KaDyo

Sunday, August 20, 2006

Look! It's moving. It's alive....

It's alive... IT'S ALIVE bwahahahaha….Para yatang linya isa pelikulang “Frankenstein” ang linya ko ano hehe. Hindi naman ako feeling Dr. Henry Frankenstein, masaya lang kasi “successful” ang kinalabasan ng aking project. Sarap ng feeling na yung pinagsikapan mo at pinagtiyagaan mo na mabuo ay tumatakbo ng maayos. Actually pangalawang computer na ito na binuo ko. Yung una ok naman kaya lang medyo kinakabahan kasi naman first time ko pa yun. This time ay medyo confident na.


Eto ulit ang complete specs:
***Nai-request din ni DevilishQueen na kung pwedeng isama kung magkano ang inabot kaya nilagay ko na rin (price in USD na para dina mahirap magconvert)

Processor: AMD 3800+ Dual Core X2 Socket AM2-->(280)
Motherboard: MSI K9N SLI Platinum-->(184)
Memory: Kingston 1Gb DDR-->(105)
Hard Drive: Western Digital 250 Gb Sata Drive-->(93)
Video Card: MSI NX-7300GT GE Force 7 Series-->(100)
DVD Writter: MSI 16x16 Double –Layer DVD Writter-->(44)
Power Supply: Enermax Liberty500W-->(66)
Case: ATX -->(45)
Monitor: HP L19 Flat Panel Monitor-->(346)






Uy sumilip yung braso ko habang kinakabit ang HD hehehe....


Konting posing-posing (photo shot by Wisheart Ann)

Close-up shot....



Wohoooo...installing the OS (lapit na)





Daraannnnnn..... Uy plugging pa ang blog ni Wisheart hehehe

30 comment(s):

1gb yung DDR! wow 250GB yung hdd!

i had my 2 PCs' memory updated last week pero max capacity is 512 lang. medyo panaho pa ata ni mahoma yung pc ko eh! LOL!

im thinkin of buying a mobile HDD na lang insted of replacing the current 80GB that i have.

off topic: tagal ko di nadaan dito ah!

By Blogger darlene, at 6:29 PM  

wow, big time specs ng pc niyo! ok na ok pang blog at pag store ng pictures :) congratulations at bilib ako sa kakayanan mong makabuo ng pc! bobits kasi talaga ako basta pc ang usapan, ewan ko ba.

By Blogger gracita, at 11:47 PM  

19inch, litaw na litaw ang ganda ko jan ah! yahoooo.. pag ayaw mo na nyan akin nlang ha! bgal na kc computer ko eh! absent ako nung tinuro ang pag kalikot ng specs ng comp. eh! hehe! anways congratulations!

By Blogger tutubing_karayom, at 3:04 AM  

ayan na ba yung pa christmas/birthday gift nyo sa akin? ang aga naman..hahah joke!

By Blogger VemSan, at 3:17 AM  

hanep sa specs. pero bakit wala yatang speakers? isa pang comment: taba pala ng braso mo KD. hehehe

By Blogger Ka Uro, at 3:36 AM  

darlene, suggestion if you're going to buy a mobile HDD, buy the 2.5" one. yung pang-notebook. mas convenient kasi maliit at di na kailangan ng power-supply. buy the 2.5" HDD and enclosure, separately, baka mas maka-mura.

By Blogger Ka Uro, at 3:45 AM  

asus! kamahal naman niyan ... naalala ko pa noong una akong magpa assemble ng pc dated 2002 ata .. kinatay ko yung old pc na galing dito sa Singapore, yung magagamit pa binigay ko sa technician, tapos nakakuha ako ng hulugan na HD, memory card, video card me libreng mouse lol!!! worth 5K lang tito KD tapos bigay ako ng 7K ..ayus buto-buto nakapagpagawa ng pc sa sariling diskarte... taas noo ako kasi di ako humingi sa nanay ko pambili lol!!!

By Anonymous melai, at 4:35 AM  

KU, oo nga mas handy yung 2.5, yung isa kse sobrang kapal at mabigat. ang problema lang sa 2.5 na size is 80gb lang ang available. ala pang mas higher capacity. baka in the next few weeks meron na.

KD, alam mo bang last week na nagpa-upgrade ako ng PC ko eh, medyo tinaga ako ng technician! di kse ako sure kung ano yung motherboard ko at nang malaman yung most appropriate na DDR. Imagine, sinilip lang yung PC ko, siningil agad ako ng 900pesos kse dalawang PC ang dala ko at isang laptop. Grabe noh! Syempre binayaran ko na lang pero i was fuming mad. Dapat ala nang bayad yon kse sa kanila naman ako bili ng DDR tsaka silip lang naman eh! Ako naman nagkabit sa slot. Unfair at misleading yung sales style nila. ASAR!

pera nga lang daw yon sabi ng asawa ko, pero aba madami na kong mabibiling tsokolate sa 900 noh! LOL!

By Blogger darlene, at 7:41 AM  

Sweet looking PC! Malupet and specs, KD. That's good for online gaming lalu na kung naka broadband ka... :-)

By Anonymous snglguy, at 11:04 AM  

$1300??? whoa!!!

bili na lang ako second hand $200 lang! hehehehe!

By Anonymous masterbetong, at 12:41 PM  

wow binyagan na natin yan KD, pati yung computer table.
hehehe

By Anonymous malaya, at 2:41 PM  

Wow congratulations! Ang galing-galing! More blogging-time for you and your wisheart!

By Anonymous Toe, at 3:44 PM  

Big time ang PC natin a! Big time din ang nagastos!!

Naku.. mahaba habang pagiipon pa to.. mantakin mo.. more or less 15 k na.. monitor pa lang. tama ba?

pero sige.. oks na yan.. worth it naman.. chaka kaw naman ang mkikinabang db?

Thanks, Nasulat ko na pati specs.. hehehe.. atleast.. me reference nko.. :)

Salamat ulit ng madami!

By Anonymous Devilicious, at 7:32 PM  

halo fafi, naks super galing ng puter mo ah! Good specs as in.
Good job pala hehhehe

By Anonymous ethel, at 9:16 PM  

wow! gleng naman...idol talaga kita, kaya mag si sit in ulit ako sa class ni teks, tas bili din ako ng mga parts at buuin ko heheheh

siguro after 1 year pede ko na magamit ang i a assemble ko.

By Blogger clown, at 8:04 AM  

This comment has been removed by a blog administrator.

By Blogger JO, at 8:14 AM  

cheaper talaga if you just buy the parts and assemble it yourself... galing ng specs mo!

By Blogger JO, at 8:15 AM  

hanep ganda at bilis ng specs mo KD, hi-tetch na hi-tetch. 1GB at 250GB san ka pa, parang si superman ang ang bilis nyan hehehe

By Blogger up close and personal, at 8:32 AM  

pwede bang mag-paadvise sa yo pag nag-assemble kami ni kuya ng pc mula sa tira-tira ng shop ng aking hipag. marami raw doong piyesang tira at pwede raw kaming makabuo ng isang pc. ikaw at c ku aking technical consultant. kung hindi ko mabuo papupuntahin ko na lang dito si KU basta kanya ang pamasahe, sagot ko na lang kuwento.

By Blogger atoy, at 9:26 AM  

wow! congrats! :)

By Blogger tin-tin, at 12:14 PM  

ang mahal naman! magandang laptop na yan dito eh!

hehehe, pero oks yan!

hmmm, wala lang!

By Blogger Mmy-Lei, at 12:42 PM  

ayos! ganda ah... sana may magbigay sakin ng ganyan. hahaha.

yan wala na kayong agawan sa pc nyan, hehe

yngatz!

By Blogger Lalaine, at 2:27 PM  

Tagal ko nang hindi humawak ng computer on a board level. Yung last time, dalawa pa yung 1.44MB floppy drive kasi dalawa ang kelangan para mapatakbo mo ang PrintMaster at WordPerfect 5.1! Congrats KD!

By Blogger watson, at 3:50 PM  

Congrats! you made it...hindi madaling gawin 'yan...at ang specs bigatin and ang price...hmm mas mabigat he he:)

By Blogger nlz......, at 4:29 PM  

bigatin manong kadyo! laki ng natipid o na save mo.

By Blogger Juana, at 4:39 PM  

galing naman! very powerful piece!

your specs will be very handy for some (i might be one) who wants to assemble theirs in the future!

By Blogger Princess of CJ, at 6:52 AM  

astig ka talaga kadyo! keep it up!

By Blogger Mish, at 1:48 PM  

wow! buo na~ pwede na bang hiramin yang pc mo kuya? try ko lang naman kung talagang maayos nga....paki send na lang dito....hehehe....

By Blogger idealpinkrose, at 3:36 AM  

cool gadgets u got there! :)

By Blogger -trish-, at 3:05 AM  

di ko man lang nasilip ah.. natapos na rin... kaya pala me panahon na naman mamasyal sa geant store hehehhe....

ano raw ung nakita ni ka uro... braso mo hehehehe...


oooppps no comment

By Anonymous kneeko, at 3:02 PM  

Post a comment

<< Home