KaDyo

Tuesday, August 15, 2006

Never let a computer know you're in a hurry.

Taong 1986 nang unang namulat ako sa mundo ng mga computers. Nasa 4th year na ako sa Saint Louis University noon at Basic Computer 411 yata ang pangalan ng subject namin na iyon. After ng isang oras na theory kung saan pinapaliwanag ng aming professor ang mga parts at function ng computers ay nagtungo naman kami sa laboratory para sa application. At doon nga sa lab room, sa unang pagkakataon ay nasilayan ko ang isang computer, ang IBM Personal Computer XT o kilala sa tawag na IBM PC/XT. Siguro ang iba sa inyo ay hindi na inabot ang dinosaur este computer na ito pero kami nina fafi KU at fafi Atoy ito ang “astig” computer noon hehe. Bakit astig? Eto ang specs;

Processor: Intel 80286 microprocessor running at 8 MHz
Memory: 128 kB
Hard drive: 20 MB
Disk drive: 360 kB double-sided 5 1/4"
Operating Sytem: PC-DOS
Monitor: monochrome


Ang Dinosour hehe...



Kung noon eh mabagal, limited ang mga functions, mahirap tandaan ang mga commands at hindi user-friendly, kabaligtaran naman ang computers ngayon. Ibig sabihin hindi lang marami kang magagawa, mas mabilis mo pa ito na matatapos, ika nga pwedeng kang mag-multi tasking. Example habang nag-uupdate ka ng blog mo eh naglalaba ka, namamalantsa at naglilinis ng bahay hehe.


Siyanga pala on-going pa rin ang aking “project” inuna ko nang binili ang monitor at the rest of the parts ay sa Wednesday na lang. Tamang tama sa weekend mabubuo ko na ito.
Eto pala ang specs ng aking ia-assemble na PC:
Processor: AMD 3800+ Dual Core X2
Motherboard: MSI K9N SLI Platinum
Memory: 1Gb DDR
Hard Drive: 250 Gb Sata
Video Card: MSI 6600GT


Ang Processor



Ang Motherboard


Ipag-pray nyo na maging successful ang aking project na ito hehe. Hanggang sa muli at laging tatandaan na A friend accepts us as we are yet helps us to be what we should.

34 comment(s):

Goodness I still remember those times where we have to memorize all those commands. How swiftly technology changed!

By Blogger AL, at 7:08 PM  

... aww kakatuwa naman dating mga computer no? siguro kung ganyan ang ginagamit ko ngayon malamang away kami lagi ni hubby haha...^_^ kase mabagal, naalala ko tuloy nung nagloloko na dati naming pc, di ko sya tinigilan hanggang naasar ibinili ako ng bago hehe..^_^ bait ko di ba? oops si hubby pala :P

... goodluck sa project mo, mukhang best of the best yang gagawin mo ha? galing naman ni KD... chat tayo nila Ann pag gawa na ha ^_^

goodnight...narinig ko sigaw mo sa tag ko thanx!

cheers,
-kathy-

By Blogger lil _kath, at 8:06 PM  

parang natatandaan ko, grade four lang ako nung nakilala ko yang mga green colored monitors na yan...tapos ikaw fourth year college na? hehe, sorry po for putting emphasis on the age :)

goodluck sa project niyo! i'm sure masaya at malaking accomplishment pag up and running na ang bago niyong pc... :)

By Blogger gracita, at 9:55 PM  

Huwaw! I'm sure okay yung project na yan. Parang top of the line ang mga gagamitin ah! Mga dual processor! woohoo! Ok yung mga computer na yun. Naalala ko nung kasama ko tatay ko sa SLU (nagturo kasi siya dun), nakikita ko na ang mga dinosaur na yan hehehe. Siguro pag ngayon ginamit yan, bukas eh hindi mo pa matatanggap tong comment na ito. hehehe. Salamat pala sa pagdalaw sa sayote farm :)

By Blogger Sayote Queen, at 12:27 AM  

Heheh! Si TE Gracita nambubuking ata ng Age? hah! joke!
Of cors nman kaya moyan suporthan taka! hahah! ganda nga ng flat screen eh! for sure ganda ang beauty ko jan! hahah!

By Blogger tutubing_karayom, at 2:30 AM  

Awww.. kaaliw nman.. imagine how technology developed that fast!!

Dati sobrang limitado ang mggwa.. ang games nga lang noon e "JUMP".. ewan ko lang kung alam nyo yun.. pero yun lang ang kaya ng pc nmin noon na pahiga pa ang CPU.. :) hehehehe

Anyways.. Goodluck. Aabangan ko matapos yang project mo.. ng makapgtnong ako kung mgkno nagastos mo..

Nagpplano din kc ko magdgdg ng PC's.

Bilisan mo a! heheh(Demanding ba?)

By Anonymous Devilicious, at 3:15 AM  

hindi ko pa to nasabi, "goodluck nga sa project mo!" kakakakot nga yung mga computers noong mga unang siglo. ahihihihi. ngayon, kung di ka pa makaintindi sa paggamit ng pc, pwede ka na rin niyang iumpog at sabunutan. pero mga bata dito sa amin, gagaling na. marunong na rin magcheck ng mga porn sites. kakaloka.

By Blogger Mish, at 4:29 AM  

i treated the computer as type-writer nga, unang kita namin. magkaaway ang kamay ko at ang keyboard. hehehe!

By Blogger Princess of CJ, at 5:33 AM  

Naku Kadyo, nasa 1st or 2nd year ata ako sa SLU nung first ako nakatouch ng computer exactly like that. Siguro nagkabangga na tayo nun.. kaya lang baka inisnab nyo beauty ko kasi 1st yr pa lang ako at 4th yr na kayo. What a small world huh?

Good luck sa project mo.
Ako rin kelangan ng mag-upgrade. Kasi antagal ma-load ng blog mo, marami atang graphics...

By Blogger Leah, at 5:46 AM  

gudlak! ako rin igawa nyo pc! hehehe

By Anonymous vemsan, at 6:43 AM  

ang tindi! AMD athlon dual processor ah!!!

talagang labs mo si tita ann, gusto mong laging mabilis ang pag-surf nya at pagchat... hehehe!

d na kita bubukingin kung anong grade ko nagamit yang jurassic computer na yan! nyahahahaha

By Blogger Mmy-Lei, at 7:25 AM  

KD, sa SLU ka rin nag-graduate? Anong year? ECE ako!

Noong 4th year high school ako nagkaroon ng Computer Science sa Boy's High. Napunta sa Practical Arts teacher namin yung course, na obviously bago pa rin sa kanya ang computer science. One time gumawa sya ng BASIC program. So lecture sya. Tapos nung pinaandar na nya yung program, hindi yung expected result ang lumabas! Naubos ang time namin staring at him while he tried to figure out what went wrong. Ayun, nabansagan tuloy syang Syntax Error.

By Blogger watson, at 11:19 AM  

im really praying hard that you will be able to finish up your project this weekend. just make sure na walang kasamang battery pack yan na galing sa dell. hahaha!

pang-jurassic park nga yang computer na yan (i mean the one with 20MB hard drive)

By Blogger Owen FV, at 4:27 PM  

Grabe naman ang computer memory noon, sobrang laki anoh?

Good luck sa project nyo tito KD. Mukhang maganda at malaki ata yan ha.

By Blogger Raquel, at 6:08 PM  

yesssss..... eto nnnaa! sa wakas, nasimulan mo na rin ang iyong proyekto kuya! konting bilis pa para sa susunod makasali ka na sa conference! hehehe!

gudlak po!! yiheeee....

By Blogger rHo, at 10:53 PM  

mabuti ka pa nga orig na IBM PC ang una mong nasilayan. at may hard disk pa. if i remember, yung una kong nagamit Apple II na compatible. nung mag IBM kami, compatible din. yung may pindutan pa ng "Turbo" sa harap at walang HD.

kainggit ang specs ng project mo! parang gusto ko na rin tuloy mag-apgreyd. good luck sa project mo.

By Blogger Ka Uro, at 6:06 AM  

aminin ko naabot ko yan sa skul nmin, ang hirap nga kc daming disket na ggmitin, dos, worperfect, lotus at etc. at ang bagal tlga. pero ngayun GUI na hi-tetch na.

oki ang specs ng pc mo ha, hi-end na dula core pa, tyak maglulundag si ann kc lahat ng blog mabibisita within 5mins hehehe.

By Blogger tekla, at 10:59 AM  

Goodluck sa iyong project! Saludo ako sa mga taong nakakapag-build ng computer from the scratch kasi parang napaka-complicated nito.

By Blogger Rhada, at 2:57 PM  

hehhe kakatuwa nga yong mga old puter.
Unang dating ko dito sa Lux isa lang yong puter ni husband after 1 week bili sya ng new para sakin kase agawan nga kami hehhe at ngayon 3 years na ako dito naging 4 pc and 1 laptop na dito kung titignan mo 'tong computer room namin parang internet cafe hehe...kase nga pag may makitang promotion aba ma tempted agad kaya ayon dumami ang pc dito :)
Sana darating na rin yong pinaka hi-tech na pc o wireless laptop na kahit malayo sa hot spot pedeng makapag access ng internet...haay kelan kaya yon,.

By Anonymous ethel, at 1:11 AM  

oooppsss...ngayon ko lang nalaman na meron palang ganong computer hehehe...kawawa naman si cpu nabibigatan kasi nakapatong si monitor sa kanya...sabagay ang liit naman ksi ng monitor...hehehe...

oh wow! malapit ng mabuo ang project hehehe...

By Blogger idealpinkrose, at 3:36 AM  

siguradong pasado ang project mo! kaya goodluck and have fun!

By Anonymous juana, at 9:46 AM  

hahahahhahahah... That was the first computer I ever touched too! Graduate din ako ng SLU (Loyalty medalist.. elementary hanggang college) I did a similar post too on obsolete technology, pero yung saken ay ang Family Computer. :) Blogroll kita ha. Louisians Unite!

By Blogger Alternati, at 5:58 PM  

AL Bjørnstad, ang hirap noon diba kasi ang daming mga commnds tapos very time consuming pa hehe unlike today's technology just one click eh ang dami nang nagawa.

By Blogger KaDyo, at 8:00 AM  

gracita, nyek hehehe pareho na pala kami ng PC na yun na dinosaur na hehehe..oks lang talagang ganun buhay hehehe

actually tapos na sya nitong friday kaya lang di pa napower up kasi may bisita kami from a far away land hehe

By Blogger KaDyo, at 8:45 AM  

Sayote Queen, wow anong subject tinuturo ng tatay mo baka naging prof ko pa sya hehee. Talaga san na nakalagay ang mga dinosaur na yan sa museum ba hehehe.

mahirap gamitin yan ngayon sa pagblog di ko alam ang codes sa pagcomment eh hehehe

By Blogger KaDyo, at 8:52 AM  

tutubing_karayom, oks lang tubs bee nagsasabi naman ng tutot si ate grace nyehehehe. salamat slamat slamat ulit hehe

By Blogger KaDyo, at 9:07 AM  

Devilicious, oo nga ang bilis kahit na ngayon yung specs ng PC pataas ng pataas (parang spaghetti song hehe)

oo natatandaan ko pa yan, pinagpawisan ako ng malagkit dyan sa exams namin eh ehehe, yung games natatandaan ko pa rin heheh.

sige post ko rin kung magkano ang inabot =D. opo opo hehehe salamat din sa pag comment =D

By Blogger KaDyo, at 9:11 AM  

Mish, salamat sa pag-goodluck, tama ang sabi mo actually mrami noon ang medyo hands-off sa computers kasi medyo ang hirap ispelengin hehe di tulad ngayon na user-friendly na. kaya lang yung iba sa sobrang user-friendly ay marami nang nagagawa na medyo di maganda =D

By Blogger KaDyo, at 9:38 AM  

Haha! Nakakatuwa yung dinosaur... green pa yung monitor. Nagkaron din ako ng ganyan tapos ang bagal din ng printer. Alala ko framework pa yung software. Good luck sa paggawa ng computer ha!

By Anonymous Toe, at 11:00 AM  

hehe astig yong computers dati!
parang yong pang-ultra sounds sa hosipital!!!

goodluck po sa project mo!

salamat sa pagdalaw sa aking Boop!!!

By Blogger yorokobee, at 11:10 AM  

naku..hindi ko maisip kung anung pedeng gawin dyan sa dinosaur na computer na yan!!maswerte na pala generation namin..hindi kami gaanung nagpakahirap sa mga commands na kelangan pa imemorize..pero syempre mas magiging maswerte ang susunod na generation..

anu po bang project yan??gumagawa po ba kau ng makabagong pc??o new program??

gudluck po ah! pag-pray ko po kau! ^___^

By Blogger rUth, at 11:17 AM  

ha haa!meron pa bang gano'ng computer ngayn? well, well...goodluck sa project mo kd..ok lang link mo 'ko!

By Blogger nlz......, at 5:50 PM  

Kami, iisa din lang ang computer dito sa bahay. Eh 5 kami kaya pila din sa paggamit. :) Kaya lang wala pa kaming pambili ng isa pa sana.

By Anonymous niceheart, at 9:49 AM  

buo na yan di ba?

honga.. hirap tlaga ako nun sa computer lab subject ko...

iba ung alam kung gawin eh hehe

By Anonymous kneeko, at 10:34 AM  

Post a comment

<< Home