KaDyo

Saturday, May 27, 2006

Ungentle reader strikes again

Nakatanggap ako ulit ng email mula kay ungentle reader at ito ang nasaad sa kanyang sulat.

Dear Sam aka KD,

Kamusta ka na? Alam mo kahapon nakabili ako sa may Recto ng VCD ng bagong pelikula ni John Lloyd Cruz at Bea Alonzo yung “Close to You” (Orig yun ha sabi ng pinagbilhan ko. Alam mo namang di ako bumibili ng pirated). Aba starring role ka pala doon. Pagkauwi ko nga sa bahay eh binuksan ko agad ang plastic wrapping, kaya lang may napansin ako. Ikaw ba talaga yung nasa picture sa cover ng VCD, kasi parang lumake na yata ulo mo. Sana naman Unkel Sam ay hindi ka magbabago kahit na artista ka na at nagsisimulang magkakaroon ng pangalan. Kita mo nangyari sa mga ibang artista tulad ni Max Alvarado at Bayani Casimiro. Asan na sila ngayon?


Napansin ko rin na ang ganda-ganda ngayon ni Bea, blooming na blooming. Siguro in-lab sya ngayon ano? Kilala mo ba kung sino ang boyfriend nya ngayon?
Sige ha papanoorin ko ulit itong penikula nyo kasi tuwang-tuwa kasi ako sa mga dialog mo. Teka pala, isang payo mula sa isang tagahanga, sana ay mag-aral ka nang mag-tagalog para magtuloy-tuloy ang dating ang mga rakets mo. Puede ka ring mag-aral ng kapampangan kung gusto mo, bahala ka nasa sa iyo yun. Basta hasain mong mabuti ang tagalog mo, magbasa ka lagi ng mga tagalog komiks at mga tabloids. Kita mo ilang linggo lang dadaigin mo na si Kuya Cesar.

Sige medyo napahaba na itong sulat ko sa iyo. Take care na lang lagi. Siyanga pala pwede mo ba akong padalhan ng kopya ng bago mong kanta na “Close to you” at authographed picture ninyo ni Bea.

P.S. Kalakip nga pala nito yung scanned cover ng VCD para makita mo.





Salamat ng marami.

Your Pan,
Gentle Reader
=======================
Dear ungentle reader,
Maraming salamat muli sa iyong pag-sulat sa akin. Mabuti naman ang aming kalagayan dito.
Alam mo, maniwala ka man o hindi ay never pa naman lumalaki ang ulo ko, ganoon pa rin naman ako, wala pa ring nagbabago sa akin. Iyan ay pawang katotohanan at walang halong panloloko. Sa palagay ko ay ikaw ang naloko. Sapagkat ang VCD na nabili mo sa Recto ay peke! Kung iyong pagmamasdang mabuti sa may lower right portion ng VCD cover, may small picture doon si John Lloyd at dalawang di kilalang tao, siguro mga impostor yan. Bayaan mo ipapaalam ko agad ito kay Mr. Edu para mabigyan agad ito nang aksyon. Siguro din ay makukulong ka ng mga ilang linggo kasi bumili ka ng pekeng VCD. Pero wag kang mag-aalala i-rerequest ko na sa "Iwahig" ka ikulong para naman di ka malungkot.
Tungkol naman kay Bea, wala akong masyadong balita sa kanya kasi hindi pa kami nagkikita. Mas maganda siguro ay i-text mo nalang sya sa number na ito 0919123456789 at ikaw na mismo ang magtanong sa kanya. Blooming ba ika mo sya? siguro nga kasi alam ko in-lab sya ngayon ke John...John Pratts.
Tungkol naman sa mga payo mo, salamat din. Hayaan mo pag-iisipan kong mabuti yung mga sinabi mo. At yung request mong kanta at picture namin ni Bea, sa pasko na lang kung pwede para isang package na lang.
Best regards,
SKAm este KD
**Paunawa: ito po ay isang kathang isip lamang ni Sam este KD pala. Humihingi po ako ng paumanhin sa mga na feature tulad ni Lloyd, Bea at Maam Greys hehehe.

22 comment(s):

di bale ng makulong sa Iwahig, ganda naman ng beach doon! bagay na bagay sa akin ... madaling maghihilom ang buntot ko! :P

sa Pasko pa??? tagal naman!!!

By Anonymous ungentle reader, at 6:03 PM  

eto comment mo doon kay mmy-lei!!!

KaDyo said...
kaya pala parang kumakalam na naman ang tyan ko may handa kang kinalabasang buntot ng magic serena, madalang sa market yan kasi kakaiba ang lasa, minsan lasang chicken, minsan beef, minsan naman lasang pakwan, pero kadalasan lasang palos yan pero never na lasang fish..

tawa naman ako ng tawa sa comment ni tita ayie, pati boobs eh sinamang lulutuin...tita wag na lang kasi magiging ginataang kinalabasang serena na yung recipe ni mmy-lei. ang alm kong dapat isama dyan eh palaka at mga snails na suso bwahahahaha

... may araw ka rin SAM!!!

By Blogger racky, at 11:40 PM  

buti na lang hindi ako kontrobersyal baka kasali rin ako sa billboard na yan este cd label pala hehehe!

close to you... akala ko close kayo ng ninang sirena, eh bakit ginagawa mong pulutan? ayan nagalit na tuloy. balita ko matindi daw kasi ang sumpa nyan, buti na lang si mam teks walang lahing sirena. :)

By Blogger Mistyjoy, at 6:15 AM  

Kulit talaga ni ungentle reader ano

By Anonymous Anonymous, at 7:10 AM  

pa hug na rin ...

ang fogi talaga ni SAM!!! ako ang bagong karibal ni dyesebel! :D

By Blogger kisses, at 7:13 AM  

ako na naman ang biktima dito?

By Blogger tekla, at 8:05 AM  

i-bilad mo kasi tapos saka prituhin (double dead ba!) para di ka na kulitin ng ungentle-reader mo. Samahan mo ng magic chants para sigurado.

baka gusto mo ng bato? ikukuha rin kita!

By Anonymous Anonymous, at 12:51 PM  

kakatuwa naman kathang-isip mo, KD.

***
serious to: idol mo ba sina Bea at John Lloyd?

By Anonymous malaya, at 1:30 PM  

maam teks.... binebenta ka na pala sa recto ni KD hehehe..

mapatingnan nga rin wheeww...

andyentol.... ayusin mo huh ppinahihirapan mo si KD eh

By Anonymous kneeko, at 1:50 PM  

nyahahahaha... hindi halatang hindi ka marunong mag tagalog. Meron namang nabibiling original VCD sa recto ah. pero ewan ko lang, hindi pa ako nakakapunta dun eh. hehe.

By Blogger phoebe, at 2:36 PM  

ungentle reader, sige papasundo na kita sa SWAT para dalhin sa iwahig nang mabawasan yang pagkakulit mo hehehe

By Blogger KaDyo, at 11:02 AM  

SSS, aantayin ko yan =P

By Blogger KaDyo, at 11:02 AM  

mistyjoy, hehe di naman kelangang maging kontrobersiyal para masama sa CD label, gusto mo gawan kita heehehe sino partner si fafa piolo ba =D

By Blogger KaDyo, at 11:04 AM  

anonymous, pagpasensyahan mo na si ungentle reader mabait naman yan pagka tulog hehehe

By Blogger KaDyo, at 11:05 AM  

tekla, hello maam my favorit titser hehehe

By Blogger KaDyo, at 11:05 AM  

malaya, salamat hehe hmmm di eh solid parin akong nora tirso bwahahaha. actually yung tita ni sam eh kaibigan namin dito at yun nga binigyan kami ng VCD ng bagong movie ni sam kaya ayun heheh

By Blogger KaDyo, at 11:07 AM  

kneeko, di ah di pwedeng ibenta si maam magagalit si ano hehe saka priceless ang VCD ni maam kung sakaling me pelikula sila hehe

bayaan mo yan me lambat din yan hehe

By Blogger KaDyo, at 11:09 AM  

phobe, meron nga ba heheh di ko rin kabisado eh nyhahaha akssyually

By Blogger KaDyo, at 11:10 AM  

hehe...kulit mo ^_^ seryoso pa ko nagbasa tapos kathang isip nakasulat sa dulo waaaaaa...

By Blogger lil _kath, at 12:42 PM  

Mgaling ang pelikula pero si Sam medyo alinlangan pa.. laging nasa phone ka ka linya hehhe!!! peace po!

By Blogger tutubing_karayom, at 2:52 AM  

ayoko kay bea..maarte.. ayoko kay john lloyd.. mayabang..hehehe

By Blogger VemSan, at 10:43 AM  

mang kadyo, hindi ko po ma view ang picture kaya hindi ako makareact. bakit ganun? :(

neweys, salamat sa mga encouraging words sa email at sa blog ko ha.

i-kumusta mo na lang ako sa iyong lovely wifey. :D

- noringai

By Anonymous Anonymous, at 6:17 AM  

Post a comment

<< Home