KaDyo

Tuesday, April 04, 2006

Maalaala mo na kaya...

Kadarating lamang noong nakaraang linggo nang aming kaibigang si Kuya Sell mula sa kanyang pagbabakasyon sa pilipinas. Nagkwento siya tungkol sa mga happenings nila ng kanyang pamilya; ang pasyalan nila sa mga malls at kainan sa labas. May naikwento din sya na isa nyang matalik na kaibigan mula pa noong High school. Itago natin siya sa pangalang Badong.
Si Badong daw ay dumanas ng pang-aapi mula sa kamay ng kanyang mahal sa buhay. Nagmuntikanan na nga raw na magpakamatay si Badong buti na lang daw at napigilan niya. Hindi niya masabi-sabi sa akin ang buong pangyayari sapagkat nakikita ko na talagang masalimuot ang pinagdaanan ng kanyang kaibigan. Kinausap naman daw niya ito nang masinsinan at pinagpayuhan niya na huwag ituloy ang mga plano nito. Nakinig naman daw sa kanya si Badong sapagkat hanggang sa kanyang pagbabalik dito sa gitnang silangan ay maayos naman daw ang kanilang pag-uusap.
Kanina nga ay nakatanggap si Kuya Sell ng sulat mula kay Badong, laking tuwa nga daw niya sapagkat maayos na ang disposisyon ng kanyang kaibigan. Ayon sa sulat, humihingi si Badong ng tulong sa kanya upang i-review ang isang liham na gustong nitong ipadala kay Ate Charo. Nais ni Badong na mai-feature sa MMK ang lahat nang pangyayari sa buhay niya upang mapulutan daw ito nang aral.
Narito ang sinasaad sa liham ni Badong....



Dear Ate Charo,
Bago ang lahat ay nais kong iparating sa iyo ang isang pagbati, na bagamat di ko maipaliwanag ang nararamdaman ng puso ko, nais ko pa ring batiin ka ng magandang araw. Salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon upang isalaysay sa iyo ang aking karanasan, at nawa’y kapulutan ito ng aral sa lahat ng mga masugid mong tagasubaybay.

Umuulan-ulan noon nguni't maalinsangan ang simoy ng hangin. Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon.

Narinig kong kumakatok si Itay sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya na kailangan daw naming mag-usap at huminging papasukin siya. Binuksan ko ang pinto at siya'y kagyat na pumasok sa aking silid. Laking pagkagulat ko nang ipinid niya at susian ang pinto. Hinawakan ni Itay ang aking mga kamay, hinaplos-haplos niya ang aking buhok, ang aking mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi,sa aking mga labi.

Napasigaw ako. "Itay, huwag, huwag! Ako'y inyong anak! Utang na loob, Itay”
Nguni't parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin. Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo ang pinto at nagpipilit na ito'y buksan, "Hayop ka! hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo! Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan". Subalit wala ring nagawa si Inay, hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay.
Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil na rin ang aking Itay. Iniharap niya ako sa salamin ay ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita.
Magaling naman palang mag-make-up si Itay!!!

Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking ama. Bakla pala siya. Labis akong nagalak sa galing at husay ng aking ama. Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon. Niyakap ko si Itay at pareho kaming napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.
Lovingly yours,
Badong
(Please click this to see my attached picture to appreciate my new look)

32 comment(s):

grabeeee!!! akala ko incest of a sort! ikaw talaga! naisahan ako. but anyways, saan mo nakuha ang pic? i first saw that pic sa friendster ng isang kaibigan ko.

By Anonymous bing, at 3:11 PM  

LMAO (laughing my ass off!)
ang daya mo fafi KD paluha luha pa naman tong mga mata ko sa gitna ng sulat ni badong, jusko patawarin ang itay ni badong, kawawa naman sya naging syokoy ang mukha hahaha...
an sarap mong bazookahin fafi KD!

By Anonymous ethel, at 10:30 PM  

takshapo KD! hahaha.

By Blogger Ka Uro, at 5:53 AM  

hahahahaha super seryos naman ako, thank you for sharing tito :)

By Blogger Ghie, at 7:57 AM  

wow. nice blog. thanks for sharing your experiences.

God bless

jeff,sj

By Blogger Jeff Pioquinto,SJ, at 9:17 AM  

Mwahahahaha!!!! Akala ko heavy drama na, yun pala..... Hahahaha!!!! :D

By Anonymous snglguy, at 10:38 AM  

tatawa na ko tito KD? lol!

By Anonymous melai, at 11:05 AM  

KD, may bagng problema si Badong ngayon, confuse siya sa relasyon nya with his/her bf. attached din ung bago nya pix, ewan ko lang kung tatay nya pa rin ang nag make-up. lol

By Blogger clown, at 11:44 AM  

sigurado ka faffi na di yan ang tunay na mukha ni SAMMMMMM?????

huwag na huwag mong puputulin ang fantasya koooo!!!

HUWAG MO NG SAGUTIN!

By Blogger racky, at 11:11 PM  

nyahahaha! akala ko seryoso komedy pala!

By Blogger jlois, at 8:28 AM  

Nakakatawa! Nagmukha akong sira dito sa bahay na tumatawa magisa.

By Blogger AL, at 8:03 PM  

huwaaahhhhhhh!!!!

pramis, nagitla ako sa pektyur!

By Anonymous tambay, at 9:50 AM  

kawawa naman c badong...

magaling nakuha pa nya mag-smile kahit BUGBOG sarado ung mukha nya ...

hahaha... :P

By Anonymous rachel, at 12:25 AM  

bing , picture talaga ni badong yah hehehe, ibig mong sabihin kilala ng friend mo si badong hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:01 AM  

nang ethel, bago yan ah hehe, sana di ka nasaktan dyan sa pagkakabagsak mo ehehe. pagbigyan mo na ako nang hehehe gusto ko lang kayong patawanin eh

By Blogger KaDyo, at 7:03 AM  

fafa KU, hehe buri mo pa??

By Blogger KaDyo, at 7:04 AM  

tita ghie, i hope someday ay maipalabas nga sa MMK ang istori ni badong hehehe, ur welcome po

By Blogger KaDyo, at 7:05 AM  

Jeff Pioquinto,SJ, You are welcome po, link ko kayo ha

By Blogger KaDyo, at 7:07 AM  

snglyguy, oo nga bitin tuloy si nang ethel,,,babambuhin tuloy ako hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:08 AM  

melai, sige sasabayan kita sa pagtawa hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:09 AM  

clown, maam baka matulad itong post ko sa post mo....may continuation heheh bayaan mo aalamin natin ang kanilang lab sturi hehe

By Blogger KaDyo, at 7:10 AM  

darna,....no comment bwahahahaha

By Blogger KaDyo, at 7:11 AM  

jliois, serious naman ang story line ah hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:15 AM  

AL Bjørnstad, tita buti na lang wlang nakakita sa iyo baka kung ano isipin nila hehehe....salamat po

By Blogger KaDyo, at 7:29 AM  

fafi mark hehe lalim nun.... nagitla, ano yun parang nashak =D

By Blogger KaDyo, at 7:31 AM  

rachel, sa tingin ko talaga lang na photogenic si badong hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:34 AM  

ano na ngayon ngalan ni badong. (salvador ba tunay niyang ngalan?) sally, adora o adorable? ano pa man tunay na kaaya-aya at adorable pose niya. hingi mo ako pics niya kelangan ko lang kasi laging may bumubutas ng lalagyan ng aming bigas.

By Blogger atoy, at 11:22 AM  

bwakang%$# yan. akala ko kung ano na yun.

natuwa ako dun a.

By Blogger Owen FV, at 10:03 PM  

bumili pa naman ako ng popcorn kasi akala ko mahabang dramahan to... hahaha.. sumakit tiyan ko kakatawa... kabag!? hehe joke!

By Blogger VemSan, at 3:57 AM  

ano na ngayon ngalan ni badong. fafa atoy, halu halu long time no hear a, musta ang president ng asiong tatlongganiza hehe.
Hula ko lang adora ang pangalan ni badong ngayon kasi kita mo naman na super hadorable ang itsura ngayon at yan eh dahil sa kanyang fafa. Sige hingi kita ng latest nyang pektyur..kaya lang fafs baka di lang daga ang umalis sa haybols mo baka pati alaga mong aso, pusa, baka kambing at kiwi heheh

11:22 AM

By Blogger KaDyo, at 3:17 PM  

owen harharhar =D

By Blogger KaDyo, at 3:18 PM  

VemSan, hehe buti ikaw kabag lang si fafa KU may kasama pa yatang utot eh =D bahu

By Blogger KaDyo, at 3:19 PM  

Post a comment

<< Home