KaDyo

Saturday, April 15, 2006

EBi

"Unkel KD paano ba ninyo inoobserba ang mahal na araw dyan sa gitnang silangan?"--gentle reader.
Dear gentle reader (feeling batjay hehe) dito ang mahal na araw, tulad ng Pasko at iba pang selebrasyon na pinagdiriwang nating mga krisitiyano, ay isa lamang "ordinary day". Lahat ng relihiyon maliban lamang nang sa kanila ay ipinagbabawal na i-practice in public. Ibig sabihin walang kang makikita sa labas na simbahan , rebulto ng mga santo, prusisyon o mga krusipiho. Subalit sinabi naman ng kanilang pangkasalukuyang hari na maari naming i-practice ang aming pananampalataya "in the confines of our homes". I hope nasagot ko ang iyong katanungan gentle reader.
*
*
*
"Eh unkel KD balita ko nagkaraoon ng EB ang mga blogkada dyan sa lugar ninyo, kuwento ka naman"---gentle reader.
Actually mayroon nang post si wisheart sa kanyang blog tungkol dito, pero dahil makulit ka gentle reader hehe magkukuwento pa ako. Joke lang ha gentle reader baka mapikon ka tulad ng kilala naming serena.
Matagal na naming iniimbitahan si MasterBetong para pumasyal dito sa amin. Ngunit dahil sa hectic ng kanyang schedule, kahapon lang sila natuloy ni Kneeko.
*
*
*
"Teka eh diba mahal na araw kahapon, di ba dapat eh nagmumuni-muni kayo? Eh bakit may nagkantahan pa raw kayo at tawanan?"---gentle reader.
Alam mo gentle reader hindi porke't nagkatuwaan kami ay hindi na namin inaalala ang paghihirap ng ating panginoon. Alam kong its God's will na matuloy ang EB. Alam ko rin kasama namin "siya" sapagkat naging maayos naman ang pagbibiyahe ng dalawa. Imagine, isang oras din ang biniyahe nila papunta dito at isang oras naman pabalik sa kanila. Nakapaghanda rin si wisheart nang aming pagsasalusaluhan na serena. Sa tulad namin na naririto sa ibayong dagat alam namin na mahirap at malungkot ang malayo sa aming mga magulang, kapatid at mga mahal sa buhay. At dito naniniwala ako na ginamit kami na instrumento upang makapagdulot ng konting kasiyahan sa aming mga kaibigan na malayo din sa kanilang mga pamilya.
*
*
*
"Eh ano nga ang ginawa ninyo?"---gentle reader.
Di pa kasi ako tapos sa pagsagot sa una mong tanong, may follow-up question ka na agad. Kamag-anak ka ba ni Boy Abunda? So ayun nga pagdating nila dito tinawagan kami ni MB at kneeko para puntahan sila sa aming meeting place. Pagdating dito sa bahay, medyo nagkakahiyaan pa pero nang ma-break ang "ice" ika nga eh ang dami naming napag-usapan. Okay silang dalawa; pareho silang simple pero rock, alang ere, totoo, magaling pang kumanta. Si MB medyo malalim, si kneeko masayahin.
*
*
*
"Ano naman ang naging topic ninyo?"---gentle reader.
Alam mo Boy, este pwede bang GR na lang tawag ko sa iyo, ang haba naman kasi ng pangaln mo, ang hirap i-type. Siyempre ang naging topic namin kung paano kami nagsimulang mag-blog, sino-sino ang mga una naming pinapasyalan, mga naging issues sa blogging world, yung mga absent tulad nina fafa KU, fafa atoy, fafa tanggerz, snglguy, jeff, clown, tekla, mmy-lei, ayie, melai, kukote at ang famous na si serena.
*
*
*
"Balita ko ay nag chat pa kayo?"---GR.
Hindi ka tsimoso ano GR, Oo naka voice chat namin sina mmy-lei, melai at ang serena.
*
*
*
"Kumanta pa raw kayo, hindi na kayo nahiya?"---GR.
Nagrequest kasi ang serena na kumanta kami, so bilang mga boy scout eh pinaunlakan namin ang kanyang kahilingan. Kita mo naman live broadcast pa thru the internet at dinig sa Germany at Singapore ang ginawa namin.
*
*
*
"Eh bakit nabalitaan ko na namaga daw ear drum ng serena sa kanta ninyo"---GR.
Di ko lang alam ha, baka talagang may diprensya na ang tenga ng serena (alam mo naman, laging nakababad sa dagat yan kaya baka napasukan ng tubig ang tenga nya), kasi magaganda naman boses naming tatlo, hehe. Sakatunayan nga, tumawag kagabi yung may-ari ng isang recording studio sa afghanistan. Narinig daw nya yung screeming este streaming audio clip ng kanta naming tatlo at interesado siya na bigyan kami ng break. Unang single daw namin ay gagamitin niya sa pambugaw ng nga kambing at tupa sa kanyang farm.
O wala ka nang tanong GR?
*
*
*
"Wala na po unkel KD, salamat po sa paliwanag ninyo kahit wala po akong naintindihan sa mga pinagsasabi ninyo"--GR
You're welcome GR.
*
*
*
"Ay, unkel KD may pahabol po pala ako na question, balita ko po ay nakuhanan ninyo ng video si masterbetong na hinaharana sina mmy-lei, melai at yung famous na serena. Pwede po bang makita rin namin ito?"
Last na ito talaga ha gentle reader, baka sabihin mo eh madamot ako. Humingi muna ako ng permiso kay masterbetong kasi alam ko may exclusive din siyang contract sa star records. Mabuti na lang at mabait si MB at pinagbigyan ang request mo, pero sa susunod daw ay dapat regaluhan mo siya ng sokolates na gawa sa germany ha.



To view Masterbetong's concert, click this link or this link. Paki abusuhan lang po ako kung ito po ay hindi gumagana... salamat po.


or this


Upload and embed your Music & Videos through myFileHut.com

38 comment(s):

Uncle KD, bakit naman po wala kayo sa mga pictures?

By Anonymous Gentle Reader, at 5:51 PM  

BREAK NA TAYO SAM!!!

mas masakit na di ka nagpakita habang kinakantahan mo ako ng ... ^^nang si hudas ay nadulas^^... than maipako sa krus!!!

kailangan nga pala na magpadala ka ng taynga ng kamel dahil sabi ng EENT doc ko ala na raw pag-asang maayos pa ang pandinig ko!

By Blogger racky, at 6:31 PM  

p.s.

tsaka di mo pinagbigyan ang request ko na kantahin mo ng buo ang "How Do I Live" ~ tse ka jan! :D

By Blogger racky, at 6:33 PM  

when i first visited ann's blog and i saw the photo of her kid, i knew na nakita ko na sya somewhere sa isang blog. so, i assumed na asawa ito of someone i already know in the blogosphere. anyway, ngayon ko lang na-confirm na wisheart mo pala si ann. how sweet. hindi ko kasi ma-convince yung asawa ko mag-blog eh.

happy easter!

By Anonymous evi, at 4:16 AM  

dear gentle reader, sinagot yan ni masterbetong sa post nya, pasyalan mo yung blog nya ha

By Blogger KaDyo, at 7:04 AM  

Darna,hehehe wag kang mag-alala papadalhan kita ng hearing aid na gawa sa balbas ng kamel kaya lang ang problema nito salitang kamel lang ang maiintindihan mo the rest of the sounds garbled na .

Di ko makita sa magic mic na list yung theme song mo eh sensya na hehe

By Blogger KaDyo, at 7:10 AM  

evi, actually matagal nanag lurker si wisheart sa blogging mas nauna pa nga siya sa akin.
Just take it one day at a time, malay mo magustuhan din ng husband mo ang mag blog =D.

Happy Easter to you too

By Blogger KaDyo, at 7:15 AM  

This comment has been removed by a blog administrator.

By Blogger Ann, at 7:52 AM  

unkel kd KAPAMILYA ka pa rin?

wala lang

By Anonymous kapuso fan, at 8:12 AM  

mmy-lei, sayang hindi mo narinig yung mga kinanta namin..si darna tawa ng tawa eh gusto yatang mag-asawa bwahahaha

By Blogger KaDyo, at 12:22 PM  

Uncle KD, balita ko po magaling kayong kumanta?

By Anonymous Gentle Reader, at 12:06 AM  

fafi KD, ang coolit ng gentle reader na yan hehe...
wawa naman ang serenang darna tsk tsk..

By Anonymous ethel, at 12:50 AM  

gentle reader, hindi mo naitatanong dati akong member ng isang banda...banda roon banda rito hehe pero salamat din sa obserbasyon mo =D

By Blogger KaDyo, at 6:39 AM  

nang ethel, kawawa talaga imaginin mo para daw syang tino-torture hehehe

By Blogger KaDyo, at 6:40 AM  

buti na lang pala, hindi ako nag-chat noong araw na yon kundi isa rin ako sa nabingi. joke lang :)

By Blogger jlois, at 9:09 AM  

hehehe kulet ni GR
pero mas makulet tong post ni tito KD
kasing kulet nung mahilig kumanta buti na lang naka off ang speaker ko
kaya hindi nakarating ng singapore yung mga kanta nyo
lol!!!
wala lang ingget lang ako
INGGET NA INGGET AKOOOOOOOOOOOOOO!!!!

By Anonymous MELAI, at 11:44 AM  

Parang hinihintay na sa langit si Master sa background..hahaha!

By Blogger Ann, at 1:25 PM  

Oy, wala tong film ni master Betong kahapon ah, ngayon lang ba 'to fafi? :)
sino ba yong pianist fafi, yan ba si daga aka kneeko lol's
ay, teka narinig ko boses ni Josh natatakot ba sya sa butiki :)
naglabasan yata dahil sa concert ni MB hehe...
peace master betong lab u na, hwag lang kayong magalit sa'kin :)
daya nyo fafi KD, di ko nakita beauty nyo sa concert, ok na! naiintindihan ko rin kau yata ang sponsor hehe..
nag enjoy pala ako sa concert! lol

By Anonymous ethel, at 7:05 PM  

Basta ang masasabi ko lang teammate eh 'Ang Gagaling Nyo"!!! Magaling sa internet, magaling pang kumanta si Master B., magalin gpati ang video clip.

Kadyo, walanjo ang layout mo teammate, binago mo pala? Ang ganda ngayon pati ang mga colors - wow talaga!

Djahi lang ako kc inaalok ako ni Ann na ma-improve ang layout ko at dami ka daw kc. Sabi ko next time na lang. Djahi kc, hehehe

By Blogger Royce, at 10:35 PM  

how's your easter kuya!? ako eto naghahanap pa rin ng easter egg... hahaha

By Anonymous vemsan, at 3:46 AM  

ka-inggit naman ng EBi na yan. he he he, me kantahan pala.

By Anonymous lukin reloaded, at 4:27 AM  

jlois, nag-aabang nga kami ng mga kablogkada eh kaya yang si mmy-lei, melai at serena lang ang online sa YM kaya ayun sila ang natorture namin hehehe..in fairness naman magaganda boses namin(nagbuhat ng sariling lamesa heheh)

By Blogger KaDyo, at 7:02 AM  

melai, haaa naka-off ang speaker mo..sayang di mo pala narinig yung concert ni master di bale abangan mo na lang yung CD nya malapit nang lumabas sa market =D

By Blogger KaDyo, at 7:05 AM  

wisheart, ikaw naman ibig sabihin noon angelic ang voice nya kaya bumukas ang langit para sabayan sya ng mga angels.

By Blogger KaDyo, at 7:07 AM  

nang ethel, yup nagkaroon kasi ng follow up question si gentle reader (di ko alam kung talagang gentle sya ha hehe. Medyo nahirapan nga ko kumuha ng venue para i-host yung clip kasi karamihan dito naka-block. Diba para ngang may piyanista si master hehe, ka chat sina serena, mmy-lei at melai habang hinahara ni master.
Hirap nang kasi ng artista maraming bawal lalo na pag public appearance ang pinag-uusapan hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:13 AM  

royce, pakner salamat sa compliments, di naman gaano nagtitiyaga lang mag-aral. alam mo ba noon sa kakakalikot ko ng blog ko nawala lahat laman ng blog ko =D.

Okay lang yun sabihin mo lang kung anong kulay ang gusto mong back ground at anong theme para sa header.
sino sino pa ba magtutulungan diba

By Blogger KaDyo, at 7:17 AM  

vemsan, eto okay naman easter sa bahay lang nagmuni-muni. dito kasi inubos na ni kneeko yung mga easter eggs at pinamigay sa mga kaibigan nya wala tuloy kaming inabutan. Pahingi na lang ng easter egg na makukuha mo heheh

By Blogger KaDyo, at 7:20 AM  

mark the pogi, hehe live at streaming audio thru the magic of the internet ang raket ni master hehe. musta easter mo

By Blogger KaDyo, at 7:22 AM  

sayang lang kanta natin, walang talent fee!!!

By Anonymous masterbetong, at 7:46 AM  

master Pards, okay lang yan kasi nagsisimula pa lang...kita mo si piolo pascual sikat na saka dami na pera..konting tiis lang hehehe

By Blogger KaDyo, at 8:16 AM  

ayos nakita ko rin sa wakas... ang dating ko pala parang si rayan kayabyab ah... ang galing ng video.. hehehe..

pampaganda pala ng boses pag sirena ang ulam... hehehe

By Anonymous itlog na maalat, at 8:24 AM  

hahahaha! now ko na nalaman kung bakit ka nag hiatus dati tito KD ..... parang ikaw pala ako .... syadong pinakikialaman ang template :)

By Anonymous melai, at 8:28 AM  

Ayos! Ang saya!

By Blogger C Saw, at 10:41 AM  

kailangan pa ba talent fee???

gumanda lang naman boses dahil sa inulam ninyo!!!

salamat sa anporgetabel na araw faffi ... pero di lang taenga ang naparusahan sa akin ... ngayon pati lalamunan ko sumakit din ... ang sama ko kc, biernes santo ...
^(° I °)^

By Anonymous ungentle reader, at 4:42 PM  

itlog na maalat, alam mo bang hit ngayon yang video na yan sa may recto...nauubusan daw sabi ng ahente, it looks like we have a star in the making.

By Blogger KaDyo, at 7:01 AM  

melai, kaya ang lesson ay bago magkalikot ng blog ay mag-save kundi waaaaahhhh sayang hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:02 AM  

c saw, oo nga eh riot hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:03 AM  

ungentlle reader, parang kilala kita...hinde no talagang magaganda ang boses nila hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:04 AM  

Post a comment

<< Home