KaDyo

Saturday, January 06, 2007

Beauty is not in the face; beauty is a light in the heart.

Bagong taon, Bagong Pag-asa. Nawa ay patuloy tayo na pagkalooban ng maykapal ng lahat ng kanyang mga biyaya. Happy New Year sa inyong lahat.

Siguro nagtataka kayo bakit ganyan ang title ng aking post ngayon. Hindi ko rin alam hehehe, pero ito po ang totoo, hindi ko ginege-generalize ang nilalaman ng aking sinulat. I truly believe na sa mata ng Diyos tayo ay pantay-pantay; pangit man o maganda, pandak man o matangkad, payat man o mataba.
Gusto ko lang ipaalam sa kinauukulan ito kasi pag pinigilan baka sumakit pa ang tyan at bumaho lalo ang utot ko hehehe. Kung sakaling may nasaktan sa sinabi ko, pasenysa na po, di ko sinasadya.
Pero sa "iyo", bagong taon na, magbago ka na.
***
ANG SALAMIN

Sinubukan mo na bang tumingin sa salamin? Sige nga subukan mo, ano nakita mo? Ang mukha mo? Ah ang iyong napakagandang mukha. Mala-birhen, Malasutla, makinis na inalagaan ng panahon, moisturizers, lotions at iba pa. Pero, yan nga lang ba ang nakikita mo? Hindi mo ba naiisip kung saan at paano ginawa ang isang salamin? Hindi? Malamang nga. Busy ka kasi sa pagmamatyag sa kahanga-hangang mala-diyosang likha ng Maykapal na nasa iyong sa iyong harapan at wala ka nang pakialam sa iba pang bagay. Hindi mo man lang tinitigang mabuti ang salamin. Malinaw ba ang reflection nito o kailangan mo munang linisin ito.
Kung sakali ba may tumabi sa iyo para maki-salamin din, mapapansin mo ba ang ngiti nya sa labi? Kung ang iyong kasagutan ay hindi, alalahanin mo na iyang minamasdan mo ay temporary lang at kahit na ilang Dr. Vicky Belo, Dr. Calayan o mga produkto ng siyensya ang dumampi diyan kukupas at kukupas din yan tulad ng sa aming lahat.
Ang tunay na kagandahan ay hindi lamang yung sa panlabas na kaanyuan kasama rin siyempre yung kanyang pag-uugali. Sabi nga ng kaibigan kong si Manny boy, ang babae di baleng kartada 5 lang pero mabait ang pag-uugali di na kailangang humirit pa kasi panalo ka. Pero kung sya naman ay kartada 8 nga pero di naman maganda ang ugali, talo ka kasi para ka na ring na-bokya.

19 comment(s):

Panalo! Panalo! Ang galing ng post mo, kuya Boy este nong KD!

Pwede bang mabasa ng lahat ng lalaki ito? Para sa mga vavaboom na tulad ko? Nyahahaah

By Anonymous sasha, at 5:16 PM  

wow.. tumingin po ako sa salamin, at ano ang nakita ko? ang malalaking pimple ko.. hehehe..

nice artik kuya KD, san mo po nahugot yan? oo nga po, bagong taon dapat bagong buhay na rin... ^_^

sana po maging masaya ang 2007 natin..

By Anonymous karmi, at 11:23 PM  

What a great post KD. Kung may pinariringgan ka man o wala, eto ay magandang pang-alala sa atin lahat na hwag maghusga at pahalagaan ang nasa kalooban kaysa kaanyuan.

Happy New Year!!!!

By Blogger Leah, at 1:58 AM  

happy new year sa inyo!

By Blogger VemSan, at 5:26 AM  

Ako rin, mas una kong tinitingnan ang magandang ugali kaysa sa panlabas na kagandahan.

Cheers!

By Anonymous niceheart, at 6:49 AM  

Magaling Kuya KD! Ang ganda ng post mo!

Ayan ang isang reason kung bakit ko gusto ang mga personal blog... nakikita mo kaagad ang puso ng tao sa kanyang pagsusulat kahit hindi mo nakikita ang mukha.

By Anonymous Toe, at 10:25 AM  

Mabuti nlang tlgang maganda at mabuti ang kalooban ko nyahahha! pakapalan nato mga men!!!

Uy pano un lagi kong sinasabi na maganda ako? huhuhu! hactually, ganito nman lagi ang line ko... Eno ngaun kung mataba ako? eh maganda nman ako... pwede na un dba mang KD? hehe! ung medyo pahumble na mayabang hehe!!!

at least tanggap ko ang flaws ko at hindi sinungaling ang salamin ko.. ah ewan diko alam ang i co-comment ko!

By Anonymous TIKEY GANDA, at 3:11 PM  

happy new year tsong kahit late na gritings...

tama ka sa sinabi mo brod...sabi nga ni andrew e, humanap ka ng panget di ba? ngayon alam ko na kung bakit ako ang ginusto ng papa ko...charrinnnng! parang sinabi ko ng mabaet ako..hehehe...

By Blogger katrina, at 8:19 AM  

korek ka Manong KD. ang ganda ng mensahe mo, ang gandang repleksyon!

By Anonymous rem, at 10:43 AM  

grabe!!! amen talaga ako!!! tama talaga ang iyong mga tinuran!

may idadag ako fafah KD... nyahahahaha! e may mga magaganda o gwapo na tapos mabait pa, gosssh.... para kang tumama ng lotto nun noh??! bwahahahaha!

happy new year sa buong familia!! mwuaaaahugggzzz!

By Anonymous rHo, at 4:37 PM  

dadi KD, tinamaan ako dito. mala-diyosang kagandahan? ako iyan. mabuting kalooban -- ako pa rin yan!!! HAHAHA!!!
sana ay maging masaya at masagana ang 2007 para sa iyong pamilya =)

By Blogger ria, at 5:23 AM  

KD, pakiramdam ko may pinariringgan ka sa post mo na ito. Pero siguradong hindi ako ito. Hindi ako mahilig manalamin eh. Nung minsan nga, di ko na napansin, yung undershirt ko pala hindi naka-butones at nakalabas sa kwelyo. Nakarating ako sa opis ng ganun. Kaya ngayon sumisilip na ako sa salamin saglit bago umalis.

Happy New Year!

By Blogger watson, at 2:19 PM  

tama ka po KD ang kagandahan eh nasa panloob o sa ugali, anong silbi ng ganda mo kung masama naman ugali mo.. at ang ganda kumukupas di din magtatagal, kung magreretire kana dito sa mundo ang magrerehistro sa karamihan ng tao eh ang maganda mong ugali hindi ang mukha mo na gawa ni belo :)

Happy new year po!

By Blogger M I C H E L L E, at 12:42 AM  

parang galit ka sa post mo mang KD. may pinaparinggan ka?

pero katulad ng sabi ng lahat, tama ka! what is beauty with brains? or beauty without compassion? or beauty without a heart? buti nalang ako beauty WITH brains, compassion, heart at marami pang iba, hehe.

happy new year to you and your family!! :)

By Blogger gracita, at 3:39 AM  

naksss!parang napakalalim naman ng post ni Kuya KD,gusto kong sisirin.sabi nga ni Rho,paano kung beauty na tapos maganda pa ang ugali?di lang lotto ang tinamaan!yay!

hinahanap ko yung concert mo raw,saan ko ba maririnig yun? :D

happy new year sa inyong lahat!!!

By Anonymous ghee, at 10:00 AM  

avah avah!! sino ang kagalit mo sir KD? :D

Benta ang post mo sir, hindi lang sa looks dapat tumitingin ang tao. Sa ngayon kasi maraming mapanghusga...akala mo naman sila ay perpekto! ups,bato bato....

By Blogger nona, at 11:54 AM  

Great article, would you mind if I share this @ manilablend.blogspot.com

By Blogger Jay, at 6:50 AM  

Like to date online? Try CHUZI.PH!!!

By Anonymous Anonymous, at 2:53 AM  

nice post, Alat Bantu Sex

By Anonymous alat bantu sex, at 10:20 PM  

Post a comment

<< Home