KaDyo

Wednesday, December 06, 2006

Imported daw

Usually dito sa opis tuwing alas nueve ng umaga ay nagpupunta ako cafeteria para kumuha ng kape o tea. Kanina habang nakapila at naghihintay ng aking order dumating si Troy, isang kakilala kong pinoy na dito rin nagtatrabaho. Medyo mahaba ang pila kaya nagkwentuhan muna kami. Suguro sa kakornihan ng joke ko eh biglang napatawa si Troy nang medyo may kalakasan. At habang nagyayari iyon ay may narinig kami na boses sa bandang likuran. “Hey Troy Don't laugh, you are not allowed to laugh. We imported you from your country to work and not to laugh”. (Ano raw imported? ano yun parang saging)

Napalingon kaming dalawa sa pinangalingan ng boses. Galing pala sa isang lokal na kasamahan at kabiruan ni Troy. Ok na sana kasi nakangiti naman si Troy sa kanya, kaya lang hindi maganda ang dating sa akin kaya ito ang sinagot ko .“Pardon me but we’re not like your imported cars that can you use, drive and take you whatever and wherever you want. Yes we’re here to work but you don’t have the right to tell us what to do or when to do it. Alam kaya nito na di naman kami naririto para magbakasyon o mag sight-seeing. Marami pa sana akong sasabihin sa kanya kayang pinigilan ko sarili ko kasi nagsisimula nang masira ang aking damit at nagkulay green na ang mga balat ko hehehe. Napahiya yata siya sa ginawa nya kaya biglang nag-sorry sa akin, binibiro lang daw nya si Troy. Pasensya daw kung naka-offend sya. Medyo "rare" sa mga lokal na naghihingi ng sorry kahit na siya pa ang may kasalanan, kaya sabi ko you're welcome hehe.


Okay lang naman ang magbiro o magpatawa kasi kapag lagi naman tayong serious eh madali tayong tatanda at mangungulubot agad ang mga balat, ang importante lang ay huwag tayong makakasakit ng damdamin ng iba.


Sabi nga sa golden rule na ” Do unto others as you would have others do unto you. Because if you do not do, others will do unto others what you donut do” ayus ba hehehe.

31 comment(s):

Anak ng tinola, natawa ako at nainis dun sa entry mo kuya hulk.. Una, nainis ako kasi ano kayo tsokolate o kaya robot na kinuha nila para magtrabaho sa kanila, ang kapal huh! Tama lang ginawa mo at buti nga napahiya sya, nilampaso mo pa sana hmp! Anyway, natuwa din ako kasi ok ka talaga kadyo ang galing ng golden rule mo ehehehe...

By Blogger M I C H E L L E, at 10:08 PM  

wow galing i admire what you did... Proud pinoy! =)

By Anonymous Weng_mitch's prend, at 10:10 PM  

buti na lang at sinagot mo siya, at least now he knows that's not a joke to tell.

By Anonymous JO, at 10:39 PM  

oo nga.. engeng donut!

By Blogger tutubing_karayom, at 2:46 AM  

'yan ang kababayan... go KD go!

By Blogger tekla, at 7:14 AM  

(nginig)natatakot na kong magbiro baka marinig ni Kd hehehehe...

pero father, hanga ako sa tapang mo! kamag anak ka ba ni rizal o ni ninoy? hehehe

By Blogger clown, at 10:17 AM  

huwaw naman si fafah KD... bravo!! buti na lang at nasabihan mo! it hurts nga... kahit ako yun ha!

eto na naman po tayo sa makabagbag damdaming quotes ni fafah! hahahaha! kakaiba ka...

By Blogger rHo, at 7:11 PM  

ang lupit mo KD! buti nga sa kanya at nabara mo. todo english yung pagtatanggol mo ha! hehehe.

buti may mga pinoy na tulad mo.. IBOTO SI KD! =)

By Blogger fayenget, at 12:52 PM  

haha, natawa din ako dun sa linyang nagiging green na ang balat mo. pero way to go! nataas mo ang bandila natin!

and true, mejo bihira nga ata sa mga saudi ang humingi ng tawad ha kaya bilib ako. siguro na-realize niya na mali din siya.

at grabe nga daw at mas madalas din daw ang ulan this year kesa last year sa bahrain! pero ang sarap ng lamig ano? :)

By Blogger gracita, at 12:54 PM  

naunahan ako ni ate TK, sasabihin ko din sana penge ako ng donut pero sa tagal koh, malamang ubos narin ang mga donuts mo. haha...

do not do unto others what you cant do. haha...

"pagmay kaaway, patayin mo sa bait". weee...

By Blogger pb, at 5:34 PM  

hello kuya kads...
nahilo ata ako dun sa saying mo... parang magulo ata lalo na ung pahuli hehehe... :D

By Anonymous rachel, at 1:46 AM  

Ang galing ng comeback! Ayos! Panalo ka, manong!

By Blogger sasha, at 8:39 AM  

tama lang ginawa mo sir KD, nakita ka sigurong malapit ng maging incredible hulk kaya nag-sorry agad :D takot lang niya.
mabuhay ang pinoy!!

By Blogger nona, at 5:46 AM  

imported daw?ginawa kayong object,hehe.tama yung ginawa mo,sinopla mo para di na maulit at makatawa kayo nang malaya.
what the heck?sarap yatang tumawa,haha!

nahilo ako sa golden rule mo,Kuya KD :D

By Anonymous ghee, at 8:10 AM  

Sa tingin ko ay hindi naman intention nung local na makasakit ng damdamin. Kaya lang minsan nga mahirap ding magbiro sa hindi mo kalahi dahil mahirap na at baka nga hindi maging maganda ang dating nun sa binibiro mo. At least he apologized.

By Anonymous niceheart, at 8:44 AM  

nyahahaha.. nakikita ko na 'yung mangyayari sa sinbahinan mo pag kulay green ka na hehehe...

meron akong nabasang magazine..
"how to deliver a joke w/o offending listeners..."

maipraktis nga yun hehehe..

By Anonymous Anonymous, at 11:40 AM  

I would do the same. Buti naman nilagay mo siya sa tama.

By Blogger AL, at 1:21 PM  

nung una nainis din ako sa ginawa nung lokal, pero bandang huli nitong article eh sobrang natawa naman ako.

palibhasa kasi sila kurneh ang mga jokes nila. hehehe! :)

By Anonymous pao, at 8:48 PM  

michelle, siguro kung sila lang dalawa ang nandoon okay lang ang ganoong biruan, ang masaklap ang daming tao sa paligid at sa tono ng boses nya hindi nagbibiro.

madami pa akong golden rule yung iba lang nakasanla hehehe

By Blogger KaDyo, at 7:18 AM  

weng_mitch's friend, salamat hehe

By Blogger KaDyo, at 7:20 AM  

jo, ayoko sanang patulan kasi alam ko naman na ganoon na mga ugali(ng karamihan sa kanila), kaya lang siguro dumating na ako sa point na napuno na ba.

By Blogger KaDyo, at 7:36 AM  

tubeee, ubos na donut eh, bukayo gusto mo hehe

By Blogger KaDyo, at 8:21 AM  

maam teks, happy birthday po =D

By Blogger KaDyo, at 8:23 AM  

maam rems, ang lam ko lang na kamag-anak ko na bayni eh si bayani agbayani hehehe

By Blogger KaDyo, at 8:26 AM  

rho, bayaan mo pag marami na akong nagawang quotes ipu-publish ko rin tulad ng idol natin na si batjay hehehe

By Blogger KaDyo, at 8:33 AM  

fayenget, salamat pero ayoko ng politika...president sige hehehe

By Blogger KaDyo, at 8:37 AM  

gracita, Hindi naman sa nagco-compare ako, pero when I was working in UAE (AD) the locals were so nice & approachable. Saka noong nagpunta kami ni wisheart sa Bahrain mababait ang mga locals, tinulungan pa nga kami ng isang bahraini when we renewed our visa extension kahit na di namin siya kilala, siya pa mismo ang lumapit sa amin at nag-offer ng tulong

By Blogger KaDyo, at 9:59 AM  

PB, wag kang mag-alala pag may natira pang donut sa next batch ipagtitira kita hehehe

By Blogger KaDyo, at 10:20 AM  

Naku, mabuti naman Mang KD at hindi naghalo ang balat sa tinalupan.
At least, mababa ang loob ng lokal na yun, ano?

Ehehe...nagutom ako.may donut pa ba?

By Anonymous malaya, at 12:01 PM  

that was uncalled for even if it was meant to be a joke. I guess you pu him in his proper place. Buti naman at nag sorry!

advance Meri Krismas!

By Anonymous duke, at 12:34 PM  

rachel, nahilo kaba heheh sensya ka na ako din nahilo eh

By Blogger KaDyo, at 12:36 PM  

Post a comment

<< Home