KaDyo

Wednesday, May 31, 2006

Maling Akala


Maling akala

Di mo na kailangan mag-alinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta’t huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo
Maliit na butas lumalaki
Konting gusot, dumadami
Hindi mo ma-ibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka hah…
Ng maling akala.

Saturday, May 27, 2006

Ungentle reader strikes again

Nakatanggap ako ulit ng email mula kay ungentle reader at ito ang nasaad sa kanyang sulat.

Dear Sam aka KD,

Kamusta ka na? Alam mo kahapon nakabili ako sa may Recto ng VCD ng bagong pelikula ni John Lloyd Cruz at Bea Alonzo yung “Close to You” (Orig yun ha sabi ng pinagbilhan ko. Alam mo namang di ako bumibili ng pirated). Aba starring role ka pala doon. Pagkauwi ko nga sa bahay eh binuksan ko agad ang plastic wrapping, kaya lang may napansin ako. Ikaw ba talaga yung nasa picture sa cover ng VCD, kasi parang lumake na yata ulo mo. Sana naman Unkel Sam ay hindi ka magbabago kahit na artista ka na at nagsisimulang magkakaroon ng pangalan. Kita mo nangyari sa mga ibang artista tulad ni Max Alvarado at Bayani Casimiro. Asan na sila ngayon?


Napansin ko rin na ang ganda-ganda ngayon ni Bea, blooming na blooming. Siguro in-lab sya ngayon ano? Kilala mo ba kung sino ang boyfriend nya ngayon?
Sige ha papanoorin ko ulit itong penikula nyo kasi tuwang-tuwa kasi ako sa mga dialog mo. Teka pala, isang payo mula sa isang tagahanga, sana ay mag-aral ka nang mag-tagalog para magtuloy-tuloy ang dating ang mga rakets mo. Puede ka ring mag-aral ng kapampangan kung gusto mo, bahala ka nasa sa iyo yun. Basta hasain mong mabuti ang tagalog mo, magbasa ka lagi ng mga tagalog komiks at mga tabloids. Kita mo ilang linggo lang dadaigin mo na si Kuya Cesar.

Sige medyo napahaba na itong sulat ko sa iyo. Take care na lang lagi. Siyanga pala pwede mo ba akong padalhan ng kopya ng bago mong kanta na “Close to you” at authographed picture ninyo ni Bea.

P.S. Kalakip nga pala nito yung scanned cover ng VCD para makita mo.





Salamat ng marami.

Your Pan,
Gentle Reader
=======================
Dear ungentle reader,
Maraming salamat muli sa iyong pag-sulat sa akin. Mabuti naman ang aming kalagayan dito.
Alam mo, maniwala ka man o hindi ay never pa naman lumalaki ang ulo ko, ganoon pa rin naman ako, wala pa ring nagbabago sa akin. Iyan ay pawang katotohanan at walang halong panloloko. Sa palagay ko ay ikaw ang naloko. Sapagkat ang VCD na nabili mo sa Recto ay peke! Kung iyong pagmamasdang mabuti sa may lower right portion ng VCD cover, may small picture doon si John Lloyd at dalawang di kilalang tao, siguro mga impostor yan. Bayaan mo ipapaalam ko agad ito kay Mr. Edu para mabigyan agad ito nang aksyon. Siguro din ay makukulong ka ng mga ilang linggo kasi bumili ka ng pekeng VCD. Pero wag kang mag-aalala i-rerequest ko na sa "Iwahig" ka ikulong para naman di ka malungkot.
Tungkol naman kay Bea, wala akong masyadong balita sa kanya kasi hindi pa kami nagkikita. Mas maganda siguro ay i-text mo nalang sya sa number na ito 0919123456789 at ikaw na mismo ang magtanong sa kanya. Blooming ba ika mo sya? siguro nga kasi alam ko in-lab sya ngayon ke John...John Pratts.
Tungkol naman sa mga payo mo, salamat din. Hayaan mo pag-iisipan kong mabuti yung mga sinabi mo. At yung request mong kanta at picture namin ni Bea, sa pasko na lang kung pwede para isang package na lang.
Best regards,
SKAm este KD
**Paunawa: ito po ay isang kathang isip lamang ni Sam este KD pala. Humihingi po ako ng paumanhin sa mga na feature tulad ni Lloyd, Bea at Maam Greys hehehe.

Wednesday, May 24, 2006

A proverb is a short sentence based on long experience.

I love maxims – those concise capsules of worldly wisdom. I collect them and write them and, of course, love to share them. Kaya habang busy ako sa tinatapos kong bagong "project" share ko muna sa inyo itong makabagong kasabihan na aking nakolekta. Enjoy hehehe.

1.) Ang buhay ay parang bato, it's hard.

2.) Behind the clouds are the other clouds.

3.) It's better to cheat than to repeat!

4.) Do unto others... then run!!!

5.) Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.

6.) Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na sa bagong gising, 'wag lang sa lasing na
bagong gising.

7.) When all else fails, follow instructions.

8.) Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay may sariling interpreter.

9.) To err is human, to errs is humans.

10.) Ang taong nagigipit...sa bumbay kumakapit.

11.) Pag may usok...may nag-iihaw (ng serena?)

12.) Ang taong naglalakad nang matulin... may utang.

13.) No guts, no glory... no ID, no entry.

14.) Birds of the same feather that prays together... stays together.

15.) Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.

16.) Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.

17.) Walang matigas na pandesal sa mainit na kape.

18.) Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan .....ay may stiff neck.

19.) Birds of the same feather make a good feather duster.

20.) Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.

21.) Huli man daw at magaling, undertime pa rin.

22.) Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment.

23.) Matalino man ang matsing, matsing pa rin.

24.) Better late than later....

25.) Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa
paligid aypuno ng linga.

26.) Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!

27.) No man is an island because time is gold.

28.) Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.. muta lang yan.

29.) Kapag ang puno mabunga...mataba ang lupa!

30.) When it rains...it floods.

31.) Pagkahaba haba man ng prusisyon .. mauubusan din ng kandila.

32.) Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa vulcanizing shop.

33.) Batu-bato sa langit, ang tamaan... sapul.

34.) Try and try until you succeed... or else try another.

35.) Ako ang nagsaing... iba ang kumain. Diet ako eh.

36.) Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.

37.) Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.

38.) If you can't beat them, shoot them.

39.) If everything fails, try spellcheck.

O kayo baka may tinatago kayo dyan na boses este kasabihan o quotes pala at gusto nyo ring i-share, feel free to add. Kneeko, eto na yung magic mic sige banatan mo na ng paborito mong "My Way" hehehe.

Tuesday, May 16, 2006

Few delights can equal the mere presence of one whom we trust utterly.

I've been thinking....how would you know up to how much love, caring, or whatnot, is necessary? I've always thought that you cannot give enough love, at any time, at any situation. Even to those you know nothing about. Random people you meet....Strangers.
There are instances when it seems showing you care turns out to be unacceptable, and I wonder why this is so. Is it so bad if you are trusting enough to move over to let an elderly woman sit beside you in a bus, because you don't really think that greedily hogging the two-seater is of any concern to you? Only to end up being stared at by that same old woman for not moving further to the window coz she can't see the view outside the bus.
Or another instance, when you think about opening a door for someone, and smiling at the person, then get nothing but a smirk in return? Or how's about those times when you find yourself without a watch, and cheerfully ask "Excuse me, anong oras na?" to a stranger, and end up being stared at sheepishly as if you were some alien speaking in another language.
Maybe there are just some things that won't ever change. People can be so untrusting. But then, we all have our reasons for being so cautious. One could be because of those crooks who take advantage of people, snatching purses and messing with our women, thus stealing the trust away.
But then, as a result of this, we forget about the handful, sincere and genuinely concerned, unknowing victims to this "flu" of society that spreads an disease of unfriendliness.
Wonder how a beggar must feel. Or those little girls who sell sampaguitas, old ladies who sell lottery tickets, people asking for direction for the nearest comfort room or even those people who hand out random flyers almost anywhere.
You never know, I may pass you in the street, and offer you a smile.
Will you smile back?

Friday, May 12, 2006

Araw ng mga Nanay

A mother's love begins
Before the child is born
And lasts through time And difficulties
And differences
And many wounds
And days of joy
And days of sorrow
Winding, wearing
Weeping, sharing
Changing Until,
at the end
What remains
Is that solid core
That began as love
Before the child was born.
There is no love, like a mother's love,
no stronger bond on earth...like the precious bond that comes from God,
to a mother, when she gives birth.
A mother's love is forever strong,
never changing for all time...and when her children need her most,
a mother's love will shine. God bless these special mothers,
God bless them every one...for all the tears and heartache,
and for the special work they've done.
When her days on earth are over, a mother's love
lives on...through many generations,
with God's blessings on each one.
Be thankful for our mothers,
for they love with a higher love...from the power God has given,
and the strength from up above.
***
Happy Mother's Day sa iyo aking Nanay, kay Mama Ann & to all the mothers out there.
***
Our kids want to greet their Mama Anna and all mothers with these...



Upload and embed your Music & Videos through myFileHut.com

Tuesday, May 09, 2006

The only thing that we can be sure rises faster that the price of gasoline is the skyrocketing profits of oil companies.


Samantalang walang puknat ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, dito sa amin nag-utos ang Hari na bababaan naman ang presyo ng gasolina. Mula sa dating 90 halalas (US ¢0.24 o 12.33 pesos) kada isang litro gagawin itong 60 halalas (US ¢0.16 o 8 pesos). Totoo po ang tsismis na mas mahal pa dito ang isang litrong mineral water kasya sa sa isang litro ng gasolina, ang 1.5 liter ng mineral water ay 20.5 pesos.
Samantalang marami ang natutuwa sa magandang balitang ito, hindi lubos ang kasiyahan na aking nadama. Paano ka naman matutuwa eh ang aking mga kababayan sa Pilipinas ay bubunuin ang P39 pesos kada litro ng gasolina. Sasabayan pa nang pagtaas ng mga presyo ng bilihin...hayyy nako.
Ito namang gubyerno natin sa pinas, wala namang ginagawang paraan para maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan.
Siguro bilang isang pilipino, oras na para magkapit-bisig tayo at magtulong-tulong para sa kinabukasan ng ating bansa. Umisip tayo ng magagandang alternatibo na magbibigay ng lunas sa patuloy na pagtaas pa ng presyo ng langis.

In the meantime habang kayo ay nag-iisip, post ko lang sa ibaba ang picture ng kotse na binebenta ni Ka Eloy. Murang mura lang daw at napakatipid sa gasolina. Sabi nya kung ganito lang daw ang mga lumalabas na modelo ng kotse hinding-hindi daw tayo magkakaroon ng fuel crisis.

Sunday, May 07, 2006

Ang Aking mga Idols

Mula pagkabata ang APO Hiking Society ang isa sa mga hinahangaan kong musical group. I'm one of the millions who grew up on their songs, watched Danny Javier, Boboy Garrovillo, and Jim Paredes in their concerts and TV shows. My best memories of APO ay nang sila ay mag concert sa aming school somewhere in the 1980's. Miyembro ako noon ng Collage of Eng'g. stage design group. Natatandaan ko na after ng kanilang rehersal nilapitan naming magbabarkada silang tatlo para humingi ng authograph. Ang babait nila kasi lahat kami ay kanilang pinaunlakan.

Natuwa ako nang malaman ko na kahit na hindi na ako nakakapanood ng kanilang mga concerts ay makikita ko pa rin sila at makakabalita sa kanilang website. At si Jim Paredes ay mayroon ding Blog dito.



Screen shot ng blog ni Sir Jim Paredes.



Last week nagbago ng bihis ang blog ng aking peborit na titser na si maam tekla.

Ba may pagkakahawig ang lay-out ng aking dalawang peborit na idol...teka nga, may bigla akong naisip. Tingan nyo na lang sa ibaba...ano ang inyong masasabi hehe







ano magandang gawing title dito? "Boring on Air?"





E dito? "Something something

**to Sir Jim & Maam Teks, pasenya na po kayo sa post kong ito ha, katuwaan lang po at walang halong biro =D..hehehe

People seem to get nostalgic about a lot of things they weren't so crazy about the first time around.

Kahapon nagpunta ako sa tindahan ng mga computer parts/consumables para bumili ng blank CD's at DVD's. Sa aking paglalakad ay may isang pamilyar na bagay ang biglang tumawag ng aking pansin. O My Gulay, totoo ba ito o ako ay namamalikmata lamang. Nilapitan ko at nagsimula akong mag-usyoso. Matapos ng ilang minutong nagpaikot-ikot dito, napailing lang ako at nangiti (akala nga nang guwardyang nakakita sa akin ay masama akong balak hehe).

Naalala ko tuloy noong panahong ako'y sumasakay ng ganito sa Pilipinas. Ang magagara nitong mga palamuti at disenyo, kakaiba ngunit maganda, pinoy na pinoy talaga. Pati na ang radyo na ubod lakas kung pagtugtugin ni mamang driver....humahataw talaga. Siyanga pala kinunan ko na lang ng picture para makita naman ninyo kung ano ang aking tinutukoy dito.
=
=
=
=
=
=
=
=





Akala ko may bumibiyahe nang ganire dito sa gitnang silangan...promotional gimik lang pala ng Qatar Airlines hehe.




Napakanta tuloy ako ng di oras...

Ang ingay mong kay sarap sa tenga
Mga jeepney mong nagliliparan
Mga babae mong naggagandahan
Take me back in your arms Manila
and promise me you'll never let go
Promise me you'll never let go....

Monday, May 01, 2006

Meme na bunso

Sabi ni SSS (Singing Senting Serena)
sa aking tagboard last week na may "meme" raw na naghihintay sa akin sa blog nya. Taka ako bakit nya ako papatulugin eh kagigising ko lang hehehe. Sabi ni wisheart parang Tagay din daw yun medyo sosy lang na term.
Ano nga ba ang meme? Ayon sa wikipedia the term "meme" is a theoretical concept introduced in 1976 by Richard Dawkins, refers to any unit of cultural information, such as a cultural practice, idea or concept, which one mind transmits (verbally or by demonstration) to another mind. Examples might include thoughts, ideas, theories, practices, habits, songs, dances and moods in addition to concepts such as race. Ahhhhh yun pala yun, lalo yata akong inantok hehe,,,

Kaya eto yung meme na bunsoy:

MEME
1. Choose a search engine. (like google, ask jeeves o abante-tonite hihihi)
2. Pick 5 random blogfriends. (Tekla, Clown, BigDaddi, T-K, Katya at Diane)
3. Think of a word or phrase that you describe each friend. (hmmm...nag-iisip eh)
4. Do an image search of that word or phrase. (click clack, clock...nag-titipa ng keyboard ano iniisip mo hehehe)
5. Pick an image to represent your friend - share it.

SSS chose THIS image to describe me....*blushing*.
I now give the meme to :


Si Maam Tekla; sa unang dinig sa pangalan medyo parang mabantot hehe Pero sa totoo pangalan nya ay punong-puno ng biyaya at pag nakilala mo na... Mabait, Makulit, Masayahin at Pasaway (sya ang maysabi nun ha) pala. Madaming alam basta Web, Softwares/Programs at anything related to PC ang pag-uusapan (kita mo naman yung image hanep sa mga gadgets). Pero wag ka "cowboy" din yan, marunong sumakay sa mga jokes, kulitan at sentihan ng blogkada.
Ayos ba maam, pasado na po ba ako sa klase nyo o babalik ulit ako next school year hehe.









Si Maam Rems; katulad sya ng titser ko noong highschool na galit sa mga estudyante na late, mahilig mangopya at matanong sa oras ng klase.

At tulad ng isang tunay na payaso magaling siya na maghatid ng ngiti sa bawat bahay na kanyang pinupuntahan. Magaling magsulat (nabasa mo na ba ang mga post nya), pwedeng pwede siyang maging isang writter sa komiks, libro o sa TV like MMK.

At tulad ng isang payaso, laging syang may ngiti kahit na minsan ay kirot syang nararamdaman. Malakas ang loob. Matapang. Isang SURVIVOR!...









BiggDaddi; nang makita ko sya na nagcomment sa blog ni ella akala ko ay isa syang pranses na marunong bumasa ng tagalog. Isang true blooded kapampangan pala na naka base sa may swiss alps na malapit din sa paggawaan ng masasarap na sokolate hehe.

Tulad ng isang swiss army knife na madaming kargang "gadgets", aba ang daming talents; bukod sa magaling mag-french, marunong ding mag snowboarding, magaling magluto ng sisig, masarap gumawa ng halo-halo at magaling sumulat.





Si T-K? parang tutubing karayom talaga pag blogflying este bloghopping ang pag-uusapam. Kung akala mo na ikaw ang mauuna sa comment box, nagkakamali ka sapagkat lagai yang 1st honor. Isang powet o sa tagalog ay makata. Magaling gumawa ng tula (siguro magaling din syang mag-rap..yo)
Pinasikat nya sa blogsphere ang kanyang "kaibigang" si shelby, na nang pumanaw eh star studded affair ang lamay at burol. (thank you daw sa mga sponsors hehe)
Makulet, masayahin at mahilg din sa ipis nyahaha.





Si Katya; isa pang Makulit na kablogkada na naninirahan sa lugar na maraming Cherry Blossom o "Sakura". Kabesday ko pala kaya pala Mabait, Masayahin, Maganda at Makulit nyehehe. Mahilig magbasa, magsulat, uminom ng red wine, makinig sa mga love music at mga butterflies. Riot din mag-comment at talagang mapapasabay ka sa kanyang tawa.

^_^ ^_~ ~_^

Kasama niya yan pag-iwan sya ng comment =D






Si Diane; isang matagal ng kaibigan na nasa Amerika at nagtuturo sa isang paaralan sa Chicago.

Isang Free spirit.

Sexy, Innocent Child-Woman.

Tulad ko na isang Taurean, sya rin ay self-reliant, painstakingly patient, and stubborn-bullish na nasa lugar.

Maraming nagsasabi na masungit pero nagkakamali sila sapagkat once you get to know her, isa siyang tapat at masayang kaibigan.

(Belated Happy Happy Birthday Tita Diane!)