KaDyo

Sunday, April 23, 2006

Are Good things in life really don’t come cheap?

Kaninang umaga may natanggap akong email mula kay ungentle reader, ganito ang nasasaad sa kanyang sulat:

Unkel Sam,

Kamusta ka na dyan, namiss mo ba ako? Mayroon sana akong katanungan sa iyo. Huwag mo sanang ikapipikon sa aking itatanong ha?. Totoo ba ang kasabihang “Good things in life don’t come cheap?”

Ang iyong number one fan,
Ungentle Reader


Ungentle Reader,

Unang-una salamat sa iyong liham. Kaano-ano mo ba si Gentle reader? Anyways, hindi naman nakakapikon ang tanong mo inpak magandang 'yang pag-usapan. Sana lang ay huwag mong mamasamain kung ano man ang ipapaliwanag ko ha. Opinyon ko lang ito at maaring magkaiba-iba tayo nang pananaw.

Alam mo UG hindi naman masama ang maghanggad ng yaman sa mundo. Diba binigyan tayo ng Diyos ng talino at abilidad upang magamit natin upang makapagtrabaho at kumita ng pera. At kapag may pera na tayo maari na tayong makabili ng mga bagay na magpapasaya sa atin. Kaya lang hindi naman lahat ng material na bagay ay magbibigay sa iyo ng kaligayahan, actually minsan ito pa ang magiging mitsa ng iyong buhay.


Halimbawa na lang noong isang araw may nabasa ako sa article na noon daw 2002 mayroong nabenta ang Victoria’s Secret na item worth US$ 15 million (approx 780 million pesos) . Alam mo ba kung ano ito? Isang Bra at underwer! Diyos mio. Bakit kamo ganoon kamahal, kasi gawa daw ito sa red satin, at napapalamutian ng may 1,300 na Rubies at Diamonds. Tanungin kita ungentle reader, magsusuot ka bang ganitong klaseng bra. Aba eh mas okay pa pala na gamitin mo yung “Wonder Bra” na binebenta ni Ka Eloy. Hindi ka na kakaba-kaba na may kikidnap sa iyo, magagamit mo pa ito kapag napasyal ka sa bansang mayroon pang SARS.




-
-
-
Eto pa ungentle reader, sa palagay mo ba magiging instant prinsesa ka kapag sinuot mo itong worth US$ 1.8 million na slippers na naka “sale pa” sa Harrods. Alam mo ba na ang sinulid na ginamit dito eh “platinum” at napapalamutian ng 642 Rubies. Baka hindi ka mapakali habang binabaybay mo ang kahabaaban ng EDSA. Sa palagay ko mas nanaisin mo pa na isuot na lang ang “All weather slippers” na binebenta ni Ka Eloy. Tignan mo ang piktur para malaman mo kung bakit ganoon ang tawag.


-
-
-

Kaya rin kaya ng powers mo na magtext gamit itong worth US$51,000 dollars na cellphone na binudbudan ng 1,200 na diamonds at ang keyboard ay tinubog sa 18K na ginto. Siguro pagmag tetext ka kailangan mo na nakatabi yung bodyguard mo hehe. Pero sa tingin mas okay pa rin yung cellphone na binebenta sa tindahan ni Mang Eloy, P100 lang at balita ko may libre pa iyong handsfree kit.


-
-
-
Okay lang din ba sa iyo gamitin sa pagsulat itong ballpen na nagkakahalaga ng US Dollars 265,000 na gawa sa rhodium-coated solid silver at mayroong 18-karat gold pen point at napapalamutian ng 5,072 diamonds at 96 half-cut rubies. At least yung nakita kong ballpen kay Mang Eloy maraming gamit. Kapag wala kang kutsara pede mo itong gamiting panghalo ng iyong kape.



-
-
-
Pero eto ang medyo "heavy", isang gold pocket watch na nagkakahalaga ng US$18 Million dollars. Okay kaya sa iyo na magsuot nito nang hindi kinakabahan. Alam mo kung tutuuisin ay mas high tech pa yung relo na nakita ko sa tindahan ni mang Eloy. Kahit siguro sinong snatcher hindi ito pag-iinteresan. Bakit kamo, tignan mo naman ang picture.


-
-
-
At ang pinakahuli ay ito.. ready ka na ba?, malulunok mo kaya itong truffle na ito kapag nalaman mong nagkakahalaga ito US Dollars 50,000 (para sa kalahing kilo lang) na available sa isang resto sa UK. Baka atakihin ka sa puso pag inabot na sa iyo ang bill na babayaran mo. Siguro tulad ko mas aprub sa pansala ang banana-que, samahan pa natin ng malamig na Coke o sago't gulaman.


-
-
-

Alam mo ungentle reader ang mahalaga ay magpasalamat tayo sa ano mang bagay na mayroon tayo ngayon, tulad ng ating pamilya (asawa, anak, magulang kapatid etc), magandang kalusugan, trabaho, mga kaibigan at lahat-lahat nang bagay na binigay sa atin ng Diyos.
Tandaan mo lang itong sinabi sa Luke 12:22-31 "Therefore I tell you, do not worry about your life, what you will eat; or about your body, what you will wear. Life is more than food, and the body more than clothes. Consider the ravens: They do not sow or reap, they have no storeroom or barn; yet God feeds them. And how much more valuable you are than birds "
Sana ay nasagot ko ang iyong katanungan, sa ating muling pagtutuos.

ang iyong Unkel Sam aka KD

43 comment(s):

salamat ho!

mahal din ho ba ang kiss ni SAM??? ilang bukayo ang kapalit no'n? :D

By Anonymous ungentle reader, at 5:08 PM  

Isa na nmang magandang aral ang natutunan ko sa entry na ito. Diman ako mayaman sa kayamanan, mayaman nman ako sa kaibigan... teka mahanap sila at magpapalibre ako ng banana que. Ala ba ung panulak uncle sam? khit diet coke nlang, or kung mamarapatin khit sago't gulaman nlang!

By Blogger tutubing_karayom, at 1:44 AM  

ang ganda ng arrive sa umpisa akala pang MMK tlga..

pd ka na rin magtayo ng program KD galing mag advise :)

tapatan mo rin MMK (Madaling Mamamatay sa Kakatawa) nyahahaha

By Blogger tekla, at 4:02 AM  

Partner, ano ba marka nun pocket watch. Mukhang nakakaenganyo yun ah? hehehe

By Blogger Royce, at 5:35 AM  

ankel kd baket puro kay mang eloys ang plugging mo?

siguro pakner mo sya? meron bang branch yan dito?

By Anonymous BBQ Addict, at 8:05 AM  

jusko ayos un mga items ngayon anoh, nun isang araw i was looking for my boss bday gip eh isang ballpen lang sa Harvey Nichols AED 2000.00 na! nanalaki mata ko eh, ehheheh

anyway, i like the quote at the end, very true!

By Anonymous pobs, at 9:02 AM  

Grabe! Just imagine, one of those items can already feed, clothe, and even house a lot of needy people here...

By Anonymous snglguy, at 9:16 AM  

KD iba naman pala ang tema ng mga entries nyo akala ko kasi naging si batjay ka na rin.

saan po ba yung tindahan ni mang eloy? dun na lang ako pupunta kasi ang mumura at can afford pa ang mga paninda.

By Anonymous misty, at 10:03 AM  

Kakatawa naman ang entry mo! Heheh...
Bibili nga ako ng sapatos ng may payong! Spring na kailangan ko yun.

By Blogger AL, at 10:13 AM  

bro, meron din ba wander brif or wander bakser shorts?

sino ba tlga yan sina dyentol at andyentol? dyenwayn ba yan? hmmm

By Anonymous father damn, at 10:47 AM  

Isa lang gusto ko, sobrang gusto ang kamote que ni ka eloy :)
Ghaleng nyong mag payo fafi may patalastas pa, paalala at turo.

By Anonymous ethel, at 11:46 AM  

parang kahit yung bananacue ayaw ko bumili, mahal sa P20, smin P5 pa rin yan eh

By Anonymous major, at 11:50 AM  

ala ho ba kayong nahanap na swemengpol para sa alaga ko?

kailangan ko nga pala ng golden käfig para naman ho sa huhulihin kong ... mga magkano kaya 'yon?

By Anonymous ungentle reader, at 12:01 PM  

Aprub kayo sa amin Uncle KD! Magandang halimbawa kayo kay Pipay!

By Blogger Pipay, at 12:59 PM  

natawa ako dun sa relo! sino nga ba ang magkaka-interes doon? hahaha pero KD...mukhang mahal nga yata yung banana-Q. P20..o ganyan na ba talaga kamahal yan sa atin? pero, mukhang masarap...esp with sago't gulaman. (slurp)

By Blogger Des, at 2:15 PM  

ang mahal naman ng banana-Q. ganun na ba kamahal sa tin yan? aantayin ko na lang, baka mag-sale hehehe..

By Blogger Analyse, at 5:09 PM  

ang galing!napawow ako sa ganda ng concept!funny pero totoong nangyayari sa mga paligid natin..napakagandang reyalisasyon sa buhay.

By Blogger ev, at 7:35 PM  

alam papa KD, simula ng mapadpad ang malikot kong kamay at daliri sa blog mo eh alam kong malaki ang posibilidad na magkamal ka ng milyong milyong tsiks este salapi pala sa commercials.

galing mo mag-publish eh

By Anonymous lukin reloaded, at 4:01 AM  

hahaha ayos. iba talaga pag pinoy. laging may panapat sa kalokohan ng ibang lahi... mabuhey! ;)

By Blogger VemSan, at 5:45 AM  

hi kadyo! :) nakakatuwa naman yung post nyo. tunay na the best things in life are free. well, almost ... :)

-bats

By Anonymous Anonymous, at 6:30 AM  

ungentle reader, walang inumin este anuman.

Hindi kasi kumakain ng bukayo si sam, masisisira ang kanyang ngipen, pero sokolates alam ko pwede hehehe

By Blogger KaDyo, at 6:47 AM  

T-K, tama ka kahit di tayo mayaman sa pera pero mayaman naman tayo sa pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan okay na yun.
Pag bumuli ka kay mang eloy ng banana-q libre na raw yung coke o sago't gulaman =D

By Blogger KaDyo, at 6:49 AM  

maam teks, hehehe ayos maam teks ah sino naman kukunin natin na host, di na pede si maam charo. Siguro si senting serena papayag na maging host hehe

By Blogger KaDyo, at 6:51 AM  

parker royce, di ko rin kabisa eh malamang QQ or di kaya guest hehe

By Blogger KaDyo, at 6:52 AM  

aling bbq addict, buti na lang at napansin mo, actually kapatid sya ng pinsan ng kapitbahay namin na kumpare ng naman ng lolo ng asawa ng apo sa tuhod ng lola ng 3rd cousin ko.

dito? wala eh pero kung may plano ka na magtayo dito sasabihin ko sa kanya para matulungan sa franchise

By Blogger KaDyo, at 6:56 AM  

pObs, ballpen P30,000 pesos hehe mahal nga bigyan mo n alang ng bagong CD ni sam, matutuwa yun hehe

By Blogger KaDyo, at 6:58 AM  

snglguy, gandang observation mo at tama ka. Mayroon nga akong nabasa na ang kung pagsasamasamahin daw ang perang na spend ng mga bata sa US for video games enough na raw ang money to to stop hunger problem sa sudan (or some african nation)

By Blogger KaDyo, at 7:04 AM  

misty, idol ko talaga si batjay at isa sya sa 3 taong nagbigay ng drive sa akin upang magblog. yung isa si fafa KU at yung isa ay si ms sassylawyer.

alam mo ba yung corner ng edsa at mc arthur hi-way doon ka sasakay ng tricycle, dapat yung kukunin mong tricycle ay kulay pink, pag naiba di alam ng driver kung saan ang pwesto ni mang eloy =D

By Blogger KaDyo, at 7:11 AM  

AL Bjørnstad, hehe mabili yan ngayon dalian mo baka maubusan ka hehe

By Blogger KaDyo, at 7:27 AM  

pader damn, bat interesado kayo sa wonder brif at wander bakser shorts eh ang alam ko garter lang ang ginagamit nyo eh hehe.
Siya po ang tanungin nyo kung talagang dyenwayn tlga sina dyentol at andyentol readers

By Blogger KaDyo, at 7:32 AM  

nanag ethel, buti naman at nagusuhan nyo rin yung banana-q ni eloy, kaya lang hinay hinay lang sa kamote-q ha baka mautot ka naman dyan hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:37 AM  

major, talaga itong si mang eloy o naglagay na naman ng E-vat sa banana-q, bayaan mo papakiusapan ko na babaan yung presyo para marami ang makabili.

pahabol: kakatext lang nya, kaya pala mahal kasi yung saging na ginamit nya inexport pa nya kay ninang ethel from luxemberg.

By Blogger KaDyo, at 7:41 AM  

ungentle reader, swimming pool para sa alaga mong serena? pasensya ka na ha di pa ako nakakapaligo sa swimming pool, sumasabay lang ako sa alaga kong kalabaw pag maliligo na sya.

wala akong idea kung magkano, pero malamang kaya ng budget mo yan =D

By Blogger KaDyo, at 7:47 AM  

nanay ni pipay, paki translate lang po kay pipay na salamat sa comment nya paki sabi rin sa kanya na magpapakabait sya ay wag bibigyan ng sakit ng ulo si mommy =D

By Blogger KaDyo, at 7:49 AM  

des, hehe sinuot ko nga minsan nang mapasyal ako kay mang eloy, nagulo ang mundo ko kasi nalito ako sa oras hehe.
Bayaan mo sinabihan ko na si mang eloy na kahit na local na banana na lang gamitin nya mas masarap na mura pa. =D

By Blogger KaDyo, at 7:51 AM  

tita analyse, baka mamaya lang gagawin nang P3 pesos each ni mang eloy hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:52 AM  

ev_elyn26, salamat sa iyong pagdalaw at pag comment. Napasyal ako sa blog mo, galing mong sumulat..keep it up

By Blogger KaDyo, at 7:57 AM  

Hahahahaha Galing! galing talaga ni fafa KD!

Ganda pa ng verse as a reminder not to cling our lives on material things...

Champion fafa...more!!

By Blogger Flex J!, at 7:58 AM  

fafa mark hehe wag kang mag-alala babahagian kita nang porsyento sa kikitain ko sa pagtulong kay mang eloy na maibenta yung mga products nya. Kung tsiks ang pag-uusapan si padre damaso ang dapat mong puntahan kasi medyo may kapilyuhan ang pareng yan sa chicks hehehe

By Blogger KaDyo, at 8:01 AM  

vemsan, hehehe mabuhey nga tayo

By Blogger KaDyo, at 8:03 AM  

bats, wow long time no see =D , salamat sa comments ha. Busy ba wala ka bang bagong update hihi

By Blogger KaDyo, at 8:05 AM  

truelili na hindi nabibili ang kaligayahan.
subukan mong maglakad gamit ang all weather shoes sa Edsa, hindi lang isa ang sasaya kundi lahat ng dumaraan sa Edsa.
magaan pa sa pakiramdam ng nagsusuot dahil ang dami niyang napaligaya.
dapat maghanda na si Ka Eloy dahil ang galing ng advertiser/PR manager niyang si Uncle Sam aka KD.
Tiyak na dudumugin ang mga paninda ni Ka Eloy.

By Anonymous malaya, at 9:01 AM  

sino po iyong alaga ninyong kalabaw???

*toinks

By Anonymous ungentle reader, at 11:33 AM  

Post a comment

<< Home