KaDyo

Tuesday, July 04, 2006

Ang Alumni Home Coming

Isang kwentong kathang isip mula sa tahanan ng isang Dyosa na pinasapasa hanggang matagpuan ang palasyo ng isang reynang tutubing-karayom na kahawig si Juday. At noong isang araw nga ay nakita ko sa aking pintuan ang isang balikbayan box na nagmula pa sa tate. Pagbukas ko ay hinahanap ko agad ang mga imported na sokolate, nike shoes, ipod nana este nano, t-shirts na hane, dvd at macademina nuts. Pinagpawisan na ang aking kilekile pero no luck, isang kapirasong sulat lang ang aking aking nakita…

Mechanics:
1. Nagsulat si Dyosa ng isang kwento, galing sa fairyland nya at umikot ikot na parang tsubibo ang kwento; sa bansang Hapon kay Ghee.Tapos naglakbay sa Pilipinas kay EV tapos nakarating sa palasyo ng tutubing -karayom sa guam hanggang nag-touch down sa one step at a time ng inyong abang lingkod.
2. itutuloy ko at kailangang hindi isulat ang naunang kwento.
3. mag-tag ng iba pang bloggers para madugtungan ang kwento.
4. sa mga na-tag, dudugtungan ang kwento base lamang sa sinulat ng nag-tag sa kanila.
5. bawal hanapin at basahin ang mga naunang kwento.

Ang ita-tag ko na magtutuloy naman nitong kwento ito ay walng iba kundi ang aking ninang sa Luxumberg na very artistic at mahilig sa color pink...si Ninang Ethel.

(Ang katapusan ay sa ika sampung(10)tag..ano kaya ang magiging wakas??Ok, katuwaan lang... at sana nga ay matuwa kayo....)

Ang Karugtong - Chapter 5

Paano ko nga ba sasabihin kay Kiko? Ano ba ang gagagawin ko para di sya mabigla sa aking isisiwalat na isang mapaait na pinagdaanan sa kamay ng isang berdugo. Napansin nya ang aking katahimikan, “O what is the matter with you? Is you fine over there” . Napangiti ako “Ikaw talaga alam mo kung paano ako patatawanin, okay lang ako pagod lang siguro ako at gusto ko nang magpahinga”. Binuhat niya ako sa kanyang malakas at maskuladong bisig at sinakay sa kanyang kalabaw na si “bantay”na nakasoga sa tabi lamang ng daan.
Habang binabaybay namin ang malubak at maalikabok na daan pauwi sa aming tahanan muling sumagi sa aking alala-ala ang lahat ng mga pangyayari: Araw noong ng Linggo nang makatanggap ako ng isang text message mula sa aking dating kaklase sa collage na si kneeko “Pards, ntnggp mo b ung invitation frm our skul n meron daw tayong Alumni Home coming next week at sa Baguio gaganapin, sama k b pls txt bak. u”
“Oo nman” text ko sa kanya. “Sige twgan mo na ibang barkada pra kumpleto tayo” sagot ulit ni kneeko.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at isa-isa kong tinawagan sina :

wisheart ann, Abaniko, Agring, Aileen, AL-Bj0rnstad, Analyse, Anap.s., Basey, Bats, Bethski, Big Daddi, Bing aka juliet, Bunsoy Jane, C saw, Candice, cEcilLe, Cruise, Darkblak, Darlene, Darna, Des, Diane, Din, Doc nikki, Donald & family, Duke, Eka, ELlen, Evi, Fafa Atoy, fa tanggerz, FlexJ, Ghie, Glo, Goryo4u, Harvey & grace, Hezel, Honeypooh, HusengBusabos, Icia, Intiendes, JAde, Jairam, Jaja, Jay david, Jey, jHo, Jim Paredes, JLois, Jo, Joan, Jologs Queen, JuLiUs kabalen, Justice, Kangel, Karen, Karen, Karmi, Karmi II, Kat, KAtriNa, Kring, Laureen, Lil _kath, Linchpin, Lojika, Major Kontrapelo, Mareng locamama (LM lights), MarhgiL, Mark da Pogi, Marni, MasterBetong, Mauie, Melai, Mika, Misty, Joy, mOmmy lei, myepinoy, No.88 ElLa RoSe, Noemi, noreen, Owenfv, Patrice, Patricia, Pie, pinoy atbp, Pipay, Plue, pObs, Rachel, Raquel, Raquel II, RhadaRob, RougeMaxi, ROyCe, Sasha, Sasha, sassy lawyer, Shadow lane, Single guy, Starrfish, Steph, Teacher kai, Teacher Sol, VEm SaN, WatsOn, Wendy, Wengwifely steps, YEyE, ^suplada ^



Matapos na ma-confirm ko na kumpleto ang barkada, tinawagan ko agad si kneeko para ikwento ang magandang balita. “Pards okay na sasama raw silang lahat kya ihanda mo na yung sasakyan natin”. “No problemo ako na bahala dyan, ipapahanda ko yung mga greyhound buses namin, okay na ba yung 10 bus? pati pala yung rest house namin sa baguio ipapahanda ko na para doon na tayo tutuloy” sabi ni kneeks. “Okay na yung sampu, saka anong rest house, mansyon kamo masyado ka talagang humble hehe, sige kita kits next week”.

Dumating ang araw na iyon at nakarating kami ng Baguio nang maayos. Dumiretso kami sa mansyon ni kneeko at pinakakain kami at tuloy nagpahinga. Bandang alas-sais ng gabi ay tinungo namin ang camp john hay kung saan ginanap ang alumi homecoming. Masaya ang naging okasyon, nakita namin ang aming iba pang mga kaklase na galing pa ng ibang bansa nandoon sina:
Pinkrose, Pinkysteph, Niceheart, Mang Kulas, Juana, Toe, Carlota, Cielo, Genpot, Ghee, Ghie, Manongbidoy, Mayshella, Mikmik, Miko, Mouse, Obi, Kiwinoy, Jenn, Jhay, Jhezper, JoJoweine, Eden, Anie, Bulitas, Cielo, Roanne


Naroroon din ang aming nga peborit professors na sina maam rems, maam tekla. Ang mga terror at machong teachers na sina maam phobe at maam ruthing. Namataan ko rin ang aming dean na hanggang ngayon ay babing-baby face parin si dean KU.


Matapos ng mahabang kwentuhan, tawanan at biruan, umuwi ang buong barkada na may ngiti sa aming mga labi. Pagdating sa mansyon ay tinuloy namin ang kasiyahan di mabilang na bote ng red wine at san mig light ang nilabas ni kneeko. Buong magdamag kaming na nag-inuman. Sa sobrang kalasingan di ko namalayan kung ano ang sumunod na mga pangyayari.
Nang ako ay magising laking gulat ko sapagkat nakagapos ang aking dalawang kamay at dalawang paa sa mga poste ng kama. Saan ako naroron? Bakit ako nakagapos? Sinubukan kong sumigaw, ngunit may nakabusal pala sa aking bibig na kapirasong tela. Nasaan ako? Isa ba itong panaginip? Maya-maya pa ay nagbukas ang pintuan ng kwurato. Tumambad ang isang lalaki na ngayon ko lamang nakita sa tanang buhay ko. Lumapit siya sa akin, umupo sa gilid ng kama at ako ay kanyang hinaplos sa buhok at hinalikan ang aking pisngi. Nagpipiglas ako, gusto kong makawala sa aking pagkakatali. Maya-maya pa ay isang namang babae na nakaputi ang pumasok sa kwurato at may kung anong tinurok sa aking braso. Nakaramdam ako ng panghihina, di ako makakilos. “Huwag ka nang magpipiglas, lalo ka lang masasaktan. Ako nga pala si Dr. Binoy hindi mo ako kilala pero matagal na kitang sinusubaybayan. Isa akong masugid mong tagahanga.
Itutuloy.....bitin ba hehehe si ninang ethel na lang ang bahala dyan hehehe

44 comment(s):

Hahahahha.. graveeh ang haba ng kwento buong blogworld ah! Pero, juiceko baket ako pa, sa dina dami mong fans ako pa ang pinili mo fafi,..swerte ka at naubusan ng bala tong bazooka ko.

Hhhmmfft! gaganti ako,. may araw ka rin na maging bukas at gabi. :) tandaan mo yan fafi! haha...

By Anonymous ethel, at 11:58 PM  

langya KD, pinatanda mo naman akong masyado. ginawa mo pa akong dean. at may pagka brokeback mountain din ang kwento mo. bakit ba obssess ka yata sa BBM? hahaha

By Blogger Ka Uro, at 12:07 AM  

Waaaaaaa... naloloka na ako... baka sa mental ang bagsak ko nito... hehe!!

Salamat at nadugtungan mo ng maganda ang ating kwento.. nawa nga ay kinapulutan ito ng aral.. at ng hindi tayo mapulot sa kangkungan ne!

Marami ang matutuwa dahil nakaraming extra dito... hehe!! Antayin nmin si Ethel para ituloy ang nabitin na... kidnapping??? hehe

By Blogger tutubing_karayom, at 2:19 AM  

yehey!!! extra din ako sa pelikula este sa nobela nila... ang ganda ng kwento mo KD. nyehehe! kinidnap sa sobrang kalasingan ha.. sino kayang nagkainteres sa kagwapuhan ng bida? lol!

By Blogger Mistyjoy, at 6:08 AM  

heheheheeh ang walang kamatayang paglalagay ng mga linkage sa entry ..di ka ba napapagod nun tito KD? hehehehe parang kakatamad yun copy and paste ng copy and paste ng href from template lol!!!..sipag sipag mo naman .... at tipong hmmnnn x-rated ba kasunod o ..wala lang?? lol!! hirap ng bitin grabeh!

By Anonymous melai, at 8:22 AM  

reunion to the max pala blogkada dito!!!

hmmmm, pati ba naman sa reunion natin eh sumali pa yang stalker mo! sure ka bang stalker o baka naman may nakaraan kyong dalawa... bwahahahahaha!

lagot ka kay tita ann!!!

By Blogger Mmy-Lei, at 8:42 AM  

hahahhahaha dre.... may bago pa akong mansyion na pinatayo sa gitna ng session road... may tunnel sa gitna dun dumadaan ang mga sasakyan hahaha..

ayusin natin yang homecoming ng blogkada next year hehehe...

nakahubo ka ba habang nakagapos nyahahahha

By Anonymous kneeko, at 10:27 AM  

from comedy to suspense thriller, aus ah. gusto ko ung pangalan ng kalabaw, BANTAY, astig!

nyahahah! at mukhang me x-rated scene pa nga. tama si melai, ang tyaga mo maglagay ng links...

kaya lang naguguluhan yung ibang reader. kala nila ikaw ang bida kaya kala nila brokeback. di pwedeng mangyari un.babae kase ang binuild up ni tk sa last chapter. dapat alam nila na author ka lang.

kelan kaya ang tunay na reunion ng pinoy bloggers? masaya un!

By Anonymous lojik, at 10:54 AM  

wow, from tabing-ilog cast to the blogging world! tatlong magkakaibang genre ang pinatunguhan ng blogovella. X na X! HAHAHA!!!

By Blogger riadiosa, at 11:08 AM  

aus sa kwento kuya ah.. :) hehehe.. kakaaliw.. sino kaya ung Dr. Binoy? hmmmmm....

inuman to ulit.. ang saya nga siguro nun kuya.. kung magkikita-kita taung lahat!!! :)

By Blogger karmi, at 1:01 PM  

hahaha!nahilo akohhh,ang daming characters,akala ko wala yung name,na extra din pala!

hmmm,mukhang magiging aksyon to ah!

ano kaya ang mangyayari sa kwento sa kamay ni Ethel? :)

salamat,makopya nga.. :)

By Blogger ghee, at 1:11 PM  

nang ethel, buti na lang naubos yung bala ng bazooka mo kundi mata ko lang ang walang latay hehehe. kaya mo yan ninang ikaw pa galing mo ngang magkwento eh wag lang sasamahan ng ututan siryus na ang dating. So aabangan na lang namin ang next chapter of the story ha..wag ka muna babakasyon heheh

By Blogger KaDyo, at 2:48 PM  

fafa KU, di naman meron naman na dean na bata pa ah. heheh sinuman mo kasi ayan tuloy bwhahaha, dapat pala ikaw ang nagtuloy ng nmga susunod na chapter hehehe

By Blogger KaDyo, at 2:51 PM  

tubs-bee, easy hehe wawa si fafa piolo pag napunta ka sa mental hehehe. salamat naman at nagustuhan mo hehe masarap naman ang kang-kong ah lalo na yung inadobo hehehe.
home coming nga ng blogkada heheh

By Blogger KaDyo, at 2:53 PM  

mistyJoy, hehehe actually mas mahaba pa sana yung kwento ko at sa kwento si Dr. Binoy ay na-inlab sa kanya kaya ay binago ang kasarian nya at ginawa syang isang babae--, ngunit matapos ang kanilang pag-uusap nasiraan ng bait si Dr. Binoy ay pinalaya sya. Nagbalik sya ngayon sa bahay ni Kneeko at doon nailab sa kanya si KU na nandoon ng oras na yun, nagkainlaban sila at doon sya nabuntis bwahahaha. pinutol ko lang kasi ayaw ni ninang ethel ng mahabang kwento eh hehehe

By Blogger KaDyo, at 3:06 PM  

melai, sabi nga pag walang tiyaga walanghalo-halo hehehe. abangan natin yung next chapter ni ninang ethel baka singitan nya hehehe

By Blogger KaDyo, at 3:08 PM  

...hehe haba nyan KD kala ko wala nang katapusan ^_^ galing mo naman gumawa ng kwento...kumpleto rekado!

..timbrehan nyo nalang ako pag-paalis na ok? nood muna ko soccer :P

cheers,
-kathy-

By Blogger lil _kath, at 6:12 PM  

bakit ndi ako tinext ha???!!! hehehe.... hala-hala... ang ganda naman!! anu kaya ang susunod na kabanata???! excited na ako!! yiheeee....

By Blogger rHo, at 8:27 PM  

uy, suspense! hahaha

grabe, i can't wait to read the whole thing. ipa-publish din yun di ba? once that 10th tag is done? ang galing!!!

pahabol: Mr. KD...paki-update po ng link ko. sorry, hindi ko kasi kayo nasabihan eh. tenk yu po nang marami.

By Blogger Des, at 10:38 PM  

...sabi ni KU BBM eh naku part 2 yata at may kahalo pang S&M wow! Dagdag pa ni pareng Kneeko kung "hubo" daw si KD wa-a-ah! Pasaan na pupunta ang kwento? XXXXXXX

By Blogger Royce, at 10:41 PM  

oopppsss...extra pa pala ako doon...hehehe...salamat po!

ang galing ng pagkakasulat...saludo po!

By Blogger idealpinkrose, at 3:42 AM  

yehey extra ako sa kwento!

By Blogger watson, at 7:38 AM  

hahaha extra ako eh!

By Anonymous vemsan, at 7:48 AM  

hahahahah....galeng galeng naman. Kala ko tatapusin mo na, sobrang haba kase.

Hmmm...ano kaya ang wakas nito? At ano naman kaya ang takbo ng pag iisip ni Ms. Ethel sa susunod na chapter?

By Blogger clown, at 10:41 AM  

nakakatuwa naman to... san kaya hahantong ang nobela? at invited pa ko..

By Blogger Analyse, at 4:33 PM  

Bosing, myepinoy, present po.
magaling ka magkwento. Bilib ako sa mga segwey mo. Akalain mo mailagay mo dito halos lahat ng tao sa lahat ng global barangays ng Pilipinas.

Magaling!

Salamat sa imbitasyon.

Nga pala, bago na bahay ko. Nadedo kasi yong webhost, pati blog ko kasama na r.i.p.

By Anonymous myepinoy, at 12:16 AM  

hahahahhaha!ang saya!!!si tk pasimuno nito kaya naging komedi...lagot!!pero ang galing!!!keep it up mang KD!

By Blogger ev, at 10:23 AM  

nakakaloka!baka nga sa mental ang bagsak ng bida nito!hehehehe

By Blogger ev, at 10:24 AM  

hahaha kumpleto ang casting!! tiyak na mahal ang production cost nito...
:-)

By Blogger Rhada, at 9:16 PM  

aba kadyo, bakit naman ako'y hindi mo tinawagan? sali naman ako dito sa homecoming :D

By Blogger sasha, at 11:49 AM  

<==jologs wave==>
at eto pala meron din?

kabit kabit na story.

andami ng chapter ah

By Blogger JoLoGs QuEeN, at 10:23 AM  

mmy-lei, Oo kaya handa mo na yung 2 piece mo kasi tutuloy ang blogkada sa beach after the home cominh hehehe.
hehe ikaw talaga para kang si boy abunda kung magtanong...o si kris kaya hehehe

By Blogger KaDyo, at 6:56 AM  

kneeko, dati mo nang mansyion yan yung bago nasa batanes yata yun hehe.
kaya nga ihanda mo na yung mga mansyon mo para sa reunion ng mga blogkada

hinde nakahubad naka spandex lang =D

By Blogger KaDyo, at 6:59 AM  

lojik hehe kalabaw na bantay ang pangalan ay pusa na "spot" heheeh, ty sa ha at naibigan mo istori antayin natin yung ending nalapit na yata eh.

actually yung chapter ko medyo me kahabaan talaga at tinalakay kung paano si dr. binoy ay nabighani sa bidang lalaki at dito nga ay inoperahan nya for a sex change upang maging isang ganap na babae. pinutol ko na lang yung istori kasi sobrang haba na baka wla nang magbasa hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:06 AM  

riadiosa, hehe oo nga star studded kasi yung kay TK kaya naisipan ko na kailangang higitan pa kaya mga blogkada ang pinili ko na mga gumanap =D

By Blogger KaDyo, at 7:07 AM  

karmi si dr. Binoy pede nating gawin na si kumpare yan para kasama sya sa kwento kahit di sya blogger hehehe.

Oo inuman na , sana mga matuloy ang reunion in the future =D

By Blogger KaDyo, at 7:22 AM  

tita ghee hehe pasensya ka na kung nahilo ka ha pati ako nahilo din eheheh

abangan natin yung mga susunod na pangyayari siguradong hit 'to hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:26 AM  

lil _katyaaaa said...
hehe thank you sa comment mo, bayaan mo baka gawin itong libro tapos bibigyan lahat ng blogkada ng kopya hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:30 AM  

rHo-aNne, di ba nakarating ang text message sa iyo? pero pinapuntahan ka naman ni kneeko sa kanyang driver para sunduin..siguro nagshopping k alng hehee.

salamat ha =D

By Blogger KaDyo, at 7:34 AM  

Des malapit nang ngang matapos na kay mmy-lei na ang bola kaya sya ngayon gagawa ng chapter 9 yata hehe
ok sige update ko =D thanks

By Blogger KaDyo, at 8:42 AM  

salamat mang kadyo! kasali pala ako sa grand reunion ng blogworld!

By Blogger mouse, at 9:50 AM  

Royce sinimulan kasi ni fafa KU kaya ayun hehe welocome back pakner..musta ang bakasyon mo, buti umabot ka sa home coming hehe

By Blogger KaDyo, at 10:32 AM  

kumpleto nga ang barkada ah, grabe katiyaga mo Koya ko :)

By Blogger j, at 7:43 PM  

Wow! Sana nga magkatotoo yang reunion na 'yan. May libre ba kong pamasahe papuntang bagyo? :) Salamat sa pag-imbita! :)

By Anonymous Toe, at 5:24 PM  

Post a comment

<< Home