KaDyo

Tuesday, July 18, 2006

Mainit ba talaga kuya?

Pasensya na muna kung medyo wala akong masyadong update, medyo busy naman ako sa trabaho. Kanina nga ay nagpunta ulit ako sa aming planta kasama ang aking "bossing".

Sa tinagal-tagal ko nang nagtatrabaho dito ay ngayon ko lang naranasan ang sobrang init ng araw, pakiramdam ko eh 52 degrees ang temperatura kanina. Panay reklamo nga ng mga kasama namin na mga german contractors, pakiramdam daw nila ay para silang iniihaw ng buhay sa tindi ng init. Sabi ko nga na hindi pa ito ang "peak" ng summer. Sabi tuloy noong isa na hindi na raw siya babalik ulit dito hehehe.

Bandang alas dos ng hapon ay bumiyahe ulit kami pauwi ng opis, at habang nasa daan ay nasalubong namin ulit ang mga hari ng disyerto. "KD, look, take some pictures and show them to your kids" sabi ni bossing. Eto ulit sila...








Kuha mula sa loob





Guard post sa gitna ng disyerto



28 comment(s):

Hello KD.

Talagang mainit, sa mga pic pa lang kitang-kita na. Ngiiiii!!! parang mamamatay din ako sa ganyang init.

By Blogger Lani, at 1:39 AM  

mukha nga napaka-init. yung guard post, may aircon kaya?

By Blogger Ka Uro, at 4:20 AM  

sana pati mukha ng boss mo pinityuran mo narin... hehe! nakisilip ano!!

By Blogger tutubing_karayom, at 6:56 AM  

buti nalang walang sandstorm at nakunan mo mga hari!

eh yung isang hari nanjan ba?

By Blogger Mmy-Lei, at 8:16 AM  

kala ko kayo yung sakay ng camel..hehe! yung guard dun sa post, good morning din kaya yung towel na pamunas nila ng pawis? hehe, wala ba halo-halo dyan sa daan?

By Anonymous major, at 9:23 AM  

grabe naman, 52°C!!! aba, dito, at 34°C me namamatay ng mga oldies, naka-orange alert na nga certain regions dito because of the scorching heat e. tibay nyo. i guess the highest temp i experienced was at 45°C when we visited death valley in the USA, feeling ko nun daing na ko hahahaha..

By Anonymous analyse, at 11:45 AM  

Ice coffee gusto mo????? Pampabawas ng init.

You're Hot! really Hot! :)

By Blogger Flex J!, at 11:57 AM  

in fairness, mas malamig dito kesa jan. ang pinaka mataas na ata na nakita kong temperature is 47deg. mapapaso ka sa steering wheel ng kotse sa sobrang init! ang hirap sumakay sa kotse kasi nakababad sa arawan dahil wala naman covered parking dito.

pero sa tagal mo sa saudi, eto na ba talaga ang pinaka-mainit?

By Blogger gracita, at 1:48 PM  

mainit nga diyan...dito naman kababagyo lang.

ingatan na lang po natin ang ating kalusugan at ng mga tsikiting.

By Blogger ken, at 2:31 PM  

Awww... grabeh talaga ang init jan, naranasan ko rin ang init na ganyan, dalawang minuto lang sa labas talagang naliligo kana sa pawis mo hehhe...

By Anonymous ethel, at 11:29 AM  

Kadyos ng Tres Muskiteros, dapat may baon kang yelo tapos ilagay mo sa iyong inuupuan magaling na ang nagsisiguro baka kasi maging hard boiled mahirap na!
Ur pardner Atos, Tres Muskiteros, Caballeros (Kadyos), Gimikeros(Uros), Palikeros (Atos), Knight of Kulambos, Laging Outside Da Kulambos.

By Blogger atoy, at 11:52 AM  

pikturs pa lang ang init na... *whew*....

By Anonymous karmi, at 11:59 AM  

Camels crossing??!! Wow, ibang klase 'yon! :)

By Anonymous Toe, at 2:55 PM  

Pre, palitan mo na iyang Chevy nyo ng SUV at lumalaki na ang mga bata. H3 kaya tulad noong kina gracita - ang gara!

By Anonymous royce, at 12:46 AM  

lani, grabe nga init, ngayon naman eh medyo humid na kaya ang hirap lalong lumabas =D

By Blogger KaDyo, at 9:23 AM  

fafa KU, hindi tatagal ang guard fafi kung walang AC, yun ngang iba na guard post na mas maliit pa dyan (1x1 meter) eh may AC din na nakakabit.

By Blogger KaDyo, at 9:25 AM  

tubs-bee, mahiyain si bossing eh hehehe bayaan mo next time kukunan ko sya ng stolen shot =D

By Blogger KaDyo, at 9:26 AM  

Mmy-Lei, meron pa rin pero di na masyado. Di ko pa nga nakunan yung humarang sa kotse namin eh, astig talaga hehehe

By Blogger KaDyo, at 9:32 AM  

Mmy-Lei, meron pa rin pero di na masyado. Di ko pa nga nakunan yung humarang sa kotse namin eh, astig talaga hehehe

By Blogger KaDyo, at 9:32 AM  

analyse, noong bago pa lang ako dito medyo hirap din ako pero sa katagalan parang nasanay na hehe. 45? normal summer temperature dito yan hehe

By Blogger KaDyo, at 9:35 AM  

fafa Flex J, salamat sa ice coffee, nakabawas nga hehehe

By Blogger KaDyo, at 9:37 AM  

Gracita, talaga di pa umaabot ng 50 degrees dyan. Hirap talaga kasi wala ring covered parking kotse ko sabahay, pag nasa opis okay kasi may covered parking pero pag weekend naku nakabilad sa araw at pag kailangang lulabas ng bandang tanghali lahat ng hawakan sa kotse parang nagbabaga sa init hehehe.

as far as i can remember pero di ko rin sure kasi lagi naman ako sa loob ng opis eh hehe

By Blogger KaDyo, at 9:42 AM  

ken, salamat po sa paalala =D

By Blogger KaDyo, at 9:43 AM  

Ninang ethel, tama ka, kahit na nakatayo ka lang eh tutulo ang pawis mo. musta ang vacation nyo =D

By Blogger KaDyo, at 9:45 AM  

Fafa atoy, hehe di naman kaya mabugok ang itlog kung yelo ang ilalagay hehehe
Ur pardner Atos, Tres Muskiteros, Caballeros (Kadyos), Gimikeros(Uros), Palikeros (Atos), Knight of Kulambos, Laging Outside Da Kulambos.

By Blogger KaDyo, at 9:47 AM  

Mareng karmi, oo nga hehehe

By Blogger KaDyo, at 9:51 AM  

major, di ako nakasakay si kneeko yun hehehe. canon ang gamit daw ni mamamng guard hehehe. di available sa desert ang dessert na sinabi mo hehehe

By Blogger KaDyo, at 9:55 AM  

Toe hehe oo nga onli ni saudi hehe


royce, oo parkner astig yung H3 nina grace

By Blogger KaDyo, at 10:22 AM  

Post a comment

<< Home