KaDyo

Saturday, April 01, 2006

T.G.I.W.

Isa sa mga pangkaraniwang expression matapos ang isang linggong pagtatrabaho at paghahanda naman sa pamamahinga ay ang "Thank God It's Friday o T.G.I.F".

Dito sa amin iba naman maririnig mo; “Thank God It’s Wednesday”. Siguro ganito ang itatanong nyo “KD na kahawig ni Sam, bakit naman Wednesday at hindi Friday ang gamit ninyo dyan? Saang planeta ka ba nandoon ngayon? Sa Mars?” Teka teka isa isa lang ang tanong. Kaya nga di ako nag-artista eh, hindi ako sanay sa sunod-sunod na tanong ng press hehehe.

Ganito po yan; dito sa Gitnang Silangan (at sa iba pang mga predominantly Muslim countries) kung saan ako ngayon nagbibilang ng buhangin, ang kanilang ginagamit na kalendaryo ay ang Hijra Calendar. Ito ay isang kalendaryo na ang petsa ay base sa ikot o phase ng buwan. Ito ay mayroong 354 days sa isang taon, ibig sabihin na mas maikli ang isang taon nila kumpara sa atin na gumagamit ng Gregorian Calendar. Ang isang buwan nila ay may 29 o 30 days lang, wala itong 31 days.

Mapapansin nyo sa picture sa ibaba na sa hijra month (Arabic Calendar), from right to left ang takbo nang araw. Kung mapapansin ninyo rin na Sabado ang start of the week at huwebes hanggang biyernes naman ang weekend (green column).




Oo aminin ko na kahit na matagal-tagal na akong nagtatrabaho dito, medyo nalilito pa rin ako sa takbo ng araw dito. Mas lalo pa yata akong nalito nang ako’y magsimulang magblog;
Ako (nag-iiwan ng message sa tagboard ng blogfriend): Hello there, asan na yung tsokolate ko hehehe! Have a wonderful weekend sa iyo nenengsky.
Darna: Hoy Sam masyado ka namang nagmamadali, Thursday palang ha.
Ako: Oo nga pala, sige basta wag kakalimutan yung sokolates ko ha hehee.


Happy weekend everybody, ayan nalito na naman ako hehehe.

33 comment(s):

Hehe... si darna talaga naunahan ko dito. :)
fafi KD, salamat sa info, weekend pala sa amin ngayon :)
tanong ko lang fafi, bakit naman from right to left magbasa at mag sulat yang mga arabo, dahil din ba sa kalendaryo nila? :)

By Anonymous ethel, at 1:13 AM  

that's a very interesting trivia. maraming muslims dito sa singapore pero i dont remember any instance of them referring to that calendar.

By Blogger Owen FV, at 8:11 AM  

bat mo naman nilabas foto mo dito faffi? mamaya dumami karibal ko sa iyo. hmp!!!
kaya nga inlab na inlab ako eh, kyut mo talaga ...sarap pukpukin ng bakya! heheh

alang 31 days pala bakeeet parating late ang allowance ko? hmmmm

*iyong sokolates di para sa iyo! tse

By Blogger racky, at 10:07 AM  

wow! kamukha mo si Sam? teka, di ka naman nagpa-plastic surgery ano? LOL!

By Blogger darlene, at 4:48 PM  

Wow, I didn't know about that. Thanks for the info KD. Have a great week ahead... :-)

By Anonymous snglguy, at 5:22 PM  

Oist, sirenang foolish! Bakit may allowance kay kay faffi ko ha? Kaya pala laging kulang yung intrega!

By Blogger Ann, at 8:00 PM  

yehey na-explain mo na! ilang araw nalang wednesday na naman at weekend na naman dito...

hulihin mo na si sirena at ng may pulutan tayo sa corniche...

By Blogger Mmy-Lei, at 9:17 PM  

nakakabaliw ang entry mo ha ha ha.

nakakawala ng ulirat!

By Anonymous tambayan ni lukin, at 4:19 AM  

...di ko alam un ah, di rin na kwento ng fafa ko sa akin ung trivia na un (ns muslim country din cia, dun sa mga kabaro nya).

By Blogger clown, at 4:49 AM  

nang ethel, wag ka pong mag-alala kasi di ka naunhan ng sirena este ni darna pala.
Yan din ang tinanong ko sa mga kasamahan ko dito na arabo ang sabi lang nila is my guess daw isa as good as theirs hehe labo no.

Happy weekend sa iyo nang

By Blogger KaDyo, at 6:57 AM  

owen fv, dito dahil sa majority ng mga companies ay run and managed by Western technology (like sa opis namin), gumagamit pa rin ng gregorian calendar. Actually kung makikita mo lang ang ginagamit namin, magkasama ang arabic at gregorian sa isang kalendaryo.
However sa iba at sa mga goverment offices pure arabic calendar gamit nila.

Siguro sa ibang muslim countries like singapore, they only refer to the hijra calendar for religious events (like ramadan at hajj) pero pag sa business na ay gregorian na.

By Blogger KaDyo, at 7:26 AM  

darna, hehe basta wag kakalimutan yung sokolates ko ha =D

By Blogger KaDyo, at 7:28 AM  

darlene, me plano nga ako na magpaplastic surgery..ayoko ko kasing me akamukhang artista hehehe joke joke joke

By Blogger KaDyo, at 7:39 AM  

snglguy, have a nice weekend din sa inyo dyan =D

By Blogger KaDyo, at 7:40 AM  

mmy-lei oo nga bukas tuesday na lapit na ulit weekend.
Sige masarap mag-ihaw teka handa ko na ang gamit baka maka-alpas pa yang sirena na yan hehe

By Blogger KaDyo, at 7:42 AM  

mark da pogi, hehee sinabi mo pa =D musta na loblayp fafa?

By Blogger KaDyo, at 7:43 AM  

clown, maam siguro ayaw nyang malito ka rin hehe. San sya baka kapitbahay lang namin sya =D

By Blogger KaDyo, at 7:46 AM  

mama ann, unti-unting nagpapadala sa akin si faffi para sa mercedes (na puno ng sokolates)daw niya na ireregalo sa iyo sa 25th WD ninyo ...ooopppssss...nadulas ako faffi ... soweee! hehehe

*bad news ~ sa kanya pa rin ang auto, iyong schokolade lang ang sa iyo

By Blogger racky, at 1:03 PM  

ay malapit na pala bday ni fafa-KD-feeling-SAM. san ang party?

slip of the tongue ba mmy neng? LOL!

By Blogger darlene, at 7:58 PM  

amusing!!!
:)

By Blogger AL, at 11:07 PM  

Uncle Sam na pala ang tawag sa iyo ngayon, heheheheh.
Interesting yang natutunan ko sa iyo. Di pala ok uminom dyan pag weekend, gitna ng working week, hik!

By Blogger Tanggero, at 6:25 AM  

i-n-t-e-r-e-s-t-i-n-g!

By Anonymous vemsan, at 7:28 AM  

<==jaja's comment here>
ang wierd ano? thursday and friday ang week ends.

kalito naman yan baka pumasok ako ng thursday at magtaka ako baket ako lang tao sa office. haha.

By Blogger JoLoGs QuEeN, at 10:48 AM  

Interesting! Something to learn ;)

By Anonymous Patrice, at 1:08 PM  

darna, si josh nga panay sabi ng "wher's my sokolates" hehe malinaw ba kagabi =D

By Blogger KaDyo, at 1:43 PM  

tita darlene, sam feeling KD hehehe. kulang pa nangilang araw yung sinabi ni darna eh masyadong advance yan hehe TY na lang=D

By Blogger KaDyo, at 1:46 PM  

AL Bjørnstad, thank you tita. Di ko ma view lahaty ng photo mo sa blog =(

By Blogger KaDyo, at 1:47 PM  

fafy tanggy, pede sam pedeng KD pero original na miyembro toits ng asiyong salongganiza club. Oo nga eh pero kahit na tagay pa rin tayo hehehe

By Blogger KaDyo, at 1:50 PM  

vemsan s-a-l-a-m-a-t, hehehe

By Blogger KaDyo, at 1:51 PM  

jaja, salamat sa comment =D. Noong bago-bago pa lang ako dito nangyari sa akin yan. Gumising ng maaga, naligo, nagbihis, naghintay sa ibaba ng apartment sa pagdating ng kasamahan sa trabaho. After 30mins wala pa yung kasama kom, doon nko na realize na Thursday pala, putsa balik ako sa bahay para matulog ulit hehehe

By Blogger KaDyo, at 1:59 PM  

patrice, shukran..thank you yan sa arabic hehe

By Blogger KaDyo, at 2:00 PM  

ako din, favorite day ko na ang wednesday. my adrenalin is high pag weekend na e :) kaya nga kainis ngayon e, saturday palang...

By Blogger gracita, at 4:14 PM  

Ako, Jessica Shannon Shirley mula sa USA, North Carolina pangako ko
upang ibahagi ang patotoong ito sa buong mundo sa sandaling aking asawa bumalik pabalik sa akin, at ngayon sa lahat ng angkop na paggalang Gusto kong pasalamatan DR. Odenore para sa pagdadala ng kagalakan at kasiyahan sa aking mga relasyon at sa aking pamilya. Gusto kong ipaalam sa iyo ang lahat na mayroong isang spell caster na tunay at tunay. Hindi ako naniniwala sa anumang ng mga bagay-bagay hanggang nakalag ko ang aking asawa, kailangan ko ng tulong hanggang ako na natagpuan ng isang mahusay na spell caster, At inihagis niya ang isang pag-ibig spell para sa akin, at tiniyak sa akin siya na makukuha ko ang aking asawa pabalik sa loob ng dalawang araw pagkatapos ng spell ay palayasin. Pagkalipas ng tatlong araw, tumunog ang aking telepono, at iba shockingly, ito ay ang aking asawa na hindi na tinatawag na ako para sa nakaraang 6 na buwan ngayon, at gumawa ng paumanhin para sa puso break, at sinabi sa akin na siya ay handa na ang aking mga buto sa likod hanggang sa buong buhay niya sa akin. Dr Odenore, inilabas niya hanggang sa malaman kung magkano ang minahal ko at nais niya. At binuksan ang kanyang mga mata sa larawan kung magkano namin ibahagi ang sama-sama. Bilang I`m pagsulat patotoo na ito sa ngayon `m ang pinaka happiest babae sa mundo at sa akin at ang aking asawa ay nakatira sa isang masaya buhay at pag-ibig natin ngayon ay mas malakas kaysa sa kung paano ito ay kahit na sa harap ng aming break up. Kaya na `s kung bakit ako ipinangako upang ibahagi ang aking patotoo sa buong universe. Lahat salamat napupunta sa Dr Odenore para sa labis na trabaho na siya ay ginawa para sa akin. Sa ibaba ay ang email address sa anumang sitwasyon ikaw ay sumasailalim sa isang puso break, at siguruhin mo ko na bilang siya ay tapos na minahan para sa akin, siya tiyak na makakatulong sa iyo masyadong. makipag-ugnay sa kanya ngayon sa email odenoretemple@gmail.com

(1) Cancer spell
(2) Pagbubuntis spell
(3) HIV / aids spell *
(4) Pagkuha ng iyong pera scam pabalik *
(5) Kung nais mo ang isang bata.
(6) kung ikaw ay laging may masamang panaginip
(7) Spell sa Kumuha ng iyong pag-ibig ng isa sa labas ng bilangguan.
(8) Kumuha ng isang malaking utang nang hindi nagbabayad ng anumang mga bayad spell *
(9) Gusto mong babae / lalaki na tumakbo pagkatapos mo.
(10) Kung gusto mong bumalik sa iyong ex.
Makipag-ugnay sa kanya ngayon para sa iyong tulong at ikaw ay masaya man. REPLY email: odenoretemple@gmail.com

By Blogger Jessica Shannon Shirley, at 5:11 AM  

Post a comment

<< Home