KaDyo

Saturday, November 04, 2006

Welcome back at ang nilumot na tagay ng tutube

Bago sunugin ni wisheart ann, mmy-lei, Teekay, ninang Ethel at Rho-ann itong blog ko eh mag-u-update muna ako hehehe. Pasenya na kayo kung ngayon lang ako nag post uli, sobrang busy talaga ako sa opis ngayon. I’m involved in this huge project na kailangan talagang tutukan kasi ang target date of completion is April 2007 which is before the next summer season starts. Pasensya na kayo kung di ko masasbi kung ano itong project na ito kasi medyo technical ang dating (baka mabatukan pa ako ni mmy-lei kung di nya maintindihan ang paliwanag ko). Ang katunayan nga po eh nasa training pa ako last week hanggang next week, kaya lang nagkaroon ng konting problema sa venue kaya na-postpone ito for Monday (kwento ko na lang sa mga susunod na post kung bakit ha)

By the way gusto ko palang magpasalamat sa lahat na dumalaw pati na rin yung nga nag-iwan ng comments sa aking previous post at sa tag board. Hindi ko na babanggitin ang mga pangalan nyo kasi baka abutin tayo hanggang isang linggo hehehe. Salamat na lang ng marami at di kayo nakakalimot na dalawin ang aking blog kahit na walang update. Sana rin po ay wag kayong magsasawang tumangkilik sa Nora-Tirso at Juday-Piolo love team hehehe.

Bago ko pala makalimutan, gagawin ko na yung assignment na bigay ni Teekay na mukhang inamag na sa tagal bago ko ginawa. Sorry Teeks, di bale sabi nga nila na “Huli man daw at magaling, under time parin”

Eto po ang aking version ng True or False

Ang INSTRUCTION:
->Make a list of 20 statements about yourself.
->10 of the 20 statements must be LIES.
->Post your list and have people guess which five TEN are lies!

1.) Ang pangalan ko ay kinuha ng aking lola mula sa pangalan ng dalawang patron saint ng aming probinsya.
2.) Amoy pinipig ang aking utot.
3.) Sa aming apat na magkakapatid ako ang pinakamaputi at mukhang artistahin.
4.) Hindi ako mahilig manood ng cartoons.
5.) Naging kaklase ko si Maricel Soriano noong ako ay nasa Grade 4 sa Saint Mary’s Academy-Pasay.
6.) Im still a virgin and never been kissed nor touched.
7.) Ex-Seminarian ako.
8.) May balat ako sa tiyan na hawig sa mapa ng Pilipinas.
9.) Mula elementary hanggang high school ay miyembro ako ng school choir.
10.) Mayroon akong kuntil sa kanang tenga.
11.) Favorite kong prutas ang Durian at guyabano.
12.) Dati akong member ng Philippine Educational Theatre Association or PETA.
13.) There was a time na nagkaroon ako ng collection ng labing-limang piraso na caps at hats.
14.)Pag namimili ng gamit ko (like damit, shoes etc) i go for quality kaya medyo nagtatagal ako sa pagpili.
15.) Nakakarating na ako sa view deck ng Mt. Samat Cross.
16.) Hindi pa ako nakakasakay sa Helicopter.
17.) Expert ako kung pagluluto ang pag-uusapan.
18.) Di ako marunong mag bike kahit yung stationary bike.
19.) Noong High School kahit minsan ay di ako napatawag sa guidance councilor.
20.) Kamag-anak namin si Polo Ravales, yung artista sa Mahika.

Sige hulaan nyo kung aling sampung ang hindi totoo at alin naman ang kasinungalian, sige na huwag na kayong mahiya, madali lang naman yan kasi karamihan ay mga give away na hehehe…Enjoy.

37 comment(s):

1,2,6,7,8,13,17,19,20... ayan ang hula ko ..

ung # 3 naniniwala talaga ako....

By Anonymous kneeko, at 3:56 PM  

2.) Amoy pinipig ang aking utot.
4.) Hindi ako mahilig manood ng cartoons.
6.) Im still a virgin and never been kissed nor touched.
7.) Ex-Seminarian ako.
10.) Mayroon akong kuntil sa kanang tenga. (diba nasa kaliwa?)
11.) Favorite kong prutas ang Durian at guyabano.
16.) Hindi pa ako nakakasakay sa Helicopter.
17.) Expert ako kung pagluluto ang pag-uusapan.
18.) Di ako marunong mag bike kahit yung stationary bike.
19.) Noong High School kahit minsan ay di ako napatawag sa guidance councilor.

naku magpapamisa ako kasi andito kana! yahooooooo!!!! cguro nga kamag anak mo si POlo, kasing cute sya ng mga baby mo eh!

By Blogger tutubing_karayom, at 4:39 PM  

comment na lang ako!

1. merong bang santo jo******? parang wala yata!
2. oo na! wag mo na lang ipaamoy sa akin!
5. ibig sabihin malapit ka nang mag-50 years old?
6. totally damaged?
7. ex-semen-narian ba?
10. nabasa ko na ito sa post mo

hehehe! welcome back to the blogging world KD!

By Anonymous master, at 5:14 PM  

Manghula rin ako manong KD...

1,2,4,6,7,11,13,17,18,19

Ayan, sana makatama! Hehehe

By Blogger sasha, at 5:41 PM  

sa wakas! hehehe..

bc nga po talaga kau kuya KD! waaaaa.. welcome back po!

By Anonymous karmi, at 12:20 AM  

naku, ang alam ko lang na di totoo ay #6, kasi kung totoo yan wala sana sila tintin, joshua at justin.

By Anonymous JO, at 5:30 AM  

** 6.) Im still a virgin and never been kissed nor touched.
7.) Ex-Seminarian ako.
8.) May balat ako sa tiyan na hawig sa mapa ng Pilipinas. **


hehehe...lol!! ^_^ matanong nga si Ann mamaya.

musta na tukayo? miss ko na yung pambubulabog mo sa tag board ko ah.... sobrang busy ba? ingatz po...^_^

By Blogger ღ lil_kath ღ, at 7:22 AM  

buti naman fafah KD at napagtanto mong susunugin namin ang bahay mo! hahahaha! joke...

okay, manghuhula ako! sana naman ay may tumama dito! hehehehe...

2.) Amoy pinipig ang aking utot.
4.) Hindi ako mahilig manood ng cartoons.
5.) Naging kaklase ko si Maricel Soriano noong ako ay nasa Grade 4 sa Saint Mary’s Academy-Pasay.
6.) Im still a virgin and never been kissed nor touched.
10.) Mayroon akong kuntil sa kanang tenga.
11.) Favorite kong prutas ang Durian at guyabano.
14.)Pag namimili ng gamit ko (like damit, shoes etc) i go for quality kaya medyo nagtatagal ako sa pagpili
16.) Hindi pa ako nakakasakay sa Helicopter.
17.) Expert ako kung pagluluto ang pag-uusapan
20.) Kamag-anak namin si Polo Ravales, yung artista sa Mahika.

ang hirap namang manghula fafah KD pero natutuwa na ako dahil ikaw ang present na! yahooo... gudlak sa iyong proyekto! ingatz po lagi kayo kuya... God bless!

By Blogger rHo, at 7:49 AM  

SINUNGALING ka talaga, ba't di mo sinabi na kaya matagal kang nawala dahil nag-EB tayo sa Pilipins???

bahala ka, i-po-post ko rin naman pics natin ... iyon eh kung di pa napirata ;)

kaka-turn-off ka pala SAM, alipin ni Onkel Sam pati dila baluktot sa wika natin ... kay AQUANO at Palikpik na ako ngayon isali mo na si Super Inggo kahit sa Kapamilya siya (hawig ng pamangkin ko kaya)!

o siya, wala namang papremyo dito at dahil magre-resign na ako bilang PR manedyer mo, sasabihin ko na sa lahat na #3 lang ang LIE (kaya pala) ... Hollywood na ang target mo ngayon!!!

By Blogger racky, at 7:50 AM  

totoo ba to? "5.) Naging kaklase ko si Maricel Soriano noong ako ay nasa Grade 4 sa Saint Mary’s Academy-Pasay." hehehe

welcome back KD at salamat sa bday greetings!

By Blogger Princess of CJ, at 2:58 AM  

yung number 19, palagay ko kasinungalingan yan :D (kung totoo pala talaga yan, nagbibiro lang ako,heheheh!

By Blogger sandra, at 9:30 AM  

Hi! got here from Ann's blog. This list sounds like fun! I'll copy it if you don't mind. Kailangan ko ng fillers this month eh. I have to blog everyday!! :D Salamat ha. I'll link back.

By Blogger JMom, at 10:23 PM  

hula po ako ha... 1, 2, 3, 5, 6, 7, 17, 19 & 20 hehehe, tama kaya ako???

nakarating na din ako sa 15.) Mt. Samal, ganda noh?

welcome back po! :)

By Blogger M I C H E L L E, at 5:00 AM  

kneeko, aba first horor este honor ka ngayon hehe. May tama ka hehe lima(5)

By Blogger KaDyo, at 7:12 AM  

tubee, wow ang galeng talagang humula ni juday naka walo (8) ka hehe, next post reveal ko ang tama at mali =D

By Blogger KaDyo, at 7:14 AM  

master, salamat masterB, may tama ka rin..tatlo hehe
oist bata pa naman kami ni maricel ah hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:15 AM  

sasha, wow ang dami ding tama mo sasha hehe seven (7) ang galing ding manghula =D

By Blogger KaDyo, at 7:17 AM  

karmi, salamat sa pagwelcome back hehe eto medyo busy pa rin di pa nga tapos training namin

By Blogger KaDyo, at 7:18 AM  

jo hehe parang bonus na diba hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:21 AM  

katya, wow naka 2 out of 3 ka hehe. Medyo medyo pa rin eto nga singit lang ito eh. Bayaan mo pag di na masyado eh mambubulabog ulit ako sa tag board mo hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:22 AM  

rho, hehe tinakot pa no bago magpost =D

wow may tama ka rin..lima (5). Salamat din sa pag welcome at sa pagbati hehe

By Blogger KaDyo, at 7:26 AM  

dyesabel, shhh wag kang maingay baka malaman ng ABS baka ma memohan ako hehehe. Sige okay lang na i-post mo yung pics natin parang promotion na rin sa aking upcoming movie witj jerico rosales & heart evangelista hehehe.

Ano ka # 3 ang nga ang di lie eh

By Blogger KaDyo, at 7:30 AM  

Hi Kadyo...nice to read your recent post. Goodluck sa project mo. Manghuhla na rin ako...eto:
2,3,6,8,10,11,14,16,20

By Blogger Leah, at 7:38 AM  

Princess of CJ, Yup tama ka hehe. That was during John & Marsha era nya, pasulpot sulpot sa sa klase kasi nga dahil sa taping etc, kasabay ko pa nga siya sa school bus eh =D

By Blogger KaDyo, at 7:59 AM  

mama jean, okay lang hehe. Napabarkada kasi ako sa mga medyo pasaway noong high school kaya naging regular guest kami ng guidance councilor hehe.

By Blogger KaDyo, at 8:03 AM  

jmom, salamat sa pagbisita. Link ko rin kayo =D

By Blogger KaDyo, at 8:08 AM  

misyel, hehe apat lang ang nahulan mo na tama, pero okay lang at least di bokya na tulad ni dyesabel hehe.
Ang ganda sa Mt. Samat nakakatakot lang ang pagpanik heheh

By Blogger KaDyo, at 8:11 AM  

leah, salamat sa pag hula hehe tatlo ang tama mo =D

By Blogger KaDyo, at 8:12 AM  

True
1. buti nalang mabait si lola
5. nangongopya ka kay maricel kaya ka nya napingot
8. ang laki nga eh, gusto pa koloran ni josh
9. hanggang chat feel mo
10. me picture ako
11. mas mabaho mas masarap... nyahahha
13. eto ang alam ko kung baket! nyahahaha! seklet
14. same tayo
15. ganda noh
20. oo na, artistahin ka na!


False
2. amoy ko nga hanggang dito, nadala ng mga pana.
4. ma-action ang buhay mo!
6. ganun ba yun! alam ko eh.... hehehe
7. lalabas mga madre kapag pumasok ka sa seminaryo.
12. peta ka jan, alam ko nsa bundok ka at nakikipaglaban sa bayan...
16. masisira, maawa ka
17. pde bang si tita ann nalang magluto, ikaw nalang maghugas... nyahahha
18. car nalang para safe mga bata at ako kapag dinalaw nyo ako dito.
19. hehehe, first honor ka lagi sa guidance nyo.


Tralse
3. alam ko maputi lang pero di artistahin, maarte lang, pero sige true na ito para kay tita ann.

sa pagbabalik...

By Blogger Mmy-Lei, at 2:29 PM  

erratum:

Tralse #15 - nakapunta ka na sa mt. samat pero sa baba lang, d ka akyat kasi natatakot kang madala ni capt. barbel.

By Blogger Mmy-Lei, at 3:01 PM  

Akalain mo TOP NATCHER , ako nyahahh! dapat me price ito...

By Blogger tutubing_karayom, at 5:28 AM  

"Sige hulaan nyo kung aling sampung ang hindi totoo at alin naman ang kasinungalian"

parang lahat tuloy kasinungalingan. hehe, just kidding. pero hula ko: 1, 2, 3, 6, 7, 8, 16, 19, & 20. kulang ba? yan lang hula ko eh. haha.

hope you enjoy the weekend =)

By Blogger Laureen, at 6:14 PM  

less than 10 lang ang pwede kong sabihin na lies. pero sigurado ako na hindi ka na virgin. hahaha...

By Anonymous evi, at 8:04 AM  

2,3,4,6, owwssss....? 7,11,16,17...hahaha! kitang kita sa post ni ann..expert! 18, 19...sana nakatama ako hehee...welcome back KD!

By Blogger nona, at 3:33 AM  

1.) Ang pangalan ko ay kinuha ng aking lola mula sa pangalan ng dalawang patron saint ng aming probinsya.

6.) Im still a virgin and never been kissed nor touched.

7.) Ex-Seminarian ako.

8.) May balat ako sa tiyan na hawig sa mapa ng Pilipinas.

11.) Favorite kong prutas ang Durian at guyabano.

13.) There was a time na nagkaroon ako ng collection ng labing-limang piraso na caps at hats.

16.) Hindi pa ako nakakasakay sa Helicopter.


17.) Expert ako kung pagluluto ang pag-uusapan.


18.) Di ako marunong mag bike kahit yung stationary bike.

19.) Noong High School kahit minsan ay di ako napatawag sa guidance councilor

hello KD!welcome bak!hula ko lang yang mga yan ha!

By Blogger Jaja, at 11:58 AM  

Kasinungalingan yung hindi ka pa natawag sa guidance counselor, yung 19. :-)

By Blogger watson, at 4:56 PM  

2,6,17,15,20,11,7,18,8

2. hindi ko alam ang amoy ng pinipig
6. si mamsi ann??
17. nasunog mo ang pinabon kila josh nung nagkasakit si mamsi ann
18. hindi ko maisip kung may tao pa bang di marunong magbike..hehe.
11. parang hindi..baka ayaw mo ng amoy ng durian at mabotong guyabano
8. baka may pulong hindi napasama.
15. hindi ko alam kung san yun smat cross
20. talaga po??????
7. hmmm


hindi na ko papalag sa number 3..hehehe...

By Blogger rUth, at 6:31 PM  

Post a comment

<< Home