KaDyo

Sunday, June 04, 2006

Tatlong Tanong ni Utoy

Nais ko lang pong ipalam sa inyo aking mga kablagkada na pansamantala muna akong magpapahinga....babalik din naman ako, di ko nga lang alam kung kailan. Malay nyo baka bukas, makalawa eh me post na rin akong bago....depende sa ihip ng hangin hehehe. Basta dadalawin ko pa rin naman kayo sa mga haus ninyo at makikipagkulitan.

In the mean time share ko sa inyo ito....

.... GOD bless you all....


******
Ang binatilyong si Utoy ay nagtungo sa ibang bansa upang mag-aral. Nang siya ay matapos, nagbalik siya sa kanilang bayan. Kinausap niya nag kanyang magulang at hiniling na ihanap siya ng isang eksperto sa larangan ng relihiyon o isang matalinong tao na maaring makakasagot sa kanyang tatlong katanungan.

Natagpuan naman ng kanyang magulang si ang taong hinahanap ng kanilang anak, si Marco at ito ay hinarap nila sa binata.

Utoy: Sino ka? Masasagot mo ba ang tatlo kong katanungan?

Marco: Ako’y isang mananampalataya Diyos at susubukan kong sagutin ang lahat ng iyong mga katanungan.

Utoy: Sigurado ka? Marami na akong napagtanungan na mga guro at mga eksperto pero ni isa sa kanila, walang nakasagot sa aking mga katanungan.

Marco: Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya.

Utoy: Eto ang aking tatlong katanungan...

1.) Mayroon ba talagang Diyos? Kung mayroon man, ano naman ang kanyang anyo?
2.) Ano ang tadhana?
3.) Kung ang demonyo ay ginawa mula sa apoy, bakit sa katapusan ng mundo siya ay itatapon sa impiyerno na ginawa din mula sa apoy. Sa palagay mo ba masasaktan ito gayung ang demonyo at ang impiyerno ay gawa mula sa apoy? Naisip ba ito ng Diyos?

Walang kaano-ano ay biglang sinampal ni Marco si Utoy.

Utoy (halatang nagulat at nasaktan sa pagkakasampal) : Bakit ka nagalit sa akin ?

Marco : Hindi ako galit. Ang sampal ay ang kasagutan sa tatlo mong katanungan.

Utoy: Hindi ko maintindihan.

Marco: Ano ang naramdaman mo matapos kitang sampalin?

Utoy: Siyempre masakit, muntik na na ngang matanggal ang mukha ko eh.

Marco: Naniniwala ka ba na nararamdaman ang sakit.?

Utoy: Oo naman.

Marco: Ipakita mo ngayon sa kin ang anyo ng sakit.

Utoy: Hindi ko kaya.

Marco: Yan ang sagot sa una mong katanungan. Lahat tayo nakakaramdam sa presensya ng Diyos gayong hindi natin nakikita ang kanyang kanyuhan. Kagabi sa iyong pagtulog, napanaginipan mo ba sasampalin kita?

Utoy: Hindi

Marco: Iyan naman ang tadhana, ang sagot sa ikalawang katanungan. Ang aking kamay na ginamit ko upang samplain ka, saan ito gawa?

Utoy: Gawa iyan sa laman.

Marco: Iyan namang mukha mo, saan iyan gawa?

Utoy: siyempre sa laman din, ano naman akala mo dito.

Marco : Ano ang naramdaman mo matapos kitang sampalin ?

Utoy: Masakit, siyempre.

Marco: Tama, at yan ang aking sagot sa ikatlo mong katanungan. Kahit na ang demonyo at ang impiyerno ay ginawa mula sa apoy kung gugustuhin ng Diyos, magiging isang malupit na lugar ang impiyerno para sa demonyo.

God said:”If you are ashamed of me, I will be ashamed of you."

18 comment(s):

so long, farewell, i hate to say goodbye

By Blogger Mmy-Lei, at 3:19 PM  

waaaaaa... alam ko kung san ka pupunta.. sa banyo... heheh! nasobrahan ka sa mga ulam ni Mmy Ann.. bwhehehhe!!

to ur entry:
tama lahat ng yan!! marami ng tlgang detractors si Lord, pinagdudugtong dugtong ang mga baluktot na kaalaman... parang ung araw at gabi, init at lamig.. naks! ewan kojan!

By Blogger tutubing_karayom, at 4:05 AM  

bahkeht!

By Anonymous lukin reloaded, at 10:35 AM  

mmy-lei, tooo longggg hehe

By Blogger KaDyo, at 10:59 AM  

T-K, naku tk masarap ang luto ni mmy ann mo ha at di nakakasakit ng tyan. papalamig lang sobrang init kasi ng weather nagyon sobrang humid hehehe.

hehehe ayus ang paliwanag mo =D

By Blogger KaDyo, at 11:01 AM  

fafa mark, pahinga ko lang ang pwet ko este isip ko hehe tambak ang load ko dito..tapos ano...basta hehehe

By Blogger KaDyo, at 11:03 AM  

happy hiatus mang kadyo..im sure you will be back soon..with a blast hehe..

By Anonymous analyse, at 12:50 PM  

Naku ha, ginulat mo ako sa pamamaalam mo yon pala next day ka uli mag popost hehehe hay salamat.

Sa post mo fafi KD ang ganda talaga.
As a child of God, Prayer is like calling home every day.Amen

By Anonymous ethel, at 2:32 PM  

wow, ganda ng template mo kuya :)
na link na kita ha :)

By Blogger j, at 10:38 PM  

ang saya saya naman ng entry mo. napaka inspriring. naitanong ko narin yan dati yung first question kaso hindi ko na hinanapan pa ng sagot. hehe. naniniwala naman kasi ako sakanya.

By Blogger phoebe, at 8:33 AM  

mang kadyo, bakit po? di bale, maghihintay kami sa iyong pagbabalik... ;)

-noringai

By Anonymous Anonymous, at 12:51 PM  

kung naniniwala ka
hindi ka na magtatanong
o maninibugho sa pinaniniwalaan mo.
tama ba, KD?

By Anonymous malaya, at 7:33 AM  

ang galing ng pansamantalang farewell entry mo. bigla akong natauhan, di na kailangang sampalin...

bakit magpapahinga ka sa pagblog? dalian mo lang ang bakasyon ha, mamimis ko mga post mo.. waaah!!!

By Blogger Mistyjoy, at 11:01 AM  

hehe ouch!

By Blogger VemSan, at 9:07 AM  

tagal mo nawala ah.... hehehehe...
ilang milliseconds din hehehe...

ang demonyo ba'y nag-iihaw din sa impyerno? mahilig din ba siya sa isda? ano kayang paborito niyang pagkain?hehehe

By Anonymous kneeko, at 9:19 AM  

fafi KD ala pang bagong post? mag post kana fafi may cobweb na 'tong post mo eh, nyaahhhh...

peace on earth fafi.

By Anonymous ethel, at 11:07 AM  

bloghopper: ang ganda ng storya. pedeng ipost sa blog? heheheh.

By Blogger Reggae Princess, at 10:08 AM  

ha ha ha ! Sobrang nakakatawa but with lesson talaga! Great!

By Anonymous Anonymous, at 12:46 PM  

Post a comment

<< Home