KaDyo

Sunday, September 10, 2006

Anniversary Meme ni ninang ethel

September na pala, ang bilis talaga ng panahon. Ano ba ang mga okasyon na ating pinagdidiwang sa buwang ito...simulan natin sa mga birthdays; una Kaarawan ng ating mahal na ina si Mama Mary, pangalawa kaarawan din ng ating kaibigang tutubeng karayom na kahawig ni Piolo este ni Juday pala na ang petsa ay sinabay pa ng mga terorista sa pagbomba sa amerika. Kaarawan din ng aking mahal na ina at kapatid na babae. Sa nga nagdidiwang ng kanilang mga kaarawan sa buwan na ito; Maligayang kaarawan sa inyong lahat.
Pangalawa, sa buwang ito ay naghuhudyat sa ating mga Pilipino pagpapatugtog ng mga awiting pamasko, paghahanda ng mga christmas decorations at pamimili ng mga regalo sa kanilang mga inaanak.....yung aguinaldo ko ha =D..
At last but not the least eh sa buwang ito isang taong anibersaryo ng aking munting kubo. Kung nagtataka kayo bakit January ang simula ng aking post at hindi September ganito po yan. That time bagito pa lang ako sa blogging at siyempre maraming gustong ilagay sa template. Ayun sa sobrang kalikutan nadelete ko lahat ng aking mga previous post hehehe.

At dahil 1 year na ang aking one-step-at-a-time sasagutin ko ang regalong meme ni ninang ethel sa akin.
eto daw ang rules:

Eto naman ang aking sagot

I’m tall.-----, 5’7 pag nakatayo hehe
I think I’m really attractive.-----Sabi ng nanay ko pugi daw ako hehehe
I prefer winter over summer.-----Oo
I get drunk easily.-----ngayon medyo kasi kahit non-alcoholic lang nalalasing na agad ako eh hehehe. Pero noon matagal bago ako malasing.
I do drugs.-----Paracetamol lang.
I brush my hair at least 50 times a night. -----Hmmm, 49 times lang eh.
I’m religious.-----medyo.
I’m hardworking.-----medyo.
I’m good at History.-----History nino? ni kneeko? =D
I speak more than two languages.-----Tagalog, English at konting kapampangan (konti lang ha)
I enjoy taking pictures.-----Oo naman antayin nyo ang pagbubukas ng aking studio ha
I enjoy spending money on others.----Oo naman especially para sa family.
I have a regular income.-----Oo
I pay my own bills.-----Oo
I can cook.-----Oo naman, expertise ko ang pagluto ng scrabbled eggs kaya lang minsan ay nasusunog pa hehe
I enjoy cleaning.-----Yah
Tidyness is a must in my life.-----yah
My idea of good music is-----yung may music siyempre hehe.
I’m fashion-conscious.----- minsan.
I have good taste.-----Oo naman, look at my wisheart for edibens =D
I excel academically.-----Hinde eh, MS word at Powerpoint lang hehe.
I’m good at sports.-----Hmm medyo, I love to play basketball, table tennis at tumbang preso.
I’m artistically inclined.----Standing up lang hehe.
I wanna be an artist when I grow up.-----Hmmm too late hehe.
I wanna be an engineer when I grow up.-----been there done that.
I’m interested in politics.-----Yap I wanna be the president of United States of Pampanga.
I download MP3s.----- Wag ka maingay ha hehe.
I’ve done underage drinking.-----Oo naman
I’ve gone underage clubbing.-----Yah.
I can dance reasonably well.-----Kantahan na lang.
I can dance extremely well.-----Sabi nang kantahan na lang eh.
I dance like a cardboard gorilla.-----kuleet mo ha.
I can sing.-----Yan, dyan magkakasundo tayo.
I can swim.-----Sa tubig? Oo naman
I enjoy surveys-----minsan.
I’ve been in a nudist colony.-----ano yun hehe.
I annoy people from time to time.-----bwahahahahaha
I’m a born leader.-----Of the band?
I have a foot fetish.-----Dog lang ang gusto kong pet
I wanna be-----J.Lo. ano raw???
I dance in the rain. -----yah
My favourite color is pink.-----Si ninang ethel paborit ang pink =D
I’m musically inclined.-----konti
I like listening to music.-----Oo naman
I like music-blasting cars.-----konti.
Thongs are comfortable.-----Ano yan, yan ba yung ginagamit sa kusina?
I like flip-flops.-----yah.
I know what monogamy is……and I believe in it.----- Oo.
I have sibling/s.-----yah 1 brother 2 sisters
I believe in LOVE. -----Yah

Ang aking papasahan ng meme na ito ay walang iba kundi si ....

Saturday, September 02, 2006

mission accompleased

Magmula pa noong huwebes ay problematik si wisheart ann kasi yung Internet explorer ng computer sa bahay ay medyo tinotopak. Hindi sya maka log-in sa blogger account nya at syempre di rin makapag-update. So sinubukan kong i-update ang blog ko, aba okay naman, napost ko pa nga di ba yung kay Pareng TJ. Nang nalaman nya nakapag-update ako, sinubukan nya agad pero no dice hehehe....ayaw talaga. Nagsimula nang magsalubong ang kilay ni wisheart (naku grabe na ito hehehe). Pakita ko raw sa kanya kung paano ginawa ko sa blog ko, edi ipakita masunurin naman ako na bate eh. Naku nadisgrasya na ayaw na rin magbukas ang account ko sa blogger. Anong nangyari? Dalawa na kami ngayon na problematik =D

Nag-suggest ako sa kanya na i-try muna nyang nag-update via email. Matapos ng ilang minuto ay narinig ko siyang nagsisigaw at nagtatatalon sa loob ng kuwarto, sugod ako baka kung napapaano na si wisheart. Ayos daw yung suggestion ko hehe nakapag-update na rin sya ng blog sa wakas, pero matapos akong pupugin ng halik eh biglang napakunot na naman ang kilay, paano daw kung may picture na yung ipo-post nya. Napakamot na naman ako ng bumbunan. Sabi ko pagtiyagaan muna nya habang hahanapan ko nang solusyon ang aming dilema.

Noong biyernes sinubukan namin ni wisheart ang iba't ibang position este solusyon pala. Oy yung mga below 18 yrs old dyan (attn. TK & mmy-lei) pls. disregard the previous statement hehe. Andun na yung mag-sign in kami sa beta version ng blogger (nakita namin kasi ang bagong blog ni vemsan) pero wala pa rin. Sumagi rin sa isip namin ang lumipat sa wordpress at kung ano ano pa. Pero inabot kami ng ala-una ng umaga na luhaan hehe.

Sabado, ito agad ang inasikaso ko; kinumpara ko dito ang mga settings sa security, privacy at kung ano-ano pang cookies na yan. Eto pala ang excerpts ng telephone conversation ni wisheart at ang tech support ng microsoft hehe...

KD: Na-open mo na ba yung account mo?
wisheart: Hindi pa rin eh
KD: tsinek ko setting dito...Sige punta ka sa tools
wisheart: Saan ako pupunta? Tools? Saan makikita yun?
KD: hehe magbukas ka ng IE, tapos sa itaas makikita mo yung Tools
wisheart: di mo naman sinabing magbukas ng IE, babatukan kita dyan eh. O ano susunod
KD: punta ka sa Internet Options tapos privacy, then default. Click OK
wisheart: Ok
KD: Sara mo lahat ng IE tapos bukas ka ulit. Tapos check mo kung ok na account mo
wishert: Ba mukhang okay ah, na-open ko na account ko, teka try ko na mag-update. (after 5 mins)
wisheart: ganun pa rin eh, laging "the page cannot be displayed" ang nakikita ko sa screen. tsaka may mata sa bandang ibaba
KD: ano? anong mata
wisheart: sa ibaba yung tabi ng globe at nakasulat na intenet
KD: sige nga click mo, ano lumabas
wisheart: privacy report daw, nakalagay yung mga naka-block na cookies, kasama yung sa blogger, cbox at ang dami pa, ano gagawin ko
KD: punta muna ako ng CR sandali hehehe, joke lang. Sige punta ka sa "advanced" tapos click mo yung "automatic override cookie handling". Ok then open ka ulit ng IE.
(after few minutes)
wisheart: aba mukhang na tsambahan mo ah ayus na-post ko na yung update ko. May kiss ka sa akin mamaya hehe. Thank you.

Mission accomplished! Hirap talaga pag wisheart mo eh adik...adik sa blogging hehehe.

Friday, September 01, 2006

Tuloy po kayo pareng TJ






Hindi po ako 'yang ng nasa picture. Lamang lang po sya ng dalawa errr dalawangpung paligo sa amin ni fafa KU hehehe.

Kung lagi kayong nanood ng shows GMA-7 o ABS-CBN malamang eh kilala ninyo sya. Dito sa amin, tuwing huwebes ay napapanood namin ang kanilang show ni Connie Sison na "Kuwentong Disyerto"o KD for short ..o diba plugging din ng name ko hehehe.

Kaya po siya ang naka feature sa aking post ngayon ay sapagkat meron na rin po siyang blog...ang buzzer beater . Pasyalan nyo naman at suportahan ang aming kapwa artista na sina wisheart ann, Abaniko, Agring, Aileen, AL Bj0rnstad, Analyse, Anap.s., Basey, Bats, Bernise, Bethski, Big Daddi, Bing aka juliet, Bunsoy Jane, C saw, Candice, cEcilLe, Cielo,Cruise, Darkblak, Darlene, Darna, Des, Diane soul_seeker, Din, Diway, Doc nikki, Donald, Duke,Ella Rose, ELlen, Evi, Fafa Atoy, fAfA KU, fafa tanggerz, FlexJ, Garnet Girl, Ghie, Glo, Goryo4u, Harvey & grace, Hezel, Honeypooh, HusengBusabos, Icia, Intiendes, JAde, Jairam,Jaja, Jay david, Jey, jHo, Jim Paredes, JLois, Jo, Joan, Jologs Queen, Juana, JuLiUs, Justice,Kangel, Karen, Karmi, Kat, KAtriNa, Kianah, Kneeko, Kring, Lady_Butterfly, Lalaine, Lani,Laureen, Laureen Anne, Leah, Lil _kath, Lojika, Major Kontrapel, Mareng locamama, MarhgiL,Mark, Marni, MasterBetong, Mauie, Melai, Michelle, Mika, Mish, MistyJoy, mOmmy lei, Myepinoy, nang ethel, Noemi, Nona, noreen, Owenfv, Patrice, Patricia, Phobe, Pie, Pipay, pObs,Princess of CJ, Rachel, Raquel, Rems, Rhada, Rho-anne, diosa4ever, Rob, RougeMaxi, ROyCe,ruthing, Sasha, sassy lawyer, Sayote Quuen, Shadow lane, Single guy, Starrfish, Steph, T-K,Teacher kai, Teacher Sol, Tekla, vEm SaN, Vicky, WatsOn, Wendy, Weng, wifely steps, YEyE at ^suplada ^

Welcome to the blogging world pareng TJ Manotoc.