KaDyo

Sunday, November 26, 2006

May tama ka kneeko

Ehem ehem mic test mic test ..hehe sensya na po sa inyo at ngayon lang ulit nakapag-update. Nasa training po kasi ako ngayon at walang internet access doon, di tuloy ako makadalaw sa mga blog ninyo.
Buti na lang at kinailangang umuwi sa Germany ang aming instructor dahil may aasikasuhin daw sya na importante. So habang hinihintay natin ang kanyang pagbabalik magboblog muna ako at akin na ring ilalahad ang mga katotohanan at kasinungalian mula sa aking previous post. Salamat nga pala sa mga nanghula at mga di humula.... ang gagaling nyo, siguro kamag-anak nyo si madam auring o si mystica hehehe.

Salamat din pala sa mga nag-iwan ng mga commnets sa aking shoutbox.

Ang Totot:

1.) Ang pangalan ko ay kinuha ng aking lola mula sa pangalan ng dalawang patron saint ng aming probinsya - Kwento ng aking nasirang lola na kinuha daw nya kina Santa Catalina at San Jose ang pangalan ko.
3.) Sa aming apat na magkakapatid ako ang pinakamaputi at mukhang artistahin - Sa maniwala kayo o sa hindi ako lang ang maputi sa aming magkakapatid. Namana ko yan sa nanay ko na mestisa, yung artistahin eh give away na diba hehehe (pagbigyan nyo na ako tulal malapit na pasko heheh)
5.) Naging kaklase ko si Maricel Soriano noong ako ay nasa Grade 4 sa Saint Mary’s Academy-Pasay - O diba pati mga classmates eh artista hehehe, sabi ko nga kay princes of CJ, kasabay ko pa sya sa school bus.
8.) May balat ako sa tiyan na hawig sa mapa ng Pilipinas - Sa tyan lang ha wala sa pwet
9.) Mula elementary hanggang high school ay miyembro ako ng school choir-lalalalalala…ehem ehem
10.) Mayroon akong kuntil sa kanang tenga - May post ako noon tungkol dito..may picture pa nga eh.
11.) Favorite kong prutas ang Durian at guyabano - Mula pa noon, all time favorite ko na talaga ang guyabano. Yun namang Durian, magmula ng makatikim ako ng durian candy na-addict na ako, ayoko lang talaga yung amoy
13.) There was a time na nagkaroon ako ng collection ng labing-limang piraso na caps at hats - Ngayon kahit nga isa wala, makahingi nga kay kneeko…100 na yata ang collection nun
14.)Pag namimili ng gamit ko (like damit, shoes etc) i go for quality kaya medyo nagtatagal ako sa pagpili - minsan nga eh naiinis na si wisheart sa akin, kasi naman tapos na syang mamili para sa kanya at sa mga kids, ako wala pang napipili hehehe
20.) Kamag-anak namin si Polo Ravales, yung artista sa Mahika - Akala nyo si fafa KU lang may lahing artista ha..ako din ehehe. Ayoko sanang maniwa pero pinsan ko mismo ang nagsabi sa akin nito, nakasama daw nila noong huling reunion ng clan namin.


Da lies:

2.) Amoy pinipig ang aking utot- bwahahaha sinungaling kaaaa talagaaa
4.) Hindi ako mahilig manood ng cartoons- Bata pa po kasi ako...batang isip hehehe, sa totoo lang hanggang ngayon eh kasabay ko ang mga kids sa panonood ng "Kids next door", "Samurai Jack", "Robot Boy" at "Power Puff Girls" hehe
6.) Im still a virgin and never been kissed nor touched - bwahahaha..saan kaya
7.) Ex-Seminarian ako - kahit na elementary hanggang college eh sa catholic school ako nag-aral hindi siguro ako matatatanggap doon hehehe
12.) Dati akong member ng Philippine Educational Theatre Association or PETA - Noong college may kaibigan ako na direktor ng PETA sa Baguio, pilit nya akong sinasali sa mga plays nya. Eh mahiyain pa ako noon kaya di ako pumayag. Pero bandang huli ay pinagbigayan ko na rin sya, hindi nga lang sa stage kundi sa likod..taga hawak ng spotlight
15.) Nakakarating na ako sa view deck ng Mt. Samat Cross- huhuhu di pa talaga ako nakakarating dito.
16.) Hindi pa ako nakakasakay sa Helicopter - Noong nagtatrabaho pa ako sa Abu Dhabi, helicopter ang means of transpo namin papunta sa mga Oil rig at facilities ng kumpanyang pinapasukan ko. Sa loob ng isang araw nga 4 times akong sumasakay dito.
17.) Expert ako kung pagluluto ang pag-uusapan - hehe nasabi ko na noon na itlog lang ang kaya kong lutuin..minsan nga sunog pa, departamento ni wisheart yan
18.) Di ako marunong mag bike kahit yung stationary bike - Actually maaga akong natutong mag bike, gamit ko pa yung may extra na gulong sa likod para laging balanse
19.) Noong High School kahit minsan ay di ako napatawag sa guidance councilor- medyo pasaway kasi ako noong highschool kaya madalas ang bisita ko sa guidance councilor. Madalas ako akong mahuli na nagka-cutting classes para maglaro ng billiards hehehe

Ano ang sabi nila:
Karmi – walang hula hehe
Neneng- walang tama
Princes of CJ – 0.5 tama
Evi- - 1 tama =D
Watson – 1 tama
Mama jean – 1 tama
Jo – 1 tama
Katya – 2 tama
Masterbetong – 3 tama
Leah – 3 tama
Kneeko – may tama este 5 tama hehe
Rho-anne – 5 tama
Misyel – 5 tama
Laureen – 5 tama
Jaja- 6 tama
Ruthan – 6 tama
Sasha – 7 tama
Tutubeng ganda – 8 tama
Nona – 8 tama
Mmy-lei – wow galing naman 10 tama, wala pang kodigo yan ha.

Salamat uli sa inyong lahat

22 comment(s):

aww polo ravales...hotta hotta pala lahi nyo? hehehe

ay ka-age nyo si maricel soriano? so 28 na kayo? LOL

By Anonymous sarubesan, at 11:06 AM  

at least ako may tama! ;))

ka-edad mo pala sa maria or mas matanda sya kasi pasulpot sulpot lng sa klase?

By Blogger Princess of CJ, at 11:31 AM  

Wow~ naka ocho ocho pa ako o akalain mo! heheh! ang daya ni Mmy Lei baka tinuruan nyo na sya or tlgang super close na kayo at pati bilang ng buhok mo sa kili kili e alam nya? heheh! Hay praise the Lord at nakabalik kana galing sa lubak lubak na daan! heheh! Na miss na kita akala mo! akala molang yun! nyahahha!

By Blogger tutubing_karayom, at 12:53 PM  

anong alang tama ha????? LAKAS nga ng TAMA ko parati, kaya daming nagmamali ang akala!!! hahahah

di ko na sinabi ang mga alam ko baka mapansin na close na close tayo SAM! :D

kahit turn off na ako sa iyo ngayon dahil sa EB natin, frens pa rin tayo por d sake op ur pants ...eerrrrr fans pala! ^(°I°)^

member dati ng choir??? batet ganun boses mo? di tuloy ako naloko na bumili ng cd mo :P

*linggo pala ngayon ... di pa nagsimba kc ..... allelluyaaahhh!

By Blogger racky, at 12:55 PM  

huuu...welcome back uli, gaano naman kaya katagal eto at bigla na namang maglaho?:D

wow, naka-walong tama ako?....galing ko manghula...siyempre kamag-anak yata ng pinsan, ng pinsan, ng pinsan..ng lola ko si madam auring :D

By Blogger nona, at 4:45 PM  

hehe... 2 tama ko lol! ok yun ah ^_^ oops pede pahingi ng cell no. ni Polo Ravales ^_^ pakiiwan na lang sa tagboard ko!^_~

By Blogger ღ lil_kath ღ, at 4:12 AM  

naku- artistahin ka pala...pahingi ng autograph bago ka madiscover (para mabenta ko sa e-bay, he!he!)

nice to hear back from you.

By Blogger Leah, at 6:43 AM  

Galing ko! Naka-7 hehe! Ayos ka, manong KD ah... lahi ng artistahin hehehe

Welcome back! Nahawi mo na ang mga sapot, kita na ang blog mo hehe

By Anonymous sasha, at 8:02 AM  

yesss... akalain mong naka-5 pa ako??! nyahahaha!! pwede na un kahit pasang-awa!!

artistahan ka talaga... naks naman! pa-autogragraph fafah KD... ni Polo!! kala mo ikaw ha, nyahahaha!

By Blogger rHo, at 8:07 PM  

ang saya pala ng hulaan dito,KD.
sayang,absent ako,(as in) :)

talaga?naging kaklase mo si maricel soriano?

ako rin,may balat sa ...hehehe

akala ko kung ano ang tama ni Kneeko,LOL!

By Blogger ghee, at 1:33 PM  

Mukhang artistahin pala kayo. Sana ipinagpatuloy nyo yung pagsali sa mga plays baka natuloy ang pagaartista nyo. :) Ako ang hindi marunong mag-bike. Wala kasing nagturo sa akin. Mag-aaral sana ako ngayon kaya lang too late na at hindi na ako maka-pag-balance. :)

Link ko rin kayo.

By Anonymous niceheart, at 4:26 PM  

buti na alng nasabihan ako ni ghee tungkol sa tama na eto... wheewww

nakakarami ka na huh.. ako 5 lang ang tama..

By Anonymous kneekodakero, at 7:56 AM  

Bwehehehe! At least kahit isa lang hinulaan ko, tumama rin naman! December 1 na! Merry Christmas!

By Blogger watson, at 3:34 PM  

sarubesan, hhehe ayoko ring maniwala pero mapilitkasi yung pinsan ko eh =D.
Matanda lang siguro ng isang buwan si maricel hehe

By Blogger KaDyo, at 10:53 AM  

princes of cj, congrats hehe, after grade 4 madalang ko na syang makita sa school ang balita ay naghome study na lang yata.

By Blogger KaDyo, at 10:56 AM  

tubee, 2nd place lang kayo ni nona kasi magaling si mmy-lei manghula wag kang maingay ha tita nyan si madam auring hihihi

By Blogger KaDyo, at 11:01 AM  

darna aka ding, alam ko naman na malakas ang amats mo pre kasi lagi kang humihithit ng seeweeds.
di mo pa nakukuha yung bago kong cd entitled

By Blogger KaDyo, at 11:04 AM  

nona, honga ngayon alam ko na magaling ang powers nyo ni mmy-lei at tubee congrats heheh

By Blogger KaDyo, at 11:05 AM  

katya, sabi ni kasin eh ke kneeko mo na lang daw kunin kasi si kneeko ang president ng Polo R fans club hehehe

By Blogger KaDyo, at 11:07 AM  

leah, wag po sana ninyong iisipin na mayabang si kd sa post ko na ito ha, kasi ang kamukha ko talaga ay si bentong..pero teka artista rin naman si bentong ah

By Blogger KaDyo, at 11:09 AM  

sasha, hehe Sam nalang tawag mo sa akin heheh-(kapal muks ko)

By Blogger KaDyo, at 11:15 AM  

rho, hehe 75 nga garde mo okay lang yun yung iba nga eh di nakatama kahit isa hehehe. Ayaw mo autograph ko? baket kaya

By Blogger KaDyo, at 11:51 AM  

Post a comment

<< Home