KaDyo

Sunday, November 26, 2006

May tama ka kneeko

Ehem ehem mic test mic test ..hehe sensya na po sa inyo at ngayon lang ulit nakapag-update. Nasa training po kasi ako ngayon at walang internet access doon, di tuloy ako makadalaw sa mga blog ninyo.
Buti na lang at kinailangang umuwi sa Germany ang aming instructor dahil may aasikasuhin daw sya na importante. So habang hinihintay natin ang kanyang pagbabalik magboblog muna ako at akin na ring ilalahad ang mga katotohanan at kasinungalian mula sa aking previous post. Salamat nga pala sa mga nanghula at mga di humula.... ang gagaling nyo, siguro kamag-anak nyo si madam auring o si mystica hehehe.

Salamat din pala sa mga nag-iwan ng mga commnets sa aking shoutbox.

Ang Totot:

1.) Ang pangalan ko ay kinuha ng aking lola mula sa pangalan ng dalawang patron saint ng aming probinsya - Kwento ng aking nasirang lola na kinuha daw nya kina Santa Catalina at San Jose ang pangalan ko.
3.) Sa aming apat na magkakapatid ako ang pinakamaputi at mukhang artistahin - Sa maniwala kayo o sa hindi ako lang ang maputi sa aming magkakapatid. Namana ko yan sa nanay ko na mestisa, yung artistahin eh give away na diba hehehe (pagbigyan nyo na ako tulal malapit na pasko heheh)
5.) Naging kaklase ko si Maricel Soriano noong ako ay nasa Grade 4 sa Saint Mary’s Academy-Pasay - O diba pati mga classmates eh artista hehehe, sabi ko nga kay princes of CJ, kasabay ko pa sya sa school bus.
8.) May balat ako sa tiyan na hawig sa mapa ng Pilipinas - Sa tyan lang ha wala sa pwet
9.) Mula elementary hanggang high school ay miyembro ako ng school choir-lalalalalala…ehem ehem
10.) Mayroon akong kuntil sa kanang tenga - May post ako noon tungkol dito..may picture pa nga eh.
11.) Favorite kong prutas ang Durian at guyabano - Mula pa noon, all time favorite ko na talaga ang guyabano. Yun namang Durian, magmula ng makatikim ako ng durian candy na-addict na ako, ayoko lang talaga yung amoy
13.) There was a time na nagkaroon ako ng collection ng labing-limang piraso na caps at hats - Ngayon kahit nga isa wala, makahingi nga kay kneeko…100 na yata ang collection nun
14.)Pag namimili ng gamit ko (like damit, shoes etc) i go for quality kaya medyo nagtatagal ako sa pagpili - minsan nga eh naiinis na si wisheart sa akin, kasi naman tapos na syang mamili para sa kanya at sa mga kids, ako wala pang napipili hehehe
20.) Kamag-anak namin si Polo Ravales, yung artista sa Mahika - Akala nyo si fafa KU lang may lahing artista ha..ako din ehehe. Ayoko sanang maniwa pero pinsan ko mismo ang nagsabi sa akin nito, nakasama daw nila noong huling reunion ng clan namin.


Da lies:

2.) Amoy pinipig ang aking utot- bwahahaha sinungaling kaaaa talagaaa
4.) Hindi ako mahilig manood ng cartoons- Bata pa po kasi ako...batang isip hehehe, sa totoo lang hanggang ngayon eh kasabay ko ang mga kids sa panonood ng "Kids next door", "Samurai Jack", "Robot Boy" at "Power Puff Girls" hehe
6.) Im still a virgin and never been kissed nor touched - bwahahaha..saan kaya
7.) Ex-Seminarian ako - kahit na elementary hanggang college eh sa catholic school ako nag-aral hindi siguro ako matatatanggap doon hehehe
12.) Dati akong member ng Philippine Educational Theatre Association or PETA - Noong college may kaibigan ako na direktor ng PETA sa Baguio, pilit nya akong sinasali sa mga plays nya. Eh mahiyain pa ako noon kaya di ako pumayag. Pero bandang huli ay pinagbigayan ko na rin sya, hindi nga lang sa stage kundi sa likod..taga hawak ng spotlight
15.) Nakakarating na ako sa view deck ng Mt. Samat Cross- huhuhu di pa talaga ako nakakarating dito.
16.) Hindi pa ako nakakasakay sa Helicopter - Noong nagtatrabaho pa ako sa Abu Dhabi, helicopter ang means of transpo namin papunta sa mga Oil rig at facilities ng kumpanyang pinapasukan ko. Sa loob ng isang araw nga 4 times akong sumasakay dito.
17.) Expert ako kung pagluluto ang pag-uusapan - hehe nasabi ko na noon na itlog lang ang kaya kong lutuin..minsan nga sunog pa, departamento ni wisheart yan
18.) Di ako marunong mag bike kahit yung stationary bike - Actually maaga akong natutong mag bike, gamit ko pa yung may extra na gulong sa likod para laging balanse
19.) Noong High School kahit minsan ay di ako napatawag sa guidance councilor- medyo pasaway kasi ako noong highschool kaya madalas ang bisita ko sa guidance councilor. Madalas ako akong mahuli na nagka-cutting classes para maglaro ng billiards hehehe

Ano ang sabi nila:
Karmi – walang hula hehe
Neneng- walang tama
Princes of CJ – 0.5 tama
Evi- - 1 tama =D
Watson – 1 tama
Mama jean – 1 tama
Jo – 1 tama
Katya – 2 tama
Masterbetong – 3 tama
Leah – 3 tama
Kneeko – may tama este 5 tama hehe
Rho-anne – 5 tama
Misyel – 5 tama
Laureen – 5 tama
Jaja- 6 tama
Ruthan – 6 tama
Sasha – 7 tama
Tutubeng ganda – 8 tama
Nona – 8 tama
Mmy-lei – wow galing naman 10 tama, wala pang kodigo yan ha.

Salamat uli sa inyong lahat

Saturday, November 04, 2006

Welcome back at ang nilumot na tagay ng tutube

Bago sunugin ni wisheart ann, mmy-lei, Teekay, ninang Ethel at Rho-ann itong blog ko eh mag-u-update muna ako hehehe. Pasenya na kayo kung ngayon lang ako nag post uli, sobrang busy talaga ako sa opis ngayon. I’m involved in this huge project na kailangan talagang tutukan kasi ang target date of completion is April 2007 which is before the next summer season starts. Pasensya na kayo kung di ko masasbi kung ano itong project na ito kasi medyo technical ang dating (baka mabatukan pa ako ni mmy-lei kung di nya maintindihan ang paliwanag ko). Ang katunayan nga po eh nasa training pa ako last week hanggang next week, kaya lang nagkaroon ng konting problema sa venue kaya na-postpone ito for Monday (kwento ko na lang sa mga susunod na post kung bakit ha)

By the way gusto ko palang magpasalamat sa lahat na dumalaw pati na rin yung nga nag-iwan ng comments sa aking previous post at sa tag board. Hindi ko na babanggitin ang mga pangalan nyo kasi baka abutin tayo hanggang isang linggo hehehe. Salamat na lang ng marami at di kayo nakakalimot na dalawin ang aking blog kahit na walang update. Sana rin po ay wag kayong magsasawang tumangkilik sa Nora-Tirso at Juday-Piolo love team hehehe.

Bago ko pala makalimutan, gagawin ko na yung assignment na bigay ni Teekay na mukhang inamag na sa tagal bago ko ginawa. Sorry Teeks, di bale sabi nga nila na “Huli man daw at magaling, under time parin”

Eto po ang aking version ng True or False

Ang INSTRUCTION:
->Make a list of 20 statements about yourself.
->10 of the 20 statements must be LIES.
->Post your list and have people guess which five TEN are lies!

1.) Ang pangalan ko ay kinuha ng aking lola mula sa pangalan ng dalawang patron saint ng aming probinsya.
2.) Amoy pinipig ang aking utot.
3.) Sa aming apat na magkakapatid ako ang pinakamaputi at mukhang artistahin.
4.) Hindi ako mahilig manood ng cartoons.
5.) Naging kaklase ko si Maricel Soriano noong ako ay nasa Grade 4 sa Saint Mary’s Academy-Pasay.
6.) Im still a virgin and never been kissed nor touched.
7.) Ex-Seminarian ako.
8.) May balat ako sa tiyan na hawig sa mapa ng Pilipinas.
9.) Mula elementary hanggang high school ay miyembro ako ng school choir.
10.) Mayroon akong kuntil sa kanang tenga.
11.) Favorite kong prutas ang Durian at guyabano.
12.) Dati akong member ng Philippine Educational Theatre Association or PETA.
13.) There was a time na nagkaroon ako ng collection ng labing-limang piraso na caps at hats.
14.)Pag namimili ng gamit ko (like damit, shoes etc) i go for quality kaya medyo nagtatagal ako sa pagpili.
15.) Nakakarating na ako sa view deck ng Mt. Samat Cross.
16.) Hindi pa ako nakakasakay sa Helicopter.
17.) Expert ako kung pagluluto ang pag-uusapan.
18.) Di ako marunong mag bike kahit yung stationary bike.
19.) Noong High School kahit minsan ay di ako napatawag sa guidance councilor.
20.) Kamag-anak namin si Polo Ravales, yung artista sa Mahika.

Sige hulaan nyo kung aling sampung ang hindi totoo at alin naman ang kasinungalian, sige na huwag na kayong mahiya, madali lang naman yan kasi karamihan ay mga give away na hehehe…Enjoy.