KaDyo

Sunday, May 07, 2006

People seem to get nostalgic about a lot of things they weren't so crazy about the first time around.

Kahapon nagpunta ako sa tindahan ng mga computer parts/consumables para bumili ng blank CD's at DVD's. Sa aking paglalakad ay may isang pamilyar na bagay ang biglang tumawag ng aking pansin. O My Gulay, totoo ba ito o ako ay namamalikmata lamang. Nilapitan ko at nagsimula akong mag-usyoso. Matapos ng ilang minutong nagpaikot-ikot dito, napailing lang ako at nangiti (akala nga nang guwardyang nakakita sa akin ay masama akong balak hehe).

Naalala ko tuloy noong panahong ako'y sumasakay ng ganito sa Pilipinas. Ang magagara nitong mga palamuti at disenyo, kakaiba ngunit maganda, pinoy na pinoy talaga. Pati na ang radyo na ubod lakas kung pagtugtugin ni mamang driver....humahataw talaga. Siyanga pala kinunan ko na lang ng picture para makita naman ninyo kung ano ang aking tinutukoy dito.
=
=
=
=
=
=
=
=





Akala ko may bumibiyahe nang ganire dito sa gitnang silangan...promotional gimik lang pala ng Qatar Airlines hehe.




Napakanta tuloy ako ng di oras...

Ang ingay mong kay sarap sa tenga
Mga jeepney mong nagliliparan
Mga babae mong naggagandahan
Take me back in your arms Manila
and promise me you'll never let go
Promise me you'll never let go....

19 comment(s):

Hahaha :)

Nakaka-miss sumakay ng jeep noh? Pati tricycle, nami-miss ko. Pero di ko nami-miss ang usok.

Ingat po!

By Blogger Soul_Seeker, at 2:41 AM  

Saan nakaparada yan? Dapat makasakay na uli ako jan!! Kanta din ako.

bumaba ako sa jeepney
kung saan tayo dati'y magkatabi
magakahalik ang pisngi nating dalawa.

By Anonymous masterbetong, at 7:40 AM  

Uncle, palagay ko dapat lang Aircon yan! dahil kung hindi bka ultimo singit ng mga sasakay eh pagpapawisan.

Ansarap alalahanin ng nakasanayan!

By Blogger Pipay, at 9:26 AM  

may jeepney din sa lugar namin dada! mahanap nga rin iyong piktyur ...

lalo mo lang kaming pinalolongkot ah ... kaka-miss nga ... lalo na mga kyut na drivers! hehehe

By Blogger racky, at 9:52 AM  

hehehe miss ko ang jeep sa atin..

By Blogger VemSan, at 9:52 AM  

MANG KADYO, mahal nyo tlga ako no? sige na!! sabihin nyo na... weeeee...

kwentuhan kita para maintindihan mo.. diba nga me tampo ang jowa ko sakin, nag dalawang isip ako kung uuwi pa ko.. isip ako ng isip. napipiga na ang utak ko... sa huli nang hingi nalang ako ng sign ke Lord... LORD>>> maawa kana ke tutube..... give me a sign Lord.. sinisinok sinok pako jan...

At ngayon na nga!! eto ang post mo.... wawawiii tlga.... tuloy na tuloy na ito... pupuntahan kona Jowa ko na nasa CEBU!! as in CAPITAL C-E-B-U....

Thank u mang KD. wag mo nkong prituhin ah! lab na kita...

hayan ang bagong mukha mo!!! muahhhhh
http://usera.imagecave.com/tutubingkarayom/patrimonio2.jpg

By Blogger tutubing_karayom, at 10:26 AM  

Wow astig. Akala ko the picture was taken here in Flipzpinaz... Para san daw yung gimik ng Qatar Airlines?

By Anonymous Seiji, at 12:35 PM  

manong, miss mo na ba ang jeepney? okay lang yun... magbasa ka na lang ng blog ng mga tao dito sa Pinas para di ka masyado ma-homesick. :D

-- noreen

By Anonymous Anonymous, at 1:34 PM  

wow! na-miss ko rin tuloy bigla pinas ;( na pag sobrang init tapos ang haba ng byahe kase trapik...dun na rin ako inaabot ng migraine ko sa loob ng dyip waaa.. *sob sob* (sa dami ng maalala ko yan pa) hmm..si KD kase eh!
...pero kakatuwa naman meron jan sa inyo no?may nagsabi sa kin meron din daw dito sa japan eh..pero di ko pa nakikita.
..p.s!
ala na po hang-over pero katamaran naman inaabot ko ngayon kaya wait lang yung tag mo ha...d truth is i have still 3 pendings to go ;(

-kathy-

By Blogger lil _kath, at 7:10 PM  

Di, Pag nasa pinas kasi di gaanong pinapansin ang mga ito, pero once na malabas ng bansa doon mo hahanaphanapin, pero tama ka less the usok at ingay hehe.

By Blogger KaDyo, at 7:22 AM  

master, Malapit yan sa may al-dossary mall, katabi ng isang travel agency

By Blogger KaDyo, at 7:23 AM  

sss, sige post mo para makita namin kung ano itsura ng jeep sa germany hehe

By Blogger KaDyo, at 7:33 AM  

vemsan, ako din pero di ko miss yung init at alikabok hehe

By Blogger KaDyo, at 7:37 AM  

T-K, ang galeng naman pala at naging hinstrument pa itong post ko para kalatukin ka ni Lord hehehe.
Bah ok na naman ang napili mo na picture ah...alam mo yung makisig na si Boyet ok na pero kung you insist na mas ok si fafa alvin to describe me okay lang din...kasi dati namang basketball player ako noong collage hindi nga lang gaanong hearttrob hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:45 AM  

seiji, wow cool ng blog mo ah galing ng mga flash. kaya lang ayaw magbukas ng journal mo eh syang.
Nakalagay kasi sa jeepney yung flight route nila like; Manila-Doha-Quiapo hehe

By Blogger KaDyo, at 7:55 AM  

noreen, hello di naman masyadong homesick hehe. Buti nga madaming bloggers ang nagpopost ng mga bagay bagay tungkol sa pinas like the food at mga happenings

By Blogger KaDyo, at 7:58 AM  

katya, hehe kitams ang layo na ng narating mo, lumampas ka na tuloy sa bababaan mo hehe.

hehe sinusumpong karin pala ng tamaritis pero sige oks lang yan hintay namin ang post mo sa mga meme, wag lang masyadong matagal baka makatulog kami sa loob ng jeep nyehehe

By Blogger KaDyo, at 8:01 AM  

Wow! Sikat parin talaga ang gawang Pinoy. Mabuhay tayong lahat :)

By Blogger j, at 8:00 PM  

Uy, Kadyo, ang galing ng pic ng jeepny. Nostalgic nga yan kaya nung umuwi ako sa Maynila, sumakay ako ng jeepny papuntang Quiapo. Dun ako sa harapan. Okay ito, ang isip ko. Hindi ko namalayan na ang dami pa rin pala ng bus na smoke belchers hanggang ngayon. Iyun napaliguan ako ng usok hanggang sumakit ang ilong at ngala-ngala ko. Nag-taksi na ko pauwi. Sa litrato na lang ang sakay ko ng jipny mula noon. :)

By Blogger kulas, at 10:10 PM  

Post a comment

<< Home