KaDyo

Friday, July 28, 2006

Meme ni Jane at Isa nang ring Kapuso

Meme na Jane

Galing po sa ating kaibigang insomniac na Jane ang meme na ito. Thanks Jairam =D.



If only I could:
Turn back the time to were it began….by Usher

If only I knew why:
summer here is sooo freakin hot and humid

If only I could meet:
PGMA, ill ask her so many questions

If only they didn't have:
greed & corruption

If only I could have a car:
I already have a chevy but it wouldn’t hurt to have a Porsche Cayenne Turbo S

If only I could have this age again:
4 or 5, yung pre-school years

If only this wish could come true:
walang mahirap at nagugutom sa mundo...

If I had a Million dollars I would buy these things:
Ducati SportTouring ST3 for me, my wisheart’s & kids wish lists

If only I could anything right now, I would eat:lydia’s letson de leche, relyenong bangus, fried rice & especial na halo-halo

If only I didn't have to eat:
naku magugutom ako.

If I could have one dream come true:
isang magaling na singer (hindi sewing machine ha hehe)

If only I could be:
more faithful to God

If I could meet one singer:
James Taylor

If I could meet one actor/actress, it would be:
Bill Cosby, love his comedy

If I could change one thing about me it would be:
mala-pandesal na abs (pero malapit na konting tiyaga pa hehehe)

If I could have one thing, I would have:
wala na siguro masayang masaya na ako with wisheart and our kids, pero kung bibigyan pa ako ng 100 million dollars okay lang hehehe

If only they didn't play this song on the radio:
....humanap ka ng panget at ibigin mong tunay

If I could go anywhere in the world, I would like to go to:
Disneyland wohoooo.
TK, Mmy-Lei, Tita Ayie, Gracita at Shasha... kayo naman inaantok na ako hehehe.

------***------

Isa nang ring KAPUSO


Dito sa gitnang silangan para mapanood namin ang palabas sa TV sa pinas na tulad ng ABS-CBN channel 2 ay kailangan naming magsubscribe sa TFC o Filipino channel. Ang isang taong subscription ay SR 746 ( almost P9,700) at installation fee na SR796 (almost P10,400) para sa decoder at satellite dish. Limited pa sa tatlong channels ang mapapanood mo (Channel 2, Pinoy Central at Studio23).




So nang mabalitaan namin na mayroon na ring GMA 7 dito ay nagpakabit na rin kami sa bahay. Bukod sa tatlong channels ng GMA (GMA Pinoy TV, PBO featuring movies at Pinoy Prime) ay kasama rin sa bundle ang CNN, ESPN, Music Now, Fashion TV, MGM, Animal Planet, Disney, Cartoon Network at marami pa. SR 200 lang ang installation fee at SR 89 naman per month ang subscription.

Kaya magmula ngayon hindi lang kami kapamilya, kapuso na rin hehehe





Saturday, July 22, 2006

Saan na nga bang' barkada ngayon...

Nagsimula ang lahat sa iskuwela. nagsama-samang' labingdalwa'.
Sa kalokohan at sa tuksuhan, hindi maawat sa isat-isa.
Madalas ang istambay sa capetirya. Isang barkada na kay' saya.
laging may hawak-hawak na gitara, konting hudyut lamang kakanta na.
kay simple lamang ng buhay 'non, walang mabibigat na suliranin.
prublema lamang laging kulang ang datung.
Saan na napunta ang panahon.
*
*
[Chorus:]
Saan na nga ba, saan nanga ba?
saan na napunta ang panahon.
Sa unang ligaw kayo'y magkasama, magkasabwat sa pambobola.
Walang sikreto kayong tinatago, O kaysarap ng samahang barkada.
nagkawatakan na sa kolehio, kanya-kanya na ang lakaran.
kahit minsanan na lang kung magkita, pagkaka-ibiga'y hindi nawala.
At kung saan na napadpad ang ilan,
sa dating iskwela'y meron' ding naiwan.
Meron' pa ngang mga ilang nawala na lang,
nakaka miss ang dating samahan.
*
*
[Chorus:]
Saan na nga ba, saan na nga ba?
saan saan na nga bang' barkada ngayon.
Ilang taon din ang nakalipas, bawat isa sa ami'y tatay na.
nagsusumikap upang yumaman, at guminhawang kinabukasan.
Paminsan-minsan kami'y nagkikita, mga naiwan at natira.
At gaya nung araw namin sa iskwela, pag magkasama ay nagwawala.
Napakahirap malimutan, ang saya ng aming samahan.
Kahit lumipas na ang iilang taon, magkabarkada parin ngayon.
*
*
[Chorus:]
Magkaibigan, magkaibigan magkaibigan parin ngayon.
Magkaibigan, magkaibigan magkabarkada parin ngayon.



Nagkakilakilala kami noon pang college days sa Baguio. Nagmula kami sa ibat' ibang probinsya ng Pilipinas; sa Tarlac, Pampanga, Ilocos, Bataan, Manila at Baguio City. Mula 2nd year hanggang mag-graduate ay magkakasama na kami sa kalokohan, sa inuman, sa lakwatsahan, sa kulitan, sa puyatan, sa paglalaro ng basketball, sa pagligawan at syempre sa kopyahan kapag exams hehe.

Si Cesar, yung pinakamakulit sa grupo, ang naka-isip ng pangalan ng grupo..."OKUTZ" (Hindi yan kinuha sa mga pangalan namin pero kung mahuhulaan nyo kung saan kinuha at bakit ay meron kayong libreng life-time gupit at re-bonding sa David Saloon-Middle east branch hehe)
Mula sa anim na miyembro ay naging 30 kami, isang buong klase na napakakukulit at kagugulo pero masaya kasi hanep ang bonding ng barkada kasi laging nagtutulungan at walang mga ere.





Okutz Founding members:
(not arranged po, hulaan nyo na lang kung nasaan ako):
Nelson, Cesar, Danny, Lops, Manny at yours truli.




After graduation ay madalang na kaming magkita-kitang magbabarkada maliban kay Cesar na nakasama ko pa dito sa gitnang-silangan ng ilang taon at sa ngayon ay nasa Canada na ang loko at doon nag-so-shovel ng isnow.

Noong nagbakasyon kami last 2002 ay nagkaroon ng reunion ang barkada sa Mega Mall. Konti lang ang dumating kasi yung iba ay naka-base na sa ibat' ibang bansa. As usual ang dami naming napag-usapan tungkol sa buhay-buhay. Alas onse ng gabi umuwi na ang tatlong girls pero kaming mga lalaki ay hanggang madaling araw ay nag-iinuman pa hehehe.

Saan na nga ba, saan na nga ba? Saan saan na nga bang' barkada ngayon...





Maga Mall 2002

From Left to Right: Manny (standing), Ariel, Marie, Grace, Chat, Nelson at Rostum. KD official photographer hehehe

Okay naman kahit na madalang ko na makita nag OKUTZ, nandyan naman ang blogkada na ubod din ng kukulit hehe. O inuman na.

Tuesday, July 18, 2006

Mainit ba talaga kuya?

Pasensya na muna kung medyo wala akong masyadong update, medyo busy naman ako sa trabaho. Kanina nga ay nagpunta ulit ako sa aming planta kasama ang aking "bossing".

Sa tinagal-tagal ko nang nagtatrabaho dito ay ngayon ko lang naranasan ang sobrang init ng araw, pakiramdam ko eh 52 degrees ang temperatura kanina. Panay reklamo nga ng mga kasama namin na mga german contractors, pakiramdam daw nila ay para silang iniihaw ng buhay sa tindi ng init. Sabi ko nga na hindi pa ito ang "peak" ng summer. Sabi tuloy noong isa na hindi na raw siya babalik ulit dito hehehe.

Bandang alas dos ng hapon ay bumiyahe ulit kami pauwi ng opis, at habang nasa daan ay nasalubong namin ulit ang mga hari ng disyerto. "KD, look, take some pictures and show them to your kids" sabi ni bossing. Eto ulit sila...








Kuha mula sa loob





Guard post sa gitna ng disyerto



Tuesday, July 11, 2006

You know you're living in the desert when you feed your chickens ice cubes to keep them from laying hard-boiled eggs.

Parte ng aking trabaho sa aking pinapasukang kumpanya dito sa gitnang silangan ay ang pagpunta-punta sa mga mga planta. Lahat ng mga pasilidad na ito ay nakatayo sa gitna ng disyerto at medyo may kalayuan sa mga siyudad. Ang pinakamalapit ay siguro mga 2 hours drive mula sa aming opisina at yung mga malalayo naman ay kailangan nang sumakay sa eroplano.

Noong nakaraang linggo ay nagpunta ako sa isa sa mga ito, ayoko sanang lumabas kasi sobrang init ng panahon ngayon at medyo may “sand storm” pa. Kaya lang talagang kailangang puntahan.

Pagdating ko doon, pinahinto ako ng arabong guardiya civil sa may security gate. Tinanong ako kung meron ba akong dalang digital Camera. Sabi ko “ma fi” na ang ibig sabihin ay anong pake mo este wala po bossing hehehe. “Fi camera phone?” tanong naman nya ulit. “Ay wa” sabi ko naman. Binigay ko sa kanya ang aking celphone kasi bawal daw ang mag-picture taking sa loob ng pasilidad. Sabi ko sa loob-loob ko; alam ko naman na bawal ang camera saka bakit naman ako magpipicture taking sa loob gayong wala naman makikitang kakaiba doon kundi puro turbina at makina lang.
Matapos ang aking pakay ay nagbalik na ako sa gate upang kunin sa mamang sekyu ang aking celphone at upang magbiyahe na pabalik ng opisina.

Habang bumibiyahe ay naisipan kong ilabas ang aking celphone upang kunan ang ilang mga tanawin upang mailagay sa aking blog at para naman makita ninyo kung ano ba ang itsura ng disyerto sa gitnang silangan.
Enjoy...

May mga bundok din dito



Kita ninyo na may "sand storm" kaya dapat dahan dahan lang pagmamaneho.



Disyerto pa rin





May sariling tawiran ang mga kamel dito.





Ang hari ng disyerto



Kamel sa likod ng pick-up truck

Tuesday, July 04, 2006

Ang Alumni Home Coming

Isang kwentong kathang isip mula sa tahanan ng isang Dyosa na pinasapasa hanggang matagpuan ang palasyo ng isang reynang tutubing-karayom na kahawig si Juday. At noong isang araw nga ay nakita ko sa aking pintuan ang isang balikbayan box na nagmula pa sa tate. Pagbukas ko ay hinahanap ko agad ang mga imported na sokolate, nike shoes, ipod nana este nano, t-shirts na hane, dvd at macademina nuts. Pinagpawisan na ang aking kilekile pero no luck, isang kapirasong sulat lang ang aking aking nakita…

Mechanics:
1. Nagsulat si Dyosa ng isang kwento, galing sa fairyland nya at umikot ikot na parang tsubibo ang kwento; sa bansang Hapon kay Ghee.Tapos naglakbay sa Pilipinas kay EV tapos nakarating sa palasyo ng tutubing -karayom sa guam hanggang nag-touch down sa one step at a time ng inyong abang lingkod.
2. itutuloy ko at kailangang hindi isulat ang naunang kwento.
3. mag-tag ng iba pang bloggers para madugtungan ang kwento.
4. sa mga na-tag, dudugtungan ang kwento base lamang sa sinulat ng nag-tag sa kanila.
5. bawal hanapin at basahin ang mga naunang kwento.

Ang ita-tag ko na magtutuloy naman nitong kwento ito ay walng iba kundi ang aking ninang sa Luxumberg na very artistic at mahilig sa color pink...si Ninang Ethel.

(Ang katapusan ay sa ika sampung(10)tag..ano kaya ang magiging wakas??Ok, katuwaan lang... at sana nga ay matuwa kayo....)

Ang Karugtong - Chapter 5

Paano ko nga ba sasabihin kay Kiko? Ano ba ang gagagawin ko para di sya mabigla sa aking isisiwalat na isang mapaait na pinagdaanan sa kamay ng isang berdugo. Napansin nya ang aking katahimikan, “O what is the matter with you? Is you fine over there” . Napangiti ako “Ikaw talaga alam mo kung paano ako patatawanin, okay lang ako pagod lang siguro ako at gusto ko nang magpahinga”. Binuhat niya ako sa kanyang malakas at maskuladong bisig at sinakay sa kanyang kalabaw na si “bantay”na nakasoga sa tabi lamang ng daan.
Habang binabaybay namin ang malubak at maalikabok na daan pauwi sa aming tahanan muling sumagi sa aking alala-ala ang lahat ng mga pangyayari: Araw noong ng Linggo nang makatanggap ako ng isang text message mula sa aking dating kaklase sa collage na si kneeko “Pards, ntnggp mo b ung invitation frm our skul n meron daw tayong Alumni Home coming next week at sa Baguio gaganapin, sama k b pls txt bak. u”
“Oo nman” text ko sa kanya. “Sige twgan mo na ibang barkada pra kumpleto tayo” sagot ulit ni kneeko.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at isa-isa kong tinawagan sina :

wisheart ann, Abaniko, Agring, Aileen, AL-Bj0rnstad, Analyse, Anap.s., Basey, Bats, Bethski, Big Daddi, Bing aka juliet, Bunsoy Jane, C saw, Candice, cEcilLe, Cruise, Darkblak, Darlene, Darna, Des, Diane, Din, Doc nikki, Donald & family, Duke, Eka, ELlen, Evi, Fafa Atoy, fa tanggerz, FlexJ, Ghie, Glo, Goryo4u, Harvey & grace, Hezel, Honeypooh, HusengBusabos, Icia, Intiendes, JAde, Jairam, Jaja, Jay david, Jey, jHo, Jim Paredes, JLois, Jo, Joan, Jologs Queen, JuLiUs kabalen, Justice, Kangel, Karen, Karen, Karmi, Karmi II, Kat, KAtriNa, Kring, Laureen, Lil _kath, Linchpin, Lojika, Major Kontrapelo, Mareng locamama (LM lights), MarhgiL, Mark da Pogi, Marni, MasterBetong, Mauie, Melai, Mika, Misty, Joy, mOmmy lei, myepinoy, No.88 ElLa RoSe, Noemi, noreen, Owenfv, Patrice, Patricia, Pie, pinoy atbp, Pipay, Plue, pObs, Rachel, Raquel, Raquel II, RhadaRob, RougeMaxi, ROyCe, Sasha, Sasha, sassy lawyer, Shadow lane, Single guy, Starrfish, Steph, Teacher kai, Teacher Sol, VEm SaN, WatsOn, Wendy, Wengwifely steps, YEyE, ^suplada ^



Matapos na ma-confirm ko na kumpleto ang barkada, tinawagan ko agad si kneeko para ikwento ang magandang balita. “Pards okay na sasama raw silang lahat kya ihanda mo na yung sasakyan natin”. “No problemo ako na bahala dyan, ipapahanda ko yung mga greyhound buses namin, okay na ba yung 10 bus? pati pala yung rest house namin sa baguio ipapahanda ko na para doon na tayo tutuloy” sabi ni kneeks. “Okay na yung sampu, saka anong rest house, mansyon kamo masyado ka talagang humble hehe, sige kita kits next week”.

Dumating ang araw na iyon at nakarating kami ng Baguio nang maayos. Dumiretso kami sa mansyon ni kneeko at pinakakain kami at tuloy nagpahinga. Bandang alas-sais ng gabi ay tinungo namin ang camp john hay kung saan ginanap ang alumi homecoming. Masaya ang naging okasyon, nakita namin ang aming iba pang mga kaklase na galing pa ng ibang bansa nandoon sina:
Pinkrose, Pinkysteph, Niceheart, Mang Kulas, Juana, Toe, Carlota, Cielo, Genpot, Ghee, Ghie, Manongbidoy, Mayshella, Mikmik, Miko, Mouse, Obi, Kiwinoy, Jenn, Jhay, Jhezper, JoJoweine, Eden, Anie, Bulitas, Cielo, Roanne


Naroroon din ang aming nga peborit professors na sina maam rems, maam tekla. Ang mga terror at machong teachers na sina maam phobe at maam ruthing. Namataan ko rin ang aming dean na hanggang ngayon ay babing-baby face parin si dean KU.


Matapos ng mahabang kwentuhan, tawanan at biruan, umuwi ang buong barkada na may ngiti sa aming mga labi. Pagdating sa mansyon ay tinuloy namin ang kasiyahan di mabilang na bote ng red wine at san mig light ang nilabas ni kneeko. Buong magdamag kaming na nag-inuman. Sa sobrang kalasingan di ko namalayan kung ano ang sumunod na mga pangyayari.
Nang ako ay magising laking gulat ko sapagkat nakagapos ang aking dalawang kamay at dalawang paa sa mga poste ng kama. Saan ako naroron? Bakit ako nakagapos? Sinubukan kong sumigaw, ngunit may nakabusal pala sa aking bibig na kapirasong tela. Nasaan ako? Isa ba itong panaginip? Maya-maya pa ay nagbukas ang pintuan ng kwurato. Tumambad ang isang lalaki na ngayon ko lamang nakita sa tanang buhay ko. Lumapit siya sa akin, umupo sa gilid ng kama at ako ay kanyang hinaplos sa buhok at hinalikan ang aking pisngi. Nagpipiglas ako, gusto kong makawala sa aking pagkakatali. Maya-maya pa ay isang namang babae na nakaputi ang pumasok sa kwurato at may kung anong tinurok sa aking braso. Nakaramdam ako ng panghihina, di ako makakilos. “Huwag ka nang magpipiglas, lalo ka lang masasaktan. Ako nga pala si Dr. Binoy hindi mo ako kilala pero matagal na kitang sinusubaybayan. Isa akong masugid mong tagahanga.
Itutuloy.....bitin ba hehehe si ninang ethel na lang ang bahala dyan hehehe