KaDyo

Tuesday, July 11, 2006

You know you're living in the desert when you feed your chickens ice cubes to keep them from laying hard-boiled eggs.

Parte ng aking trabaho sa aking pinapasukang kumpanya dito sa gitnang silangan ay ang pagpunta-punta sa mga mga planta. Lahat ng mga pasilidad na ito ay nakatayo sa gitna ng disyerto at medyo may kalayuan sa mga siyudad. Ang pinakamalapit ay siguro mga 2 hours drive mula sa aming opisina at yung mga malalayo naman ay kailangan nang sumakay sa eroplano.

Noong nakaraang linggo ay nagpunta ako sa isa sa mga ito, ayoko sanang lumabas kasi sobrang init ng panahon ngayon at medyo may “sand storm” pa. Kaya lang talagang kailangang puntahan.

Pagdating ko doon, pinahinto ako ng arabong guardiya civil sa may security gate. Tinanong ako kung meron ba akong dalang digital Camera. Sabi ko “ma fi” na ang ibig sabihin ay anong pake mo este wala po bossing hehehe. “Fi camera phone?” tanong naman nya ulit. “Ay wa” sabi ko naman. Binigay ko sa kanya ang aking celphone kasi bawal daw ang mag-picture taking sa loob ng pasilidad. Sabi ko sa loob-loob ko; alam ko naman na bawal ang camera saka bakit naman ako magpipicture taking sa loob gayong wala naman makikitang kakaiba doon kundi puro turbina at makina lang.
Matapos ang aking pakay ay nagbalik na ako sa gate upang kunin sa mamang sekyu ang aking celphone at upang magbiyahe na pabalik ng opisina.

Habang bumibiyahe ay naisipan kong ilabas ang aking celphone upang kunan ang ilang mga tanawin upang mailagay sa aking blog at para naman makita ninyo kung ano ba ang itsura ng disyerto sa gitnang silangan.
Enjoy...

May mga bundok din dito



Kita ninyo na may "sand storm" kaya dapat dahan dahan lang pagmamaneho.



Disyerto pa rin





May sariling tawiran ang mga kamel dito.





Ang hari ng disyerto



Kamel sa likod ng pick-up truck

45 comment(s):

naku, picture pa lang, naiinitan na ako.

By Blogger JO, at 7:10 PM  

that is one place i will never visit, too hot for me, thanks for the pictures hehe, parang andun na rin ako... what is the temp over there this time?

By Blogger Analyse, at 11:55 PM  

Disyertong disyerto pala tlga jan no. pers time kong makakita nyan tlga.. kc ung mga movie natin na parang disyerto e sa Pampanga lang yun, ung place na me lahar... dun nlang sila ang shooting para tipid at dina kelangan pumunta jan! heheh

By Blogger tutubing_karayom, at 5:11 AM  

wish ko makapunta rin ng saudi para makakita ng tunay na disyerto. ang ganda kasi nung pinagshootingan ng pelikulang dubai. pero di ko type tumira dyan, hate ko ang sobrang init.. KD mabaho ba ang kamel? amoy kalabaw din yata yan eh :)

By Blogger Mistyjoy, at 5:39 AM  

yung camel ata sa likod ng truck hindi na ikaw kumuha nun eh este nag picture. hehe...

dapat gawa ka bussiness sa desyerto... ice water for sale. hehe.

By Blogger phoebe, at 7:16 AM  

wala man lang na puno ng mangga? hehehe

- vemsan

By Anonymous Anonymous, at 7:33 AM  

wala man lang na puno ng mangga? hehehe

- vemsan

By Anonymous Anonymous, at 7:33 AM  

dito kulong ka kapag nasagasaan mo ang kamel, kaya dapat ingat ka kapag tumatawid ang hari ng daan!!! nyahahaha!

By Blogger Mmy-Lei, at 8:43 AM  

wowowee..gusto ko makakita ng desert sa totoong life! harap-harapan! gusto ko gumawa ng sand castle..siguradong pede kong pasukan! wahehe..ingats po kau sa sandstorm! masakit po ba tumama yan?? sige na nga..makuntento na ko sa ulan ng pilipinas..

gusto ko rin makasakay sa camel!anung feeling??kaya lang di ko trip itsura nila...kaya makuntento na lang din ako sa kabayo ng pinas..hehe

By Blogger rUth, at 9:55 AM  

aus to kuya ah.. :)

ang kyut naman ng camel.. nakasakay ka na dyan?

maiinit pala talaga dyan.. nakakita ka na ng oasis?

By Blogger karmi, at 11:29 AM  

okay din dyan ha...may sariling tawiran yung mga camels.

i wonder why you can't take pictures sa loob ng planta. hmn....

By Blogger Des, at 5:57 PM  

bakit kaya nag sandstorm? sabagay, mabuti narin kasi mejo lumamig ng konti.

nagkaroon na ba ng case na walang pasok dahil sa sandstorm? wish ko kasi mangyari yun e :D

By Blogger gracita, at 11:00 PM  

I'm just curious about your environment...KD, how often do you check/replace the air filter in your car what will all that sand?
Royce

By Anonymous Anonymous, at 1:48 AM  

It must be really relly hot and HUMID!

Question po: Anong mas marami dyan? camels or Dromedaries?

By Blogger Duke, at 3:30 AM  

...kaya nga ba maski anong pilit ni fafa na jan kami tumira ay di ako pumapayag eh, siguradong hihikain ako jan hehehe..baka maaga siyang mabyuda at palitan ako waaahhhh!

By Blogger clown, at 4:44 AM  

In fairness ha, kakaiba din kung hard-boiled eggs na kaagad ang ipo-produce ng manok...time efficient yan. hehehe.

Yung hubby ko na nasa Iraq, yan din ang reklamo, sobrang init daw..eh Michigan boy pa naman siya. Kaya nga naaawa ako minsan eh! (minsan lang hahaha)

By Blogger Rhada, at 6:56 AM  

mahirap daw sakyan ang camel... san yan papunta dre?

By Anonymous kneeko, at 11:58 AM  

hindi kona pala kailangan mag desert safari.dito na lang ako sa mga pictures mo mag imagine he he

By Blogger j, at 7:45 PM  

oopppsss...ang init...hehehe...

pero ang ganda, may aircon naman siguro ang sasakyan ano kuya? hehehe...

By Blogger idealpinkrose, at 4:39 AM  

Jo, tas me kasama pa kamong sandstorm at humid, parang nasa likuran ka ng aircon sa init hehe

By Blogger KaDyo, at 9:52 AM  

tita analyse, hehe salamat ha. Current temperature is 43C di pa kasi peak ng summer, ilang buwan pa..minsan umaabot ng 50C plus

By Blogger KaDyo, at 9:57 AM  

Tubs-bee aka juday, sa city tulad sa tinitirahan namin medyo madalang na yung mga buhangin puro mga high rise bulidings at malls na, pero sa outskirts o between cities puro disyerto makikita mo =D.
di lang mura mas malamig pa dyan sa atin hehe

By Blogger KaDyo, at 9:59 AM  

Mistyjoy, sige pasyal ka dito sa amin tapos pasyalan natin si kneeko at si master then pasyalan natin si grace at si maymilay =D
Maganda talaga sa Dubai kasi open country di tulad dito baka hehe.
Mas mabaho pa sa kalabaw ang camel, pero pinakamabaho ang kambing at tupa sama na natin yung mga pako at pana hehehe

By Blogger KaDyo, at 10:06 AM  

phoebe, yung picture ng kamel na nasa pickup yung katabi kong sasakyan ang kumuha, nag-text na lang ako sa kanya para i-send nya sa aking yung pics thru bluetooth =D. Actually nakakita talaga ako noon that time; isang pick-up at isang truck puro kamel, di ko lang nakuhanan kasi daming sasakyan baka mabundol pa ako hehe, the rest eh ako na ang may kuha

By Blogger KaDyo, at 10:09 AM  

vemsan, wala eh puro puno ng dates ang makikita mo heheh

By Blogger KaDyo, at 10:11 AM  

Mmy-Lei, sinabi mo pa, dito ngayon karamihan sa highway ay may rehas na at sa tawiran na lang makikita yung mga kamels sana lagyan lang nila ng traffic light hehehe

By Blogger KaDyo, at 10:15 AM  

ruth, hehe sige papadalhan kita ng desert ano gusto mo yung nakabalot sa plastic o sa aluminum foil hehehe. di ideal panggawa ng sandcastle ang buhangin dito sobrang pino baka di ka makabuo kahit 2inches na bahay.
Oo masakit ang sandstorm lalo na pag pumasok sa butas ng ilong mo siguradong sasakit ang ilong kakabahing hehehe.
Mas okay ang kabayo, mabantut ang kamel eh di kasi naliligo ang me ari heheh

By Blogger KaDyo, at 10:24 AM  

karmi,Di pa ako nakakasakay ng kamel kasi wala pa akong nakikita na nagpaparent eh sa dubai alam ko meron =D.
Mainit na pero wala pa sa peak mga ilang buwan pa baka umabot na ng 50C plus. Oasis oo meron dito Oasis compound hehe pero sa totoo lang mirage ang madals kong makita, yung akala mo sa malayo eh me tubig sa gitna ng daan pero pagmalapitan eh wala naman hehe

11:29 AM

By Blogger KaDyo, at 10:32 AM  

Des oo nga, last time nakita ko talaga yung isang malaking herd ng mga kamels ang tumatawid ng highway, may police escort pa ha at hinto lahat ng sasakyan sayang wala akong dalang camera noon hehe.
Bawal daw camera sa loob ng mga facility for security reasons, alam mo naman ang panahon ngayon dito

By Blogger KaDyo, at 10:36 AM  

gracita, may topak blogger haba ng sagot ko kanina sa comment mo..biglang naglaho..=(
Alam ko pinapauwi dito ang mga tao pag umabot sa 50C plus ang init sa labas

By Blogger KaDyo, at 10:42 AM  

pakner royce, ako every 2nd oil change nagpapalit ako ng air filter, kasi sa manual walang sinasabi kasi sa US gawa ang karamihan sasakyan dito.

By Blogger KaDyo, at 10:45 AM  

Duke, actually karamihan sa mga nadito ay mga Dromedaries, madalang ang camels o yung may dalawang humps sa likod, nakagawian na lang na itawag nila ay camels sigo kasi mas madaling bigkasin hehehe

By Blogger KaDyo, at 11:05 AM  

clown, hehehe no comment maam

By Blogger KaDyo, at 12:35 PM  

Rhada, hehe oo nga tipid pa sa cooking time at sa gasul

wow nasa iraq pla hubby mo, mas dry ang init doon di ka papawisan kasi natutuyo agad hehe. God bless ur hubby

By Blogger KaDyo, at 12:45 PM  

kneeko, di ka pa ba nakakasakay ng kamel?
hehe di ko alam kung saan papunta baka dyan sa inyo

By Blogger KaDyo, at 12:51 PM  

jairam, hehe pero mas okay yung actual adventure diba sama kami ha =D

By Blogger KaDyo, at 12:57 PM  

idealpinkrose, hehe oo naman may aircon kasi pag wala baka tustadong itlog at hindi hardboiled lang ang kalalabasan heheee

By Blogger KaDyo, at 1:01 PM  

Hey KD, nice pictures of the desert. Sa laki, at init ng disyerto diyan, malas na lang kung masiraan ka ng sasakyan. Buti hindi mo pa na experience ang masiraan sa daan. :-)

By Anonymous snglguy, at 2:42 PM  

hindi nga totoo? nakakpagluto diyan ng hard boiled egg without kalan? o kaya sunny side up? o kaya scrambled egg? sa sobrang init? tanong ko lang po

By Anonymous bobang pinay, at 9:50 AM  

So how do you guys protect yourselves in 40-50C? Yung 33C lang dito sa amin nasa-sunburn na ako, even with sunscreen. Kaya minsan kapag ganuong kainit mas gusto ko pang magsuot nang medyo mahabang manggas para protected ang braso ko. And what about heat stroke? Siguro marami kayong laging baong tubig.

By Blogger niceheart, at 10:11 PM  

parang papuntang hofuf area yan, san tamabak ang Camel crossing sign, pinakagusto kong view ay yung oasis sa gitna ng disyerto. psst! walang genyad dito sa amin! hehehe!

By Anonymous masterbetong, at 7:41 AM  

haha.. oks yong sagot mo ah!
ganda ng pics fafi naalala ko rin yong mga camels pag kinarga sa sobrang lakas ng hangin yong bibig parang tumatawa pag tinignan hehehe..

By Anonymous ethel, at 11:56 AM  

OMG! parang super init dyan... pano ka nakakatagal? parang hihimtayin ako pag nandyan ako >.<

By Anonymous - K -, at 12:19 PM  

har har har, ayos mga pics mo papa K ah.

sa tagal ko di nakadalaw, ngayon ko lang napakinggang ang bg mu. Sam Milby he he he

By Anonymous lukin reloaded, at 12:32 PM  

This comment has been removed by a blog administrator.

By Anonymous Anonymous, at 12:37 PM  

Post a comment

<< Home