KaDyo

Wednesday, May 24, 2006

A proverb is a short sentence based on long experience.

I love maxims – those concise capsules of worldly wisdom. I collect them and write them and, of course, love to share them. Kaya habang busy ako sa tinatapos kong bagong "project" share ko muna sa inyo itong makabagong kasabihan na aking nakolekta. Enjoy hehehe.

1.) Ang buhay ay parang bato, it's hard.

2.) Behind the clouds are the other clouds.

3.) It's better to cheat than to repeat!

4.) Do unto others... then run!!!

5.) Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.

6.) Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na sa bagong gising, 'wag lang sa lasing na
bagong gising.

7.) When all else fails, follow instructions.

8.) Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay may sariling interpreter.

9.) To err is human, to errs is humans.

10.) Ang taong nagigipit...sa bumbay kumakapit.

11.) Pag may usok...may nag-iihaw (ng serena?)

12.) Ang taong naglalakad nang matulin... may utang.

13.) No guts, no glory... no ID, no entry.

14.) Birds of the same feather that prays together... stays together.

15.) Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.

16.) Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.

17.) Walang matigas na pandesal sa mainit na kape.

18.) Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan .....ay may stiff neck.

19.) Birds of the same feather make a good feather duster.

20.) Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.

21.) Huli man daw at magaling, undertime pa rin.

22.) Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment.

23.) Matalino man ang matsing, matsing pa rin.

24.) Better late than later....

25.) Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa
paligid aypuno ng linga.

26.) Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!

27.) No man is an island because time is gold.

28.) Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.. muta lang yan.

29.) Kapag ang puno mabunga...mataba ang lupa!

30.) When it rains...it floods.

31.) Pagkahaba haba man ng prusisyon .. mauubusan din ng kandila.

32.) Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa vulcanizing shop.

33.) Batu-bato sa langit, ang tamaan... sapul.

34.) Try and try until you succeed... or else try another.

35.) Ako ang nagsaing... iba ang kumain. Diet ako eh.

36.) Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.

37.) Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.

38.) If you can't beat them, shoot them.

39.) If everything fails, try spellcheck.

O kayo baka may tinatago kayo dyan na boses este kasabihan o quotes pala at gusto nyo ring i-share, feel free to add. Kneeko, eto na yung magic mic sige banatan mo na ng paborito mong "My Way" hehehe.

31 comment(s):

yehey pers honor ako dito kaya lang KD bakit kambal 'tong post? dalawa kasi...

type ko yung "kapag may usok, may nag-iihaw..ng serena." ayos sarap na pulutan yan.. joke! peace tayo neng.

By Blogger Mistyjoy, at 11:23 AM  

Nawala antok ko rito..hehehe.

By Anonymous ann, at 11:47 AM  

mistyjoy, walang premyo na pera pag pers honor, pero sya ang unang titikim sa inihaw na serena. ano gusto mong sawsawan, suka't bawang o patis at kalamnsi hehe

By Blogger KaDyo, at 1:15 PM  

wisheart, batet asan na yung mga kaberks mo hehe

By Blogger KaDyo, at 1:16 PM  

O Uncle KD,addition to your list.

- Pag may usok, may sunog
- Pag maikli ang kumot, kakagatin ka ng lamok
- Pag
- Bato bato sa langit, ang tamaan...bukol!
- Magbiro ka na sa lasing at bagong gising, wag lang sa walang pera. mainit ulo nyan!

At sa pag iihaw ng Sirena, dapat gamitan ng Mama Sita..saaaraap!

By Blogger Pipay, at 2:59 PM  

ang kakain ng serena ..... matitinik!!!

waaahhh!!! ang lufeeet mo talaga SAMMMMMM ... break na tayo!

By Blogger racky, at 8:47 PM  

Kung pukulin ka ng bato, tinapay (na nasa garapon) ang iganti mo.

Huli man at magaling, huli pa rin dahil nasa huli ang pagsisisi.

Walang matigas na tinapay sa mainit na kape (starring FPJ and Alice Dixon)

By Blogger Ka Uro, at 12:10 AM  

ang alam ko ganito:

ang lumakad ng matulin, taeng-tae na...

By Blogger tekla, at 3:41 AM  

hahah nakakatawa.. miss ko na maka recv ng mga forwarded SMS na nakakatawa tulad nito.. ;)

By Anonymous vemsan, at 7:30 AM  

buti na lang dinalaw ko ng kay aga ang iyong blog. napatawa ako ng husto. what a way to start the day! :-)

By Blogger Rhada, at 8:12 AM  

wahaha natatawa ako dun sa no man's an island becoz time is gold..panu kasi di ko makita kung anung connect! hehe..minsan may mga joke na nakakatawa kasi walang kinalaman..kapag napagkakabit-kabit hehe

By Blogger rUth, at 8:44 AM  

hahaha, okey ang bagong words of wisdom mo, KD.
eto balato ko sau.
a)pag binato ka ng bato...may bukol ka!
b)daig ng maagap ang huling gumising.

By Anonymous malaya, at 9:08 AM  

papa,

wala ako ma-add eh. pede pakopya na lang ha ha ha.

By Anonymous lukin reloaded, at 9:16 AM  

kd pakiabot nga ng mic hehehe... pabaliktad ang lyrics ng 'my way' pag kinanta ko para di ako mapukpok hehehe.


idagdag mo nga 'to..
- "words speak louder than voice"

- "ang hindi marunong lumingon sa pinaggalingan, may stiff neck".


tama ba?

By Anonymous kneeko, at 1:52 PM  

The night is young and so are we but only god can make a tree.

An apple a day makes seven apples a week.

Ang taong naglalakad ng matulin...may LBM.

Aanhin pa ang damo kung meron ng bato?

By Anonymous Adam Mordo, at 5:04 AM  

pipay, ang galeng naman ng batang ere at ang daming alam na jokes , sino ba nagturo sa iyo nyan? nanay ayie mo o si mmy-lei hehehe

By Blogger KaDyo, at 10:44 AM  

yvSSS, wala nang tinik ang serena kasi nilagay ko muna sa pressure cooker kaya siguradong malambot na tinik.

bwahahaha

By Blogger KaDyo, at 10:47 AM  

Faffi KU, sigurado akong bukol ang inabot ng babatuhin mo ng tinapay hehehe

By Blogger KaDyo, at 10:48 AM  

maam teks, hehe baka hindi lang lakad maam pagganoon, tatakbo na =D

By Blogger KaDyo, at 10:51 AM  

vemsan, hehe thank you =D

By Blogger KaDyo, at 10:58 AM  

rhada, salamat sa pagdalaw mo =D

By Blogger KaDyo, at 11:08 AM  

malaya, salamat sa dagdag kaalaman hehe

By Blogger KaDyo, at 11:11 AM  

fafa mark, oks lang hehe

By Blogger KaDyo, at 11:13 AM  

kneeks, hehe sige pabaliktad mong kantahin ang "my Way" para di ka mabugbog heheh

By Blogger KaDyo, at 11:14 AM  

adam mordo, thanks for dropping by, you got a cool blog=D

By Blogger KaDyo, at 11:49 AM  

ayos ah, ang dami non. bakit bigla wala ako maisip.

i enjoyed this.

By Blogger Owen FV, at 1:33 PM  

Matira ang matibay? lol

By Anonymous agring, at 7:25 AM  

ako meron: been there been that!

By Blogger gracita, at 9:52 AM  

fafa owen hehe ano yun maxim block =D

By Anonymous Anonymous, at 1:31 PM  

ayus ! nice BLOG pede umepal? hehe!

pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay (palaman bato)

NYihihi!

By Blogger V.N., at 5:52 PM  

walang himala dahil bukas luluhod din ang mga tala hanggang sa dulo ng walang hanggang -- kuya cesar

By Anonymous Anonymous, at 4:09 PM  

Post a comment

<< Home