KaDyo

Saturday, September 02, 2006

mission accompleased

Magmula pa noong huwebes ay problematik si wisheart ann kasi yung Internet explorer ng computer sa bahay ay medyo tinotopak. Hindi sya maka log-in sa blogger account nya at syempre di rin makapag-update. So sinubukan kong i-update ang blog ko, aba okay naman, napost ko pa nga di ba yung kay Pareng TJ. Nang nalaman nya nakapag-update ako, sinubukan nya agad pero no dice hehehe....ayaw talaga. Nagsimula nang magsalubong ang kilay ni wisheart (naku grabe na ito hehehe). Pakita ko raw sa kanya kung paano ginawa ko sa blog ko, edi ipakita masunurin naman ako na bate eh. Naku nadisgrasya na ayaw na rin magbukas ang account ko sa blogger. Anong nangyari? Dalawa na kami ngayon na problematik =D

Nag-suggest ako sa kanya na i-try muna nyang nag-update via email. Matapos ng ilang minuto ay narinig ko siyang nagsisigaw at nagtatatalon sa loob ng kuwarto, sugod ako baka kung napapaano na si wisheart. Ayos daw yung suggestion ko hehe nakapag-update na rin sya ng blog sa wakas, pero matapos akong pupugin ng halik eh biglang napakunot na naman ang kilay, paano daw kung may picture na yung ipo-post nya. Napakamot na naman ako ng bumbunan. Sabi ko pagtiyagaan muna nya habang hahanapan ko nang solusyon ang aming dilema.

Noong biyernes sinubukan namin ni wisheart ang iba't ibang position este solusyon pala. Oy yung mga below 18 yrs old dyan (attn. TK & mmy-lei) pls. disregard the previous statement hehe. Andun na yung mag-sign in kami sa beta version ng blogger (nakita namin kasi ang bagong blog ni vemsan) pero wala pa rin. Sumagi rin sa isip namin ang lumipat sa wordpress at kung ano ano pa. Pero inabot kami ng ala-una ng umaga na luhaan hehe.

Sabado, ito agad ang inasikaso ko; kinumpara ko dito ang mga settings sa security, privacy at kung ano-ano pang cookies na yan. Eto pala ang excerpts ng telephone conversation ni wisheart at ang tech support ng microsoft hehe...

KD: Na-open mo na ba yung account mo?
wisheart: Hindi pa rin eh
KD: tsinek ko setting dito...Sige punta ka sa tools
wisheart: Saan ako pupunta? Tools? Saan makikita yun?
KD: hehe magbukas ka ng IE, tapos sa itaas makikita mo yung Tools
wisheart: di mo naman sinabing magbukas ng IE, babatukan kita dyan eh. O ano susunod
KD: punta ka sa Internet Options tapos privacy, then default. Click OK
wisheart: Ok
KD: Sara mo lahat ng IE tapos bukas ka ulit. Tapos check mo kung ok na account mo
wishert: Ba mukhang okay ah, na-open ko na account ko, teka try ko na mag-update. (after 5 mins)
wisheart: ganun pa rin eh, laging "the page cannot be displayed" ang nakikita ko sa screen. tsaka may mata sa bandang ibaba
KD: ano? anong mata
wisheart: sa ibaba yung tabi ng globe at nakasulat na intenet
KD: sige nga click mo, ano lumabas
wisheart: privacy report daw, nakalagay yung mga naka-block na cookies, kasama yung sa blogger, cbox at ang dami pa, ano gagawin ko
KD: punta muna ako ng CR sandali hehehe, joke lang. Sige punta ka sa "advanced" tapos click mo yung "automatic override cookie handling". Ok then open ka ulit ng IE.
(after few minutes)
wisheart: aba mukhang na tsambahan mo ah ayus na-post ko na yung update ko. May kiss ka sa akin mamaya hehe. Thank you.

Mission accomplished! Hirap talaga pag wisheart mo eh adik...adik sa blogging hehehe.

32 comment(s):

nyahahahaha!

may mata na pala IE nyo!

buti nalang naayos mo kundi wala kang kiss mamya!

By Blogger Mmy-Lei, at 2:38 PM  

weeeeeeee!! sa wakas hindi ko na kailangang bumaba ng bumaba para lang makapagcomment yipeeeeeeeeeee!!!! teka tito KD la naman pong masama dun sa comment ko ke crush diba? waaaaahh feeling ko nga magiging crush nya rin ako after niya mabasa yun e lol!!! wag ka alala kung magiging blogger na nga siya dapat lang masanay siya sa kasweeetan ng mga blagerista diba? wag ka dalit sa kin plsssssssss.

teka komento ko, kung nagkataon palang hindi naayos ang blog ni tita ann e di outside de kulambo ka? :)
sa IE ata allow lang yung sites na ginagamit nyo :)

By Anonymous melai, at 3:10 PM  

hahahahhahaha......

mahirap nga magkaroon ng adik (sa bloggong) na misis... di makautlog kung di makaopen ng blog hehehe....

me balak ka ba iparehab si wishart mo hehehe

By Anonymous kneeko, at 3:41 PM  

KISS lang???matapos ang lahat? wag ka pumayag! ha ha!
marami talaga problema blogger lately..di ko rin ma-open ang ibang site...

By Blogger nlz......, at 4:16 PM  

hahaha! nakita ko rin minsan yang matang yan na akala mo'y may extreme case ng sore eyes. sa sobrang imbiyerna ko dahil na-experience ko rin yan eh akala ko pati ako magkaka-red eyes na rin. :lol:

By Anonymous pao, at 5:00 PM  

hahaha...

how sweet nyo naman po ni ate ann.. talagang with hampasan pa! hahaha.. :)

sana ganyan din nanay at tatay ko.. nagbo-blog...

pero teka, ibig sabihin non, sila na lang lagi ang nakaharap sa PC.. waaaaa.. wag na pala!!! hehehe....

By Anonymous karmi, at 5:37 AM  

buti na lang mission accomplished otherwise outside the kulambo. hehehe... ",)

By Blogger JO, at 5:22 PM  

Sayang hindi ka nabatukan,,, hmmppp... hahah joke!! galing mo nman mag trouble shooting.

By Blogger tutubing_karayom, at 8:14 AM  

ay naku oo nga buti naayos mo agad kasi may mata na...mata ni virus yon! hehee

sabi nga ni ate Ann, di nya daw makita mga post pics ko...pero dati nakikita nya raw,e wla nman akong binabago e! baket kaya?

By Blogger yorokobee, at 10:43 AM  

ano ba yan ninang parang naglalaro lng kayo ha..ang saya saya nyo ^_~

By Blogger tekla, at 11:55 AM  

hahaha! adik nga si mommy ann! buti na lang maabilidad ka, KD. =)

By Blogger riadiosa, at 2:50 PM  

... hehe position ha? nadulas ka na, binago mo pa ^_^lol!

... **OOps!! Oy yung mga below 18 yrs old dyan (attn. TK & mmy-lei)**

... aww pati ba si Lei?? lagyan mo dito ng ng parental guidance KD ^_^ Buti naman naayos nyo na pc, back to blogging na si Ann ^_^

By Blogger lil _kath, at 2:58 PM  

Bwahahhaha.. coolit ninyong dalawa.
Galing ni fafi na solved agad!
sobrang adik sa blogging eh.

Yala masalam!

By Anonymous ethel, at 6:17 PM  

thanks for sharing, minsan me topak din tong IE ko, at least i know what to do next time.

By Blogger Analyse, at 7:52 PM  

heheheeh, sweet nyo naman ni Ann, hirap talaga pag adik na sa blogging ano?

regards po sa family nyo!

By Blogger Ghie, at 10:56 PM  

di mo ba ni-try ang firefox?
hirap magturo sa wisheart ano?

By Blogger Ka Uro, at 12:40 AM  

hahahaha... kakatuwa naman kayo! iba talaga pag mga adik ano?! hihihi... buti na lang fafah KD to the rescue... o may libreng kisssh pa!

ingatz po lagi and thanks ng marami!

By Blogger rHo, at 4:33 AM  

sfckkmmy-lei, ako din nagulat nang sabihin ni wisheart na may mata raw yung IE buti na lang at nagbabasa ako ng browser tips noong oras na yun heheh.

di lang kiss no, may pamiryenda pa na kape at sandwich

By Blogger KaDyo, at 10:49 AM  

tita melai, hehehe long time crush mo pala si pareng TJ ha (binisto na ) okay lang yun pansin ko nga na marami nang pumapasyal sa blog nya TY ha.

kailangan talagang ayusin kasi outside the kulambo nga ehee (wala naman kulambo dito ah)

By Blogger KaDyo, at 10:52 AM  

kneekong, hindi na tayo tatanggapin ng rehab malala na raw tayo eh, ikaw ang mayor doon diba hehehe

By Blogger KaDyo, at 10:53 AM  

nona, more than enough na po yung kiss ni wisheart hehehe. I think gusto ng blogger na mag beta tayo hehehe

By Blogger KaDyo, at 10:56 AM  

pao, hehehe nakita mo rin pala yang dreaded na mata ng IE. ako nga muntik ko nang i-reformat ang PC kasi di talaga maayos eh, buti na lang nakuha sa tiyaga hehe

By Blogger KaDyo, at 11:09 AM  

karmi, =D pagnagkataon na si nanay at tatay mo eh magbo-blog kailangan nyo nang dagdagan ang PC nyo sa bahay heeheh

By Blogger KaDyo, at 11:12 AM  

JO, hehe kaya nga hindi ako tumigil hanggat di ko nakita kung paano maayos eh =D

By Blogger KaDyo, at 12:13 PM  

tutubis, bah gusto mo pa pala akong mabatukan ha hehehe

By Blogger KaDyo, at 12:15 PM  

yorokobee, firts time ko rin syang makita ah akala ko nga noong una na pop-up blocker lang pero sabi ni wisheart na privacy report daw lalo akong naguluhan hehehe. Mat time na okay blogger dito at nakikita namin ng apics pero most of the time ay naka ekis lang at walang picture. pero pag gumamit ang blogger ng imagecave o my filehut kita namin anytime =D

By Blogger KaDyo, at 12:20 PM  

yan ang couple kasama yan sa sinumpahan nyo. for blogger or worst. er better pala (halata bang adik na rin?)

By Anonymous juana, at 1:28 PM  

minsan nga nagloloko ang IE noh. pag nagrereklamo nga ako tungkol sa IE, sinasabihan ako ng Kuya ko na gumamit nalang daw ng Mozilla. eh sa ayaw ko eh. haha.

By Blogger Laureen, at 11:44 PM  

Tapos ng kiss?

By Blogger Pipay, at 12:37 PM  

Congratulations Mission Impossible I mean accomplished pala. hehehehe! Buti nalang adyan ka very supportive kay Ann.

By Anonymous agring, at 4:20 PM  

Bwehehehe naalala ko tuloy noong time na wala pang blog si Ann at nakikigamit ng account mo at nag-comment sya sa blog ko at nalito ako kasi di ko alam na wife mo sya t ayun nagka-blog na rin si Ann at ang saya-saya na at happy weekend sa inyo!

Pero sa totoo lang, nakakaasar pag something goes wrong with your blog ano? All the kwento, blood and tears you put into your blog might disappear! Paano ba gumawa ng backup sa blogger? Yung pwede mo ma-burn sa CD for example? Baka alam mo KD, share naman o.

By Blogger watson, at 2:01 PM  

mas mahirap naman tsong yung adik na nga sa blogging tapos pag naka-encounter ng problema walang mapagtanungan. buti ka nga at "high tech", si abay ko walang kamuwang-muwang sa ganyan...

By Blogger katrina, at 9:26 PM  

Post a comment

<< Home