noong bago palang si wisheart dito panay din convert nya ng bilihin dito sa piso,,ayun noong una wala tuloy syang mabili hehe.

By Blogger KaDyo, at 6:52 AM  

darna, hehe sayang no. kaliwang arabo? eto yung nakita ko na salitang arabic:

Arabic....Ana Behibak(to a male, Ana Behibek(to a female), Ib'n hebbak, Ana Ba-heb-bak, nhebuk, Ohiboke(male to female), Ohiboka (female to male), Ohibokoma (male or female to two males or two females), Nohiboke (more than one male or female to female), Nohiboka (male to male or female to male), Nohibokoma (male to male. or f. to two males or two females), Nohibokom (male to male or f. to more than two males), Nohibokon (m. to m. or f. to more than two females), Bahibak (female to male), Bahibik (male to female), Benhibak (more than one male or female to male), Benhibik (male to male camel), Benhibkom (male to male sheep)

ayan mamili ka nalang hehe

By Blogger KaDyo, at 7:05 AM  

owen, mahal ang serbisyo pag sa babae kasi limited to salons, pero sa lalake maraming barbero dito at mayroon ding parlor na lalake lang ang costumers, price range is SR. 15 to 30 wala pa tip (225 to 450 pesosesoses)

By Blogger KaDyo, at 7:08 AM  

ang mahal pala ng pagpapaganda/pogi dyan.
alam ko na mag-aaral na lang ako dito sa ricky reyes school para pagpunta ko dyan, ako na lang magse-service sa mga NoyPi dyan.
gandang business sideline nu'n. heheheh. pero kelan kaya ako makakapunta dyan.

By Anonymous malaya, at 7:14 AM  

tito snglguy, korek ka dyan hehe kaya nga pag umuuwi kami eh kulang na lang doon kami tumira sa mga salons eh hehe joke lang baka maniwala kayo hehehe. have a nice weekend din sa iyo man.

By Blogger KaDyo, at 11:43 AM  

ang lufffeeeeeetttttt mo dadaaaa!!!

hehehe ...sige na nga!

labs yaahhh...labs yaaahhhh...mwuahhh!

nasaan na ang kamel ko????

By Blogger racky, at 2:17 PM  

open pa ba diyan ang career for beautician and cosmetologist. madala ko kaya jan ang aking beauty at makapagtayo ng jan ng salon?

By Blogger atoy, at 3:19 AM  

kamahal naman ng hair trim. dito pwede nang magpagupit for only P40 eh. :D

By Blogger Abaniko, at 1:23 PM  

pag umuwi din ako ng pinas, salon kagad ang target ko, mahal din kasi dito, 32€ (~2000 pesoses) yata the last time i was there...gupit lang yun ha.

By Blogger Analyse, at 9:46 PM  

mahal!!!! nakakatakot ang presyo... ung pa-rebond nga nilagnat ako sa mahal ng presyo, migosh kapag dyan po ako baka hayaan ko na lng naka-ponytail hair ko hehe..

By Anonymous rachel, at 12:04 AM  

Sama ako sa salon nyo no fafa KU, ako taga masahe para masaya....LOL!

By Blogger Flex J!, at 12:56 PM  

mahal :)nabulunan ako*makikiinom ng tubig*

By Blogger LadyWhiteSpirit, at 4:00 PM  

snglguy, totoo yan, pero alam mo ba na kahit na ganyan presyo dito dinudumog pa rin ng mag kababaihan esp yung nga lokals...happy weekend too

By Blogger KaDyo, at 10:46 PM  

fafa KUsige sosyo tayo..pero sali natin si fafa atoy sya ang bahala sa kulot, at si fafa tanggerz naman ang mag mamassage at syempre si fafa flex j at snglguy ang magkukulay ng buhok...divaaaaahhhh heheh

By Blogger KaDyo, at 10:53 PM  

watson, hehe next vacation siguro eh mag-aaral na rin ako ng haircutting (wait ko lang ang pag-open ng business namin ng mga fafas) ito na ang aking ikakayaman dito hehe. Thanks din sa pagdalaw

By Blogger KaDyo, at 10:57 PM  

tita bing, hello din sa iyo okay naman kami dito =D. hehe kaya nga iniiwasan namin ang mag-convert eh..wala kang mabibili.

By Blogger KaDyo, at 11:00 PM  

mark hehe bagay siguro sa iyo ang long hair, try mo nga baka makita mo na yung special someone mo pag nagpahaba ka ng hair heheh

By Blogger KaDyo, at 11:05 PM  

malaya, sige mag-enroll ka kay tita ricky R. tapos punta ka dito join ka sa business namin ni fafa KU at iba pang fafa hehe

By Blogger KaDyo, at 11:09 PM  

darna, kamel ba ika mo teka ha....

By Blogger KaDyo, at 11:11 PM  

fafa atoy, hihi pareho siguro tayo nina fafa KU ng school of byuti..sige join na byuti mo dito heheh

By Blogger KaDyo, at 11:16 PM  

abaniko oo nga sobrang mahal, hindi kasi masyadong "open" ang ganitong services dito kaya pwedeng taasan ang bayad di tulad sa mga pangkakalalakihan tabi tabi ang barber shop dito

By Blogger KaDyo, at 11:24 PM  

analyse, huhawww 2000 pesosesoses...fafa ku fafa atoy sa france na lang tayo mas malaki kita natin doon hehe..kukupkupin naman tayo ni tita analyse eh diba =D

By Blogger KaDyo, at 11:31 PM  

rachel, di alam ni wisheart price ng rebond dito pero baka mahal din ayoko nang tanungin baka ako rin lagnatin hehehe

By Blogger KaDyo, at 11:36 PM  

flexJ, sige faf join ka na rin sa business namin ikaw daw bahala sa massage..kumpitensyahin mo si ella masahista heheh

By Blogger KaDyo, at 11:39 PM  

bunsoy, hehe eto tubig hinay-hinay lang hehehe

By Blogger KaDyo, at 11:42 PM  

Post a comment

<< Home