KaDyo

Saturday, July 22, 2006

Saan na nga bang' barkada ngayon...

Nagsimula ang lahat sa iskuwela. nagsama-samang' labingdalwa'.
Sa kalokohan at sa tuksuhan, hindi maawat sa isat-isa.
Madalas ang istambay sa capetirya. Isang barkada na kay' saya.
laging may hawak-hawak na gitara, konting hudyut lamang kakanta na.
kay simple lamang ng buhay 'non, walang mabibigat na suliranin.
prublema lamang laging kulang ang datung.
Saan na napunta ang panahon.
*
*
[Chorus:]
Saan na nga ba, saan nanga ba?
saan na napunta ang panahon.
Sa unang ligaw kayo'y magkasama, magkasabwat sa pambobola.
Walang sikreto kayong tinatago, O kaysarap ng samahang barkada.
nagkawatakan na sa kolehio, kanya-kanya na ang lakaran.
kahit minsanan na lang kung magkita, pagkaka-ibiga'y hindi nawala.
At kung saan na napadpad ang ilan,
sa dating iskwela'y meron' ding naiwan.
Meron' pa ngang mga ilang nawala na lang,
nakaka miss ang dating samahan.
*
*
[Chorus:]
Saan na nga ba, saan na nga ba?
saan saan na nga bang' barkada ngayon.
Ilang taon din ang nakalipas, bawat isa sa ami'y tatay na.
nagsusumikap upang yumaman, at guminhawang kinabukasan.
Paminsan-minsan kami'y nagkikita, mga naiwan at natira.
At gaya nung araw namin sa iskwela, pag magkasama ay nagwawala.
Napakahirap malimutan, ang saya ng aming samahan.
Kahit lumipas na ang iilang taon, magkabarkada parin ngayon.
*
*
[Chorus:]
Magkaibigan, magkaibigan magkaibigan parin ngayon.
Magkaibigan, magkaibigan magkabarkada parin ngayon.



Nagkakilakilala kami noon pang college days sa Baguio. Nagmula kami sa ibat' ibang probinsya ng Pilipinas; sa Tarlac, Pampanga, Ilocos, Bataan, Manila at Baguio City. Mula 2nd year hanggang mag-graduate ay magkakasama na kami sa kalokohan, sa inuman, sa lakwatsahan, sa kulitan, sa puyatan, sa paglalaro ng basketball, sa pagligawan at syempre sa kopyahan kapag exams hehe.

Si Cesar, yung pinakamakulit sa grupo, ang naka-isip ng pangalan ng grupo..."OKUTZ" (Hindi yan kinuha sa mga pangalan namin pero kung mahuhulaan nyo kung saan kinuha at bakit ay meron kayong libreng life-time gupit at re-bonding sa David Saloon-Middle east branch hehe)
Mula sa anim na miyembro ay naging 30 kami, isang buong klase na napakakukulit at kagugulo pero masaya kasi hanep ang bonding ng barkada kasi laging nagtutulungan at walang mga ere.





Okutz Founding members:
(not arranged po, hulaan nyo na lang kung nasaan ako):
Nelson, Cesar, Danny, Lops, Manny at yours truli.




After graduation ay madalang na kaming magkita-kitang magbabarkada maliban kay Cesar na nakasama ko pa dito sa gitnang-silangan ng ilang taon at sa ngayon ay nasa Canada na ang loko at doon nag-so-shovel ng isnow.

Noong nagbakasyon kami last 2002 ay nagkaroon ng reunion ang barkada sa Mega Mall. Konti lang ang dumating kasi yung iba ay naka-base na sa ibat' ibang bansa. As usual ang dami naming napag-usapan tungkol sa buhay-buhay. Alas onse ng gabi umuwi na ang tatlong girls pero kaming mga lalaki ay hanggang madaling araw ay nag-iinuman pa hehehe.

Saan na nga ba, saan na nga ba? Saan saan na nga bang' barkada ngayon...





Maga Mall 2002

From Left to Right: Manny (standing), Ariel, Marie, Grace, Chat, Nelson at Rostum. KD official photographer hehehe

Okay naman kahit na madalang ko na makita nag OKUTZ, nandyan naman ang blogkada na ubod din ng kukulit hehe. O inuman na.

28 comment(s):

wheeew... ayos ng kanta ah.... iba rin tlaga ang barkdahan noon....

okutz? 'kutoz'? 'tukoz'? hehhehe ako ba nanalo? pede bang wag na lang gupit ang premyo? hmmmmmp

By Anonymous kneeko, at 9:59 AM  

wow.. namiss ko rin tuloy sng barkada ko kuya KD.. :) yan ang tunay na prends poreber!!! :)

ang saya cguro nang naging reunion nyo kuya.. kulitan parang nung college pa kau.. :) hehehe... pihadong bumaha ng alak no?

masayang balik-balikan ang mga nangyari noon.. sarap pagtawanan ang mga kalokohan..

im glad na may communication pa rin kayo, kahit na nasa iba't-ibang sulok na kau ng mundo...

tama ka kuya, may blogkada naman na makukulit kaya't masaya pa rin! hehehe....

By Anonymous karmi, at 10:31 AM  

TUKO nga ang meaning nyan... ibig sabihin laging magkakasama at hindi napag hihiwalay.. ganyan kc ang purpose ng tuko... heheh!!!

Masaya na tlga pag barkada na ang usapan,,, kc sa kanila ka natutong maging pasaway...

O syempre pinakita nyo mukha mo dun sa unang picture kc gwafu kapa dun at dipa masyadong habulin ng mga babae, pero dun sa 2002 na reunion, nag tago kana kc mas super habulin ka na ng mga .........na babae... na bumbay..... bwahahha!!! peace tayo!!!

By Blogger tutubing_karayom, at 1:07 PM  

like the song of APO Hiking Society too.

hinanap ko rin ang barkada pics namin during highschool and college heydays.
hay, kaka-miss talaga.

salamat sa e-add n'yo.

By Anonymous malaya, at 1:48 PM  

aba, dito rin pala eh naglabasan ang mga lumang pictures kaparis dun sa bahay ni KU. ang saya naman

ang sarap talagang magbrowse ng mga lumang pictures. nakakalibang.

OKUTZ? sama ako ng sampu kay TK. laging magkakadikit...parang tuko.

By Blogger Des, at 4:28 PM  

di kaya oooohhhh kuto ang Okutz? nyahahaha....joke lang po!

nakaka-miss talaga ang barkada...haaayyy....

By Blogger idealpinkrose, at 2:51 AM  

okutz??
mukhang kutoz ang sagot ah..baka naman mahilig kaung magkutusan! hehe..hay barkda barkada..ngaun akoy bata pa..meron na ring matatawag na barakada..ang nangyari sa inyo saakiy wag naman sana..pero ok lang dahil kahit papano'y may isang nakaka-alala sa inyong samahan..at ikaw un kaibigan!

ang daya nyo po!! kala ko malalaman ko na kung sino sa piktyur si mang kd..kau pala photographer!!

kasali ba ko sa makukulit na blogkada??wahehe

By Blogger rUth, at 10:33 AM  

<=jologs wave=>
uy...reminisce na ito!

(^_^) namiss ang mga prenship nya..

By Blogger JoLoGs QuEeN, at 1:00 PM  

tito anong year yung unang pics? nyahahaha, ibang iba ang hitsura mo dati sa ngayon! d ko na sasabihin dito, bulong ko nalang! nyahahaha!

By Blogger Mmy-Lei, at 1:31 PM  

bigla ko tuloy namiss mga tropa ko hehe..uso na rin pala nung panahon nyo ang paggawa ng pangalan ng grupo, tipong identity mo kung nasang grupo ka nakasali. anyways, ganyan din kami, hirap ng magkita kita, yung reunion after 10 yrs, naging 15 yrs..hanggang ngayon, di pa rin natutuloy hehehe..

By Blogger Analyse, at 9:29 PM  

Ang saya, Grabe!!! Bigla ko tuloy naalala ang aking dating mga kabarkada...GUTSY&Co. naman kami noon, hango sa first letter ng aming surnames.

Sama akong lima sa guess ni TK. Ngapala, wala bang clue doon sa first pic kung sino kayo doon??

By Blogger Rhada, at 11:29 PM  

nakakamiss talaga ang mga barkada ano?
sama kame ni hubby sa inuman? he he

By Blogger j, at 12:05 AM  

hello KaDyo,
Naks, galing ng music and I love your template.

Bumisita lang po... San sa Baguio kayo nag-aral? Sa SLU ba? Baka ka-batch nyo Kuya ko. SLU din ako eh, batch 91.

Yes, your pix reminds me of the olden days...nakaka-miss.

All the best

By Blogger Leah, at 12:19 AM  

sabi ko na nga ba eh. hindi nagkakalayo idad natin. yung college pic mo kasing luma lang nung mga pic ko eh.

kd, mukhang kilala ko yung isa sa picture. kamukha ni arnold. ti-ni ni-ni-ni...

By Blogger Ka Uro, at 3:11 AM  

para rin palang kuwento ng apo hiking society ang kuwento ng inyong barkada. nagumpisa silang marami hanggang sila na lang tatlo nina buboy, danny at jim ang natira sa barkada.
hindi ko yata mahulaan kung ano ang okutz. pero alam mo ba ang original na ngalan ng apo hiking society? apolinario mabini hiking society. ironic di ba, si mabini dakilang lumpo tapos hiking society. kinuha nila kasi ito sa initial ng kanilang school ang Ateneo Municipal High School, AMHS, inisipan ng kaunting kakalugan kaya pati yong bayaning di makalakad kinaladkad, hanggang sa umikli na lang sa Apo Hiking Society.

By Blogger atoy, at 6:57 AM  

hehe.. blockada..

we also use that term.. :)

ala lng..

have a nice day! *hugs*

cheers,
aiRah

By Blogger aiRah, at 7:46 AM  

UKOTZ?!? hmmmmmmmmmmm. tuko rin ang hula ko kase mukhan kaung tuko? hehehe...pish? or galing un sa kuto? kase me kuto kayong lahat? hehehe! nangungulit lang! peace tau. tingin ko mukhang tama explanation ni TK. kapit tuko ang samahan.......walang iwanan.

nakakamiss talaga yung mga ganyang bonding with those people na hindi mo na nakakasama. well, ganun talaga ang buhay. things change. some stay. some remain. but we have a journey to continue. taking a step at a time. taking different ways. stepping forward in different direction. we may part ways and can never turn back. but we can always look back. di ba?


konti nio pa rin. 8 lang kau. but 3 is a crowd. masaya na rin un. i know. ang hirap mag-organize ng ganyang kitakitz ha.

By Anonymous lojik, at 8:59 AM  

kaya pala memorable ang baguio sa yo at sobrang goodtime nyo. good to see. pasencia kalang dahil 'di ako masyadong fluent sa tagalog...ilocano kasi salita namin.
regards.

By Blogger VICKY, at 11:12 AM  

nakakatuwa naman kasi kahit matagal na ang panahon, friends parin kayo. at salamat sa chat/friendster/blog, nakikita niyo ang update sa buhay ng bawat isa kahit hindi man kayo nagkikita personally :)

By Blogger gracita, at 2:27 PM  

Fafi pagka haba haba naman ng post mo.
Di ko na binsa yong lyrics hehhe nag paalam pa anoh?

Alam ko sa unang pic, ikaw yong naka akbay kay sino rolly ba sya hehehe
sa pics pa lang ang kukulit nyo nga!

By Anonymous ethel, at 4:44 PM  

ako kaya kelan kayo reunion naming mga barkada...? hehehe

By Blogger VemSan, at 5:36 AM  

I used to really love that song. Especially that I was in college when Apo came out with that.

Now it became an anthem to me and maybe most of the guys who have their own barkada in college, na after having different jobs in different places eh nagkawatak watak na.

I missed the barkada. Though I have new ones now but nothing really beats the samahan of the college days.

By Blogger Rey, at 10:44 AM  

kneeko, oo ayos yung kanta di ba. malapit ang hula mo hehe. sige kung ayaw mo ng gupit rebonding na lang hehehe

karmi, hehe oo masaya talagang balikbalikan yung panahon ng mga barkada. Oo super kulit ng mga yun, pero makukulit din ang mga blogkada ngayon heheh

tubs-bee, ang galing naman nahulaan mo agad, si kneeko eh sobra kasi ng letters eh hehehe. kaya lang yung meaning iba hehe, sabi ni cesar; yung pasimuno na tutal daw eh lahat kami mukhang mga tuko kaya bagay daw na itawag sa amin eh OKUTZ hehehe


"pero dun sa 2002 na reunion, nag tago kana kc mas super habulin ka na ng mga .........na babae... na bumbay..... "bwehehehe no comment ako

malaya, lahat yata ng kanta ng APO eh paborito ko hehe. sige pag nakita mo i-post mo rin sa blog mo ha...ur welcome

des, hehe naglabasan ang mga pictures sa baul hehe. Korek ka dyan sa hula mo =D

idealpinkrose hehehe ohh my kuto bwahahahah


ruth, di naman kami nag kukutuzan hehehe mabababait naman sila..pag tulog hehehe. wag kang malungkot sapagkat di parepareho ang guhit ng tadhana lalo na sa pagkakaibigan, ang mahalaga ay lagi kayong masaya pag magkakasama alisin yung tampuhan, enjoy the company ika nga.

syempre naman kasama ka sa blogkada pati na ang macho mong kaibigan hehehe

jologs queen, hehehe la lang nakita ko lang sa baul yung mga lumang pics eh kaya naisipan kong i-post =D

mmy-lei toinks ka dyan , bago pa yan saka anong ibang -iba malabo na ba mata mo bwahhahaha
ala akong marinig hehehe

analyse, tama ka hirap ng magkasamasama yung barkada kasi yung iba nasa ibang bansa na, yung iba naman busy na masyado, sarpa lang balikbalikan yung samahan ng barkada, anyways andyan pa rin naman yung blogkada kaya tuloy pa rin ang ligaya heheh

Rhada ang galing naman GUTSY&Co. at hango sa first letter ng surnames nyo.

Hehehe sige lika na dito to claim your price hehehe. Clue? ako ung nasa likod na naka white shirt hehe

jairam sinabi mo pa hehe sige lika inuman na, paano si alf kanino mo ipapabantay =D


Leah Thanks =D
Batch 87 naman ako sa SLU sa engineering ako, si kuya mo anong batch?


fafa KU bwahahaha sino ang lamang ng isang paligo ha fafi

fafa di mo talaga malimutan si arnold ano grabe na yan hehehe


fafa atoy wow salamat sa info about APO narinig ko na yang story na yan pero mas malinaw na ngayon heheh. nahulaan na ni TK okutz --tuko kasi mga mukhang tuko kami heheh

airah, thanks sa comment mo, oo kakamiss barkada noon heheh


lojik nyehehe ayos ang explanation mo ah hehe. salamat din sa napagandang paliwanag about friendship and our journey thrigh life..tama ka "things change. some stay. some remain. but we have a journey to continue. taking a step at a time. taking different ways. stepping forward in different direction. we may part ways and can never turn back. but we can always look back"


VICKY, thanks for the comment. okay lang yun may konti pa naman akong natatandaan na ilacano words eh like pagatang, awanen, maisa ano pa ba heheh

By Blogger KaDyo, at 10:27 AM  

gracita, oo nga buti na lang at may yahoo cellphone at email etc kahit na milya milya layo kahit paano ay may nasasagap pa rin na balita sa mga barkada


nang ethel hehe buti na lang at di ka nainip sa pagbabasa hehe pati lyrics ha heheh, tama ka ako yun heheh


VemSan hehe malapit na sama ba blogkada heheh

Rey thanks for the comment at sa pagdalaw. Tama ka na though we have new barkadas now ones now nothing really beats the samahan of the college/high school days.

By Blogger KaDyo, at 10:33 AM  

hi, GODmorning!Wala lang just want to thank you OKUTZ especially you kadyo, i grabbed a copy of that APO song, i searched it then saw it with this blog of yours, your barkada history is almost similar to us kaya lang high school days...

By the wei, you can email me @ eedelacruz@imagead.com.ph if you want to reply...I would love to exchange blogs/emails/conversations with you if you dont mind...

Reading from your notes and looking at your pics, i can say you must have a great barkada!!!Cheers to that!!!Kamusta na lang sa mga kababayan natin jan sa Gitnang Silangan!!!

from the philippines with much luv and prayers,
wei

By Anonymous wei, at 2:22 AM  

Na curious lang ako nang sinabi ni Ann na SLU grad ka..tiningnan ko pix niyo..parang isa doon si Arnold D.

SLU din ako ang batchmates tayo. Palagay ko kilala mo rin sina Eric V and Julie T.

By Blogger ting-aling, at 8:55 PM  

we have thesame song chosen 4 our baarkada... kasi 12 kaming mag babarkada.. yong iba weve known each other since 1st yr h.s yong iba sa 2nd yr. yong isa sa 3rd yr. na talaga nmin na kilala...if were all together ay... expect mong its a chaotic worlD! ahehehe pero after ng graduation sa highskul... yong iba nag aral n asa cebu,yong isa bumalik na ng maynila... kaya.. nkaka miss1 kasi noon ako palagi ang pnadadala ng gitara... tapos kumakain kami nag gigitara... tapos tambay2 sa haws nmin... hahahayyy... saan na nga ba talaga?!

By Anonymous Anonymous, at 9:11 PM  

ako kahit na matanda na ako siguro di ko malilimutan mag barkada sa kanila ako natutong maging malakas sarap ng barkada sana wala nang katapusan ang ang mga life natin. at sana di rin natin malimot ang isat isa.

By Anonymous Anonymous, at 12:57 PM  

Post a comment

<< Home