KaDyo

Tuesday, May 09, 2006

The only thing that we can be sure rises faster that the price of gasoline is the skyrocketing profits of oil companies.


Samantalang walang puknat ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, dito sa amin nag-utos ang Hari na bababaan naman ang presyo ng gasolina. Mula sa dating 90 halalas (US ¢0.24 o 12.33 pesos) kada isang litro gagawin itong 60 halalas (US ¢0.16 o 8 pesos). Totoo po ang tsismis na mas mahal pa dito ang isang litrong mineral water kasya sa sa isang litro ng gasolina, ang 1.5 liter ng mineral water ay 20.5 pesos.
Samantalang marami ang natutuwa sa magandang balitang ito, hindi lubos ang kasiyahan na aking nadama. Paano ka naman matutuwa eh ang aking mga kababayan sa Pilipinas ay bubunuin ang P39 pesos kada litro ng gasolina. Sasabayan pa nang pagtaas ng mga presyo ng bilihin...hayyy nako.
Ito namang gubyerno natin sa pinas, wala namang ginagawang paraan para maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan.
Siguro bilang isang pilipino, oras na para magkapit-bisig tayo at magtulong-tulong para sa kinabukasan ng ating bansa. Umisip tayo ng magagandang alternatibo na magbibigay ng lunas sa patuloy na pagtaas pa ng presyo ng langis.

In the meantime habang kayo ay nag-iisip, post ko lang sa ibaba ang picture ng kotse na binebenta ni Ka Eloy. Murang mura lang daw at napakatipid sa gasolina. Sabi nya kung ganito lang daw ang mga lumalabas na modelo ng kotse hinding-hindi daw tayo magkakaroon ng fuel crisis.

23 comment(s):

Okay yang binebentang sasakyan. Paano ba pasulong niyan - baka o kabayo? :)

By Blogger kulas, at 3:52 AM  

hmm...korek si mang kulas, parang kelangan ng tali at kabayo para umusad ang kotseng yan.

KD ako na lang po ang di tumataas. lahat ng bilihin tumataas lagi. sa kakataas nyan baka tayo matabunan pag sinubukan nating akyatin. parang yung nangyari sa payatas :-(

By Blogger Mistyjoy, at 8:03 AM  

kulas, sabi ni mang eloy mas ok daw kung ang gagamitin eh aso o pusa kasi daw domistikated na at di na mahihirapang mag-adjust hehe gulo ng sagot ko hehehe

By Blogger KaDyo, at 9:04 AM  

ayaw mo na sa chedeng na pusa ang gagamiting gasolina???

sa dagat ka na lang kc tumira tulad ko :P

By Blogger racky, at 9:09 AM  

Kakain na lang ako ng Fita! Ska ako maghahanap ng lolang Fairy gaya ng sa commercial, this time isang pack ang ibibigay ko, bka ang kotse di lang sports car...full tank pa!

Pwede na yan, ganyan ang gamit ng mga tao sa Cavite eh!*joke lang*

By Blogger Pipay, at 10:27 AM  

Wala namang nag-seryoso na humanap ng alternative fuel besides fossil fuel. i don't think na papayagan din nila ang pinas na maghanap ng alternative fuel.

on the lighter side, mas maganda yung kotse ni chiquito, parehong unahan. hehehehe!

By Anonymous masterbetong, at 10:43 AM  

magagamit daw alternative ang mga cooking oils na gamit na... lalo ung mga galing sa flowers kaya lang kulang sa resources... tsaka kailangan din ng suporta yan galing sa gobyerno.

meron na raw gumagamit sa pinas..

pero ok ung kotse huh kalahati lang hehehe... pede kargahan ng palay sa amin hehehe

By Anonymous ankleko, at 10:53 AM  

Sa Pilipinas malabong ipag-utos ng pamahalaan na babaan ang presyo ng petroleum products dahil inutil na ang pamahalaan sa ganitong isyu.

Ano kaya KD kung ikaw na lang mag-import sa amin ng langis? Sa 'yo na lang kami kukuha imbes na sa Big 3.

Magandang business yan hehehe.

By Anonymous malaya, at 11:42 AM  

nakita ko sa ti-be na pwedeng gamitin ang cooking oil pamalit sa gasolina. why nut, pwede kang mag prito any time, eny-wer kaso mahal din ang mantika lalo na kung olive oil... pati baby oil.

kung ang corn oil ay gawa sa corn
at olive oil ay gawa sa olive..
eh ang baby oil? gawa ba sa baby?
nyahaha... corny ko nanaman.

By Blogger phoebe, at 5:29 PM  

walang ya half price! sabagay mukhang makinis pa at bago ang gulong. sino kayang nakabili nung kalahati?

By Blogger Ka Uro, at 5:54 AM  

Isa lang nasasaisip kong solusyon. MAg lakad nalang tayo... bwheheh!! sensya na sa mga mahihina ang tuhod, baka nman kc sa kwarto nyo lang ginagamit yan e! mag exercise nman kayo.

Pero totoo nga yan. khit dito samen ang taas ng gasolina.. $60 ang full tank ng kotse ko, mantakin mo... jaske ubos na ang allowance ko.. madami pang nakakain ang kotse ko kesa sa akin...

By Blogger tutubing_karayom, at 6:41 AM  

dada sa amin dami ng alternative
1. bio-diesel ~ galing sa halaman na rape
2. BTL - biomass to liquid (test pa lang nila)
3. fuel cell
4. hydrogen

sabi nga ni niko, pede din iyong cooking oil, marami na rin gumagamit noon pero para sa car na diesel ang motor

and don't forget ... iyong benzin aus katzen na news noon! hehehe

By Blogger racky, at 5:30 PM  

p.s.

mamaya baka mag-imbento ka naman na sirena na lang gamitin???!

By Blogger racky, at 5:32 PM  

Alam mo, ang balita ko dyan KD, kaya hindi sinusuportaha ng gobyerno ang alternative fuels, bio-fuels at yung engine na tubig o kaya mantika lang ang ginagamit ay dahil napakalaki ng perang nakukuha ng gobyerno sa oil firms dito. Kung sinuportahan nila yung alternatives, mawawalan ng perang pangurakot este pang-capital.

money talks talaga ano?

By Blogger watson, at 1:13 PM  

The problem of high fuel prices is being felt around the world except possibly in the middle east. Yan ang problema pag may cartel, they control everything, including the flow of oil...

The oil companies themselves with their billions, are suppressing the research for alternative fuels so that we will continue to be dependent on them for our fuel needs... bloodsuckers!

By Anonymous snglguy, at 4:28 PM  

may bago ngayon faffi ang Daimler-Chrysler ~ The Jatropa Project in India - Oil from Wasteland

By Blogger kisses, at 12:04 AM  

Jusko, uber ekonomi nga yang sasakyan na benta ni ka eloy hehe..
tanong ko lang fafi baket mahal ang gasolina jan may sarili nga silang gasolinahan eh. hehe..
dito rin sa europe mahal lahat, buong mundo tumataas ang mga bilihin haay ano kayang masarap e negosyo ngayon hehe
akoy antok na kaya bayaan mo na ak sa mga pinagdadakdak ko dine. Happy weekend samin at happy mothers day senyo hehe hindi sayo kay Ann :)

By Anonymous ethel, at 12:14 AM  

mistyjoy, mahal ang kakalabasang presyo pag nilagyan mo pa ng kabayo yan at tali. aandar din yan heheh

By Blogger KaDyo, at 2:24 PM  

sss, ayoko na sa chedeng ang tagal naman kasing dumating eh :P

By Blogger KaDyo, at 2:26 PM  

pipay & ayie, hehe napanood ko rin yang commercial na yan dito kakatuwa ano hehe

By Blogger KaDyo, at 2:35 PM  

master, totoo yan ang dami nang naglabasan na magagandang idea like hydrogen gas etc pero tila hindi talaga tayo makakaalis sa total dependency sa oil.

hehe okay yun a hindi makakasuhan na wring way si tochikits hehe

By Blogger KaDyo, at 2:43 PM  

kneeks, pagnagkataon yung cooking oil naman ang tataas ang presyo, sana pwedeng panluto ang gasolina hehe

By Blogger KaDyo, at 2:46 PM  

malaya, bah magandang business proposal yan ah, teka bibili muna ako ng tanker para magdadala ng gaolina sa iyo, mahal na kasi ngayon ang door-to-door service dito eh hehe

By Blogger KaDyo, at 2:49 PM  

Post a comment

<< Home