KaDyo

Tuesday, June 27, 2006

If a trainstation is where the train stops, what's a workstation?

galing sa aking TagBoard:
eravidaz: Nakidaan lang po bosing kadyo, pwede ba magtanung? barkada ko kasi magsa-saudi, lumabas na visa pero bakit ang validity nung nabasa ko eh 3 months lang samantalang 2 years daw kontrata nya? normal ba yun.

Dear eravidaz,

Salamat nga pala sa pagbisita mo sa aking blog at KD na lang tawag mo sa akin tutal bata pa naman ako at baby face pa hehehe.

Tungkol sa iyong katanungan para sa barkada mo na magpupunta dito sa gitnang silangan, normal lang yan kasi ang Employment Visa na tinatak sa kanyang pasaporte ay valid for 3 months. Ibig sabihin noon ay kailangan nyang makapasok dito within the validity of the visa. Eksampol; ang petsa na nakalagay sa kanyang passport ay June 10, 2006 mayroon sya na hanggang Sept. 9, 2006 para makapasok dito ng walang problema at walang kurot sa singit hehe, joke lang. Pag dating nya rito, ay ia-aaply naman siya ng kanyang employer ng "IQAMA" o residence at working permit at ito ay valid for 2 or 3 years.

Paki sabi na rin sa kaibigan mo na huwag kalimutang dalhin ang mga sumusunod na dokumento pag-alis nya:

1.) Passport (valid for at least six months, magpa-photo copy na rin sya ng ilang piraso)
2.) Employment Visa
3.) Health Certificate
4.) At least six passport-size photographs
5.) Mga iba pa nyang dokumento tulad ng transcript of records sa school, diploma at driving license (kung meron).
6.) Paborito nyang gamit na shampoo sa buhok (medyo matatapang ang mga brands dito)


Siyanga pala sabihin mo rin sa kaibigan mo na maraming bawal dito sa gitnang silangan at pinagbabawal ang pagdala ng mga sumusunod:
1.) Religious articles tulad ng biblia, crucifix, statues and other symbols (like mga anting-anting o basyo na bala ng baril).
2.) Mga pagkain na may sangkap na Karne ng baboy; sitsaron, tucino, ham, spam etc. May nabibihan naman dito medyo may kamahalan nga lang.
3.) Bagoong, itlog na maalat, tuyo o daing. Alam mo na naman na medyo maantot ang amoy ng mag pinoy foods na ito, sayang lang baka itapon lang nila ito sa basurahan. Marami naman kamo dito ng mga iyan, boy bawang nalang okay pa hehehe.
3.) Mga litrato ng mga sexy at nakahubad na babae o lalake (hindi naman nila itatapon ito, itatago lang nila hehe)
4.) Alak at droga (putol ulo pag nahulihan ka nito)
5.) Kung mayroon syang "prescription drugs" na dadalhin, siguraduhin nya na may dala rin syang sulat galing sa duktor nya.
6.) Pocket knife like swiss army knife.

Ang bansang ito ay ang pinaka-konserbatibo sa buong gitnang silangan at istrikto sila sa pagpapatupad ng kanilang mga batas. Alam mo ba na ten years ago bawal na makipag-interact o makipag-usap man lang sa public ang mga lalake sa mga babae lalo na kung hindi sila mag-asawa. Kapag nakita ng "mutawa" ay sa kalaboso ang tungo nyo. Nakabalot din ng "abaya" ang mga kababaihan dito, kadalasan ay mata lang at kamay ang makikita mo. Bawal naman sa lalake ang mahaba ang buhok at magsuot sa public ng shorts, sando, hikaw, kuwintas at iba pang burloloy sa katawan.
***
************
babaesamall.jpg

************
***
Sa ngayon medyo malaki-laki na rin ang mga pagbabago sa lugar namin na maituturing na kaluwagan na para sa mga expats na nagtatrabaho dito (marami pa rin sa bansang ito ang lugar na mahihigpit tulad na lang sa may parteng sentro at norte). May makikita ka na na babae at lalake na magkaholding hands (minsan lalake sa lakae pa nga eh hehe). Marami na rin kaming nakikita na kababayan na naglalakad sa labas na naka shorts lang. Bibilang pa siguro ng maraming taon bago tuluyan na magiging maluwag ang mga patakaran dito. Pero sa ngayon na maayos pa naman ang magtrabaho dito, isa parin ito sa mga "preferred" na destinasyon ng ating mga kababayan na nagnanais na kumita ng pera.
Sana eravidaz ay natugunan ko ang katanungan mo para sa iyong kaibigan at wag kamo nyang kakalimutan yung pasalubong ko boy bawang ha hehehe.

22 comment(s):

1st time kong pumunta d2 2002, antagal ko sa airport dahil kinalkal ang gamit ko tapos sa isang libro ang bookmark ko isang pocket prayer ba tawag dun... kaya kaya lahat ng gamit ko wasak... buti na lang di kinuha ang isang supot ng chicharong baboy hehehe...

ang usb, diskettes at cds check din nila kung may nakatanim na bomba o may nakasave na mga nakahubad or movies...

medyo luwag na nga... lalo na d2 sa amin dre... sinita nga kami dait ni master dahil nakashorts lang, kung walang pulis sasagutin pa sana namin ang mutawa eh hehehe.. may borloloy din ako... native anklet at bracelets.. pag may nagtatanong sa akin sabi ko para sa mga masasamang espiritu sa tabi tabi (sabay bulog, kautlod nyo) hahahaha...

tapos 2 weeks ago... nagpabili ako sa pinas ng bagoong, daing pusit, danggit, tuyo at dilis... mabuti na lang di sinita dala ng kumpare ko hehehe.... tyempo tyempo lang...

ano pa ba sasabihin ko? maiksi pa lang eh...
hmmmm cge na nga bukas naman ang iba...

By Anonymous kneeko, at 3:05 PM  

hahaha totoong payo at ako'y napahalakhak sa iang payo mo fafi pero totoo naman talga.
Naks fafi puhliis penge ng boy bawang pag may pasalubong sayo ha. kahit isang supot lang masaya na ang mundo ko nyan hahahha...

Pero teka lang ha, ang koolit mo saan kaba talga nag mana kay Josh? anong kuboz e framed mo hahahha fafi pag himatayin ako dito sa kakatawa managot ka kay fafa Jean. Mas ok yong plastic roses e dried mo bwahhaha.. loko loko ka talaga fafi.

By Anonymous ethel, at 5:14 PM  

KD,

alam mo madami ng pinoy na galing diyan ang ng migrate dito sa canada... grupo grupo din sila dito sa lugar namin. kayo po, kailan kayo mag-mi-migrate dito?

Grabe, pati bible/crucifix bawal magdala?

By Blogger JO, at 5:36 PM  

Hmmph, kunyari istrikto at konserbatibo sila pero pag nag abroad naman e puro babae at alak and habol. Parang mga unggoy na nakawala sa kulungan... nasgwawala.

By Anonymous snglguy, at 6:02 PM  

Jan ako bilib sayo pang barangay lang ang tanong pero ang sagot mo pang universal motion dancers.. bwahahha!!!
ang galing!!!

By Blogger tutubing_karayom, at 1:58 AM  

kilo delta, advising 10-8, regards kay mike alpha. oscar kilo na uli ako, balik blogging.

By Blogger atoy, at 3:42 AM  

bakit kasama sa list ang pocket knife?

By Anonymous major, at 7:35 AM  

naglipana mga ninja jan! di naman sila singkit...

buti pa dito konti nlang mga ninja, mga pangyabang nalang nila ang kanilang custume para i-respeto kuno sila, pero wag ka, kapag nasa bar, deretso muna sa cr at magtatanggalan ng mga custume at sabay wala sa dance floor.

tsk! tsk! tsk!

By Blogger Mmy-Lei, at 11:54 AM  

...lam mo ba, tinitigan ko pix ng mga babae sa mall, baka kase nas paligid lang si hubby at may ka holding hands hehehhe

...buti na lang at di pa totally maluwag jan dahil kundi malamang tagal na ako naagawan ng fafu. paki batukan na lang ha, pag nakita mong may kasamang chicks..

pagka batok mo sabay takbo kase for sure bibigyan ka nya ng flying kick at di ka na makakabangon ng diretso heheheh

By Blogger clown, at 5:58 AM  

Makabuluhan. Napapanahon. May paninindigan. (ngek, ginawang news report)....

Anyway, nakakatuwa dahil kayong mga bihasa na sa inyong larangan ay hindi kailanman nagkait ng tulong sa mga baguhan. :-)

By Blogger Rhada, at 7:54 AM  

kneeks, swerte mo di kinuha yung sitsaron kasi dito sa amin pag me nakita na ganyan tinatapon agad sa basurahan, yun namang bataan nila na indiyano kukunin sa basurahan tapos ibebenta sa mga kababayan natin hrehe.
Pansin ko ngayon na lahat ng mga bagahe ay dumadaan na sa x-ray pag medyo may suspetsa sila doon lang binubuksan yung bagahe.
me natira pa bang daing na pusit at danggit hehehe

By Blogger KaDyo, at 8:06 AM  

nang ethel, sige pag may nagpadala ng boy bawang papadalhan din kita kahit na isang platito lang hehe joke isang plastic bag hehehe

By Blogger KaDyo, at 8:12 AM  

JO, wow talaga hehe.

oo sa airport bawal pero yung mga bilihan ng mga jewelry dito hindi kasi sila mismo nagbebenta rin, pati nga mukha ni mama mary meron silang binebeta, patago nga lang =D

By Blogger KaDyo, at 8:36 AM  

snglguy, sinabi mo pa, sa bahrain nga sila yung magugulo at maiingay pag nakainom na kaya ayun ang dalas tuloy na napapa-away

By Blogger KaDyo, at 8:47 AM  

tubs, heheh pag universal motion dancers ba kala ko street boys hehehe

By Blogger KaDyo, at 9:32 AM  

fafa atoy, WHISKY ECHO LIMA CHARLIE OSCAR MAMA ECHO BRAVO ALPHA CHARLIE KILO FOXTROT ALPHA FOXTROT ALPHA ALPHA TANGO OSCAR YANKEE, HOTEL ECHO HOTEL ECHO HOTEL ECHO

By Blogger KaDyo, at 9:42 AM  

major, deadly weapon daw nangyari na kasi sa akin yan bago sumakay ng eroplano pauwi ng pinas me dala akong swiss army knife tapos sabi noong sa imigration bawal daw dalhin, buti na lang yung naghatid sa amin sa airport ay nandoon pa kaya naibigay ko pa sa kanya

By Blogger KaDyo, at 9:45 AM  

naku hindi pwede ako jan magwork.. bakasyon pwede pa...ndi pwdeng wala akong display na rosaryo/crucifix..naks! hehe

By Blogger VemSan, at 10:09 AM  

mmy-lei, sinabi mo pa. dito nga sa mga mall may family section yung kainan pag pasok mo doon daming mga babaeng nakatakblob sa una pero pag-kaupo nila sa lamesa tanggalan na ng takip sa ulo..hirap naman kasing kumain ng may maskara diba hehehe

By Blogger KaDyo, at 10:44 AM  

maam rems, sige po palakihin nyo picture baka sakaling masilayan nyo sya hehe.
akong balaha po pag nakita ko..ilang gusto nyong ipaabot ko sa kanya hehehe.
wag kayong mag-aalala sapagkat di aabot yung flying kick nya, sakaling umabot eh di naman ako tatablan, baka nga po sya yung di na makatayo matapos kong lagyan ng pulbos ang dibdib nya hehehe

By Blogger KaDyo, at 11:03 AM  

amen ako kay snglguy!

By Blogger j, at 12:33 PM  

KD ayos ah. informative blog mo. Mai-forward nga sa kapatid ko ang mga payo mo. Pupunta rin sya ng Saudi by mid-July as an optician. Salamat sa tips!

By Blogger watson, at 11:00 AM  

Post a comment

<< Home