KaDyo

Saturday, August 05, 2006

Ang aking project....bow (Part 1)

Kailangan na naming magdadag ng isa pang computer dito sa bahay. Ito kasing ginagamit namin ngayon eh sobrang in-demand na; ginagamit ng mga kids sa kanilang mga school assignments/projects at siyempre ng aking wisheart sa kanyang pagba-blog. Ako? kailangan ko pang magpa- reserve 1 day in advance para maka-gamit hehehe.
Tulad nang nauna, ako rin ang magbubuo nitong bagong PC. Enjoy kasi ako dito, bukod sa mapipili ko ang gusto ko na specs ay kakaibang kasiyahan ang naidudulot ng isang bagay na pinag-sikapan mong gawin "with your own sweat, blood and tears". Teka masyado naman yatang na dala ako sa drama hehe pasensya na po.
So, in the next few days ay sisimulan ko na ang aking "project" at I'll keep you posted.

Samantala inuna ko munang bilhin ang computer table na paglalagyan ng TV este ng computer pala. Nagpunta kami ni wisheart sa SACO at ito ang aming napili:


ups naka box pa pala hehehe ...






May kasama naman palang instructions sa loob eh...





teka teka bat ganoon ma i-zoom nga....(click this)

(Bakit espanyol yata ang instructions, naku mahahasa na naman ang aking spokening kastilaloy hehe)

Malapit na hehehe...






dyarannnn...






Sa susunod ay yun namang pag-a-assemble ng aking "Project" hehe

Cheers !!!

38 comment(s):

bwahahaha! walastik, nauna ang compyuter table... pero oks yang ginawa mo, mas maganda talaga kung ikaw ang mag-assemble ng pc, lahat ng specs na gusto mo malalagay mo!

pics din ha!

By Blogger Mmy-Lei, at 7:53 AM  

wowww!! galing ni KD ah?tama yan para dalawa na lang kayo ni Ann mag-aaway sa pc hehe ^_^ ...tulad namin ni Rina ( eto nga pinapalayas na ko dito grrrrr!) ;(;(

..enjoy weekend!

...oops miss ko na yung pambubulabog mo sa tag ko....kaya lang medyo iklian mo lang yung pagsigaw ng Katya ha ^_^


cheers,
-kathy-

By Blogger lil _kath, at 9:08 AM  

Table pa lang inabot na ng unang salah sa madaling-araw bago nabuo...baka pag yung computer na malamang ramadan na...hehehe.

By Blogger Ann, at 10:27 AM  

Wow! May bagong computer table! Malapit na ang bagong computer. Ako may bagong bahay. Ina-assemble ko pa.

By Anonymous malaya, at 11:32 AM  

Bwahahha... yan pala ang pinag pupuyatan nyo ni mmy Ann,, so sya ba ung taka kuha ng letrato? ganyan din halos ang gamit kong table.. bili ko sa Kmart.. ang mahal nga e.. halos maghapon din naming binuo ng Exmen ko dati... mga 4 yrs ago...

Antayin ko ang bagong computer mo ha! tapos chat tayo... marami akong ichi-chismis sayo.. promise!! heheh! at magtatagalog ako para syempre maintindihan nyo..

sge lilipad pa ako.. excited lang tlga ako sa post mo Mang KD..

That all thank you..

Ms. Universe...

By Blogger tutubing_karayom, at 1:41 PM  

masaya mag-assemble ng mga ganyang table/cabinet! yung shoe cabinet din namin, ako ang nag-assemble. it also came with instructions like yours. sa geant naman namin nabili yun :D may geant din jan diba?

goodluck sa project mo! kawawa ka naman pala, last priority ka sa pag gamit ng pc. kaya pala tagal walang update :)

By Blogger gracita, at 11:41 PM  

meron na kaming kanyakanyang PC kaso lang yung time naman ang nawala! Rgds from down under

By Blogger VICKY, at 5:41 AM  

wow! a new computer strictly for blogging.

By Anonymous evi, at 8:38 AM  

Ei KD,
Anong sey mo, nakabuo na rin ako ng kasangkapan, ha. Kitchen table nga lang. Niroroskas lang yung apat na paa hehehe

By Blogger Ella, at 4:34 AM  

pano ba yan di marunong ka ng mag-espanyol hehehe...

mura ba mga computer parts dyan? alam ko dami dyan nagkalat...dami din pirated hehehe...

gudluck sa pag-aassemble nyo ni ann.

By Blogger tekla, at 11:57 AM  

ayos ah... andtindi mo palang umintindi ng espanol... la mesa de computer huh...

maglagay ka na rin ng isang cubicle para dyan... hehehe

By Anonymous kneeko, at 1:16 PM  

wow naman... ang galeng-galeng ni fafah KD! matutuwa talaga nyan si mama ann! hehehe... sa susunod computer naman! yahoooooo...

so, anong ilalagay dyan sa ngayon!? sabi ni mama ann e baka abutin pa ng ramadan! naku pow!

By Blogger rHo, at 6:32 PM  

Hahahhaha.. yan ang piinaka ayaw ko ang mag assmble hahhaha
ok lang yan fafi, ang lahat ay may katapusan, tiyak matatapos mo rin yan sa pag aayos.
At siguradong araw arawin mo na ang pag uupdate dito pag natapos na yan hhhee...

God Bless...

By Anonymous ethel, at 9:48 PM  

wow, gleng namang mag kastilaloy hehehe, naintindihan ang instruction.

...sige nga, pakita mo rin kung pano bubuuin ang iyong project. nakahalukipkip na nagpapahingalay habang naghihintay ng susunod mong post.

By Blogger clown, at 5:43 AM  

mmy-lei, hehe double porpose yan, computer table at the same time ay study table hehe.
Laptop sana kaya lang iniisip ko konti lang ang room kung may plano na mag-upgrade. sige antayin mo yung finished product hehe

By Blogger KaDyo, at 8:25 AM  

katya, hehe oks lang kasi sa umaga solo ni wisheart ang pc sa gabi lang kasi yung mga kids kailangan nila for research o assignments =D. Happy weekend din sa inyo katyaaaa hehehe

By Blogger KaDyo, at 8:28 AM  

wisheart, hehe daya mo pinanood mo lang ako panay pa kantiyaw hehehe

By Blogger KaDyo, at 8:35 AM  

malaya, wow bagong bahay goodluck din sa inyo

By Blogger KaDyo, at 8:38 AM  

tutubing_karayom, hehe oo isa yan sa mga dahilan hehehe.
sige pagbuo na aabangan ko yan, tapos pede rin tayong magvoice chat nina master at kneeko kakantahan ka nila ng "my way" at "this guy's in love with you pare" ..todo na to heheh

By Blogger KaDyo, at 8:44 AM  

gracita, nakakatuwa kasi diba, naalala ko tuloy noong collage days may subject kami na mag-aasemble ng amplifier from scratch hehe.
Nagtaka nga ako kasi sa instructions eh galing US at dito sa Middle east ang destinasyonm ayon sa box ng SACO pero bat ispanyol nakasulat yung instructions hehe. Laki ng Geant dito pero dyan yata sa inyo ang unang-una =D

By Blogger KaDyo, at 8:53 AM  

VICKY hehe at least wala ng antayan kung sino ang gagamit ng PC. Regards din sa inyo dyan.

By Blogger KaDyo, at 9:00 AM  

Uy promise yan ah! walang bawian.. sama ako sa voice chat! promise maganda ang boses ko hindi kayo mag sisisi! hahaha! wag lang sanang umulan ng bato, pwedeng pwede akong itapat ke... ke.. JLo... heheh Jlois.. hehe!

By Blogger tutubing_karayom, at 9:23 AM  

Ella, eii frend long time no see musta ka na =D. hehe may kasama din bang spanish instructions ang kitchen table na binuo mo hehehe

By Blogger KaDyo, at 9:31 AM  

maam teks, si senorita muchos gracitas este gracias por este commentares para yo yes yes yo guapo amigo hehe

medyo may kamurahan maam kasi walang taxes , pero walng pekeng parts dito DVD lang po hehehe

By Blogger KaDyo, at 9:36 AM  

kneeko komustas mi amigo con didyay banger este probinsya en jubail si lamesa computer es gawar para lugar da computer para mama este esteban , nagkabuhol buhol na dila ko hehehe.

ano yan internet cafe bwahahahaha

By Blogger KaDyo, at 9:39 AM  

rHo-aNne hehe tsalamat. pag ganoon katagal me kurot na ako sa singit from wisheart heheh by next week siguro may nasimulan na ako heheh

By Blogger KaDyo, at 9:59 AM  

nang ethel, ayaw mo pala ng mag-aasemble hehe sabagay sa dami ng parts at turnilyo tapos di pa maintindihan ang ninstructions dahil ispanyol hehe

sana ng nang hehe...God bless you too

By Blogger KaDyo, at 10:16 AM  

maam rems, si mi intendes instrucines kasi mi muy alam espanyol hehehe.

abangan hehehe

By Blogger KaDyo, at 10:18 AM  

congrats! natapos rin sa wakas..muntik na ako maiyak sa drama ha ha ha!

By Blogger nlz......, at 10:50 AM  

Show us the specs and the step by step assembly of your new PC ha? :-)

By Anonymous snglguy, at 2:27 AM  

ang gleng, gleng!! ako minsan lang nag-assemble, shoe rack pa. nung natapos ko, proud din ako kaso mo nung lagyan ko na ng mga sapatos, bumagsak! kaya pagdating sa ganyan si fafa ang bahala...hehehe..

By Blogger katrina, at 6:15 AM  

Kadyo, very handy ka pala sa household works! The last time I assembled something, it was Lego! hehehe

By Blogger watson, at 7:46 AM  

ayos ang table. okay mag-assemble ng PC, pero tignan mo rin baka mas makakamura ka kung bibili ka na lang ng naka-assemble na. however if you have not assembled one before, it's a good learning exercise. but could be costly too if you make mistakes, like buy a wrong component. in any case, good luck with your project!

By Blogger Ka Uro, at 4:59 AM  

asus...nakakarelate ako,nag tig-isa rin kaming PC ni hub kaso api ako basta i-blog ko rin details...

By Blogger nlz......, at 6:37 AM  

ayos..handy man tlga ah! heheh

sana naglaftaf ka nalng pra di na kailanganin ng table ehehhe

By Anonymous pobs, at 10:15 PM  

ok yan a, ako di ko pa nasusubukan ang magassemble ng mga ganyan. binibili ko kase yung assembled na. tamad e! hehehe!

cant wait on the part 2.

By Blogger Owen FV, at 8:26 PM  

galing naman. the wonder of diy projects... pati computer pa ha!

By Blogger Princess of CJ, at 4:08 AM  

oh wow! ang bilis naman yata ng pag assemble...hehehe...

wait ko yong pic ng ilalagay mo don kuya ha?...hehehe...

By Blogger idealpinkrose, at 7:33 AM  

Post a comment

<< Home